Move in
"Hi, ako nga pala si Cosima. Ang ganda mo talaga, nagulat talaga ako nang makita kita sa sasakyan ni Boss." Nilayad niya ang kamay niya.
Tinitigan ko siya. Mukhang mas matanda sa akin ng limang taon ang babaeng nasa harap ko. Maganda siya at boyish pomorma.
Nahihiyang inabot ko ang kamay nito. "Ako si Devon Xenia, m-masaya akong makilala ka. "
"Ang cute mo..." Ngumiti ito bago nagsalita. "Ako din, Devon. Kaya Pag may kailangan ka ay tawagin mo lang ako-" Nahinto ang sasabihin nito nang magsalita si Xysto.
"Tama na 'yan, Cosima. Ipasok mo na ang mga gamit na nasa sasakyan." Seryosong utos nito kaya Napapanguso namang sumunod si Cosima.
Narito na kami sa bahay ni Xysto. Dalawang oras ang nilakbay namin Galing sa bahay Nina Mrs. Morozova. Ayaw pa nga kami nito pauwian at pilit na doon na lang daw muna kami pero tumanggi si Xysto.
Sobrang ganda talaga ng bahay niya. Maluwang ang lupa at malaki ang bahay niya. Ayon sa kanya ang tatlong palapag ito. Parang ito yung mga nakikita ko sa palabas na mga bahay ng mayayaman.
Kanina pa lang sa labas ng subdivision, humihingi ng ID ang guard na nagbabantay kaya't Hindi pwede agad-agad makapasok dito at tanging mga piling Tao lamang.
Nakita ko ang paglingon sa akin ni Xysto. "Napagod ka ba sa byahe? Gusto mong magpahinga na, Xenia?" Mababa at mahinahon ang boses nito.
Umiling ako. "H-hindi naman, ayos lang ako." Pinalibutan ko ang paligid. Kahanga-hanga ang labas ng bahay ni Xysto. Ayon sa kanya ay siya lang ang nakatira rito at ilang mga tauhan niya.
"Tara sa loob, Amour." Wala na akong nagawa at nagpatangay nang akayin ako nito papunta sa loob.
Ikaw-dalawampu't tatlo ng disyembre ngayon kaya naman hindi na nakapagtataka na may desenyo ang paligid. May Malaking Christmas tree na mas mataas pa sa akin.
Kulay itim, grey, at puti ang tema ng enterior ng bahay. Sobrang linis ng paligid. Halos makita ko na ang sarili kong repleksyon sa lapag.
"Ah!" Napatili ako at napakapit kay Xysto nang may dumikit sa aking paahan.
Pumalibot ang braso nito sa akin. "It is just a robot cleaner, Xenia." Tukoy nito sa bagay na bilog ang hugis at may gulong sa ilalim nito upang gumulong.
Tinignan ko iyon. "A-ano? Robot na naglilinis ba kamo?!" Bulalas ko at manghang napatingin Doon.
Patuloy na naglalakad ang robot cleaner na sinasabi nito at tila na-dedetect nito kung mabubungo ito dahil umiwas ito sa upuan.
Ang astig.
Manghang napatingin ako kay Xysto at nakita kong nakatingin lang din ito sa akin. "See? Don't worry about it, C'mon."
Buong araw 'ata ay inilibot ako ni Xysto sa loob at labas ng bahay niya. Hindi naman mahirap makabisado ang daan ngunit sobrang laki ng lugar kaya't nalilito ako.
Nahihiya pa nga akong maghahawak ng mga gamit dito dahil natatakot ako na baka may masira ako dahil may pagka-clumsy pa naman ako.
Kanina, gulat ako nang makita ang malaking flat screen television sa sala. Kahit sa kwarto ko ay meron din, naka-aircon din at queen size ang malambot kong kama.
Ang kwarto ko ay katabi lang ng kwarto ni Duke. Narito ako sa binigay niyang kwarto at kasama si Cosima na nag-aayos ng gamit.
"Eto naman ang mga damit mo, pinabili 'yan kahapon ni Boss." Binuksan nito ang isang Malaking pinto.
Napaawang ang aking bibig habang tulalang nakatingin sa laman ng Malaking walk in closet. "Pati mga sandals at sapatos ay binilhan ka din, size seven diba?"
Napakurap ako. "P-papaano mo nalaman?"
Ngumiti ito ng mahiwaga. "Secret." Tumawa ito pagkaraan ay napailing na lang. "Matanong ko lang, ilang taon ka na Devon?"
"Seventeen na ako."
Napa 'oh' ito. "Nako, patay tayo d'yan. Kawawa naman si Boss, makakasuhan pa 'ata." Napakunot ang aking noo dahil hindi ko ito maintindihan. "Ah, wala. Tara, baka nagagalit na ang dragon."
Natawa ako sa sinabi nito. Nasabi nito sa akin sa 'dragon' daw ang tawag niya kay Xysto kapag nagagalit ito dahil para daw itong magbubuga ng apoy.
Hindi nga ito nagkakamali dahil pagkapasok pa lang namin sa dining area ay salubong ang kilay ni Xysto.
"Ba't ang tagal n'yo? Kanina pa kayo dapat nandito."
Napalunok ako. "P-pasensya na, Hindi na namin napansin ang oras."
Nagulat ako nang lumingon ito sa akin. "No, Not you Amour." Ngumiti ito bago tumingin sa aking likod. "Ilagay n'yo na 'yan dito, Mirabel." Madiing utos ni Xysto.
Narinig ko ang paghagikgik ni Cosima.
Nang malapag na ng mga kasambahay ang mga pagkain ay mabilis na silang umalis.
"Dito ka sa 'kin, Xenia." Nahihiyang umupo ako sa tabi nito.
Si Cosima naman ay ngising-ngisi na nakaupo sa harao habang nakatingin sa akin at nginunguso si Xysto na busy sa kalalagay ng pagkain sa plato ko.
"Gusto mo bang halikan si Xysto, Cosima?" Mahinanong tanong ko.
Narinig ko ang mura ng katabi ko. "What the fvck?"
Nanlaki ang mata ni Cosima at umiling. "Oy, hindi ah! Kadiri, Hindi ko bet 'Yan noh." Naguguluhang tumingin ako kay Xysto.
"She is a lesbian, Xenia. Plus, she have a girlfriend." Wika nito. "C'mon, kumain na tayo."
Napatango na lang ako at umiwas ng tingin.
Hindi ko naman Alam na lesbian Pala si Cosima. Akala ko ay Boyish lang ito magdamit at kumilos. Sobrang ganda niya din kasi at maputi.
"GRABE NAMAN PALA ang tiyahin at tiyohin mo, Xenia. Mabuti na lang, ngayon at ligtas ka dito."
Napangiti ako at tumango.
Ikinuwento ko kasi kay Cosima ang nangyari kung bakit ako napalayas at sumakay sa pick up truck. Si Xysto at umalis dahil may aasikasuhin lang daw ito na trabaho.
"Matanong ko l-lang, anong trabaho ni Xysto?"
Ngumiti ito. "Madami, business man si Boss. Ang inasikaso niya ngayon ay ang expansion ng resort sa tagaytay. Nakatapos ng Civil Engineering at Business administration si Boss." Salaysay niya.
Namangha naman ako sa sinabi nito. "Ang galing naman niya, ang dami n'yang achievements. Ilang taon na ba siya?"
"Twenty six pa lang siya. Nine years ang tanda niya sa'yo." Ngumisi ito. "Anong tingin mo kay Boss? Ang pogi niya at mabait pa sa'yo."
"Mabait din naman siya sa'yo ah." Sagot ko.
Umiling ito. "Ikaw, ikaw ang tinatanong ko. Mabait si Boss pero ikaw ba, nagagwapuhan ka din sa kanya?"
Napakamot ako. "Uh...Oo?"
Nagulat ako nang biglang tumili ito. "May naging boyfriend ka na ba, Devon?" Mabilis akong umiling. "Omg, si Boss din no girlfriend since birth!"
Talaga? Hindi halata kay Xysto. Siguro ay pihikan siya sa mga babae. Sabagay, Nasa kanya na ata ang lahat. Gwapo, Mabait, family-oriented at mayaman.
"Talaga b-ba?" Hindi ako makaniwala.
Tumango ito. "Oo! Alam mo si Boss, laging busy sa trabaho kaya walang love life pero mukhang ngayon ay tinamaan na."
Nagtatakang napakamot ako sa aking ulo. "Tinamaan?"
Tumango ito at malapad ngumiti. "Oo, Ng Pana ni Kupido."
BINABASA MO ANG
Obsession Series#3 His Innocent Love
RomanceOBSESSION SERIES #3 She is an innocent, Naive, And fragile woman who attracts a Cold, brutal, and Ruthless man named Duke Morozova. One day, She was kicked out of the house by her Auntie who took care of her when her parents died from an accident. S...