Ribbon
"Bali, three thousand ang renta dito. Kasama na ang tubig at kuryente mo, yung wifi password nasa gilid ng pader. Bawal ang maingay pag gabi na at ang makalat sa paligid." Sabi ni Aling Julieta, ang may-ari ng maliit na apartment na titirahan ko.
Kanina pagkababa ko ng bus at jeep ay agad na akong nagtanong-tanong kung saan mayroong bed space dito o 'di naman kaya ay apartment.
Tumango ako. "Sige po, salamat po." Inabot naman niya sa akin ang susi pagkatapos ang nagpaalam.
Maaliwalas naman ang paligid. Kulay puti ang loob kaya maliwanag ang mga dingding maging ang kisame.
May single bed, night stand, maliit na closet. Sa loob ng bahay ay may sariling banyo at kusina na.
Sinalansan ko na muna ang mga damit ko sa closet at inayos ang iba kong dalang gamit. Kanina ay pinalagak ko na kay aling Julieta ang pagkain na pinabaon sa akin na natira ko pati ang ulam.
Nang matapos ay naligo na ako. Ngayon din kasi ang schedule ng job interview sa DXM. Nag-apply ako sa bakanteng posisyon doon, bilang bagong graduate ay hindi na ako magiging mapili sa unang trabaho ko.
Isa pa, noong nag OJT ako ay nadestino ako sa branch ng DXM sa probinsya namin. Puro paper works lang ang pinagawa sa amin doon kaya nagagawa ko nang mabuti ang trabaho ko.
Dito ako nag-apply dahil malakas ang loob ko na matatanggap ako dahil ready daw silang i-adopt ako once na nakagraduate ako.
Nagbigay pa nga sa akin ng endorsement letter si Mrs. Chavez na ibibigay ko daw sa mag-iinterview sa akin bilang patunay na maganda ang performance ko sa company nila.
Nagsuot lang ako ng black skirt at kulay puting longsleeves blouse na may design na ribbon na green sa neckline nito at sa ibaba ng sleeves.
Pinarisan ko ito ng kulay itim na 2 inch heels. Naglagay ako ng konting blush-on at lipstick sa aking mukha. Nagpahid ako ng manipis na glitter eyeshadow para magkabuhay naman ang mga mata ko.
Pagkaraan ay kinuha ko ang itim na kong clear folder na naglalaman ng mga documents ko. Dinala ko ang itim na slingbag na naglalaman ng ballpen, pera, panyo, at ibang essentials ko.
TINANAW KO ANG mataas na building ng DXM real estate. Palagay ko ay napakatagal nitong ginawa sa taas at lawak nito.
Kilala ang company na ito na nagtayo ng mga tanyag na establisyimento at gusali sa bansa at labas ng bansa.
Sila ang gumawa ng pinakamalaki arena sa Asia at pinakamalawak na mall sa Pilipinas na naging pinakamaingay na usap-usapan. Sila din ang nasa likod ng mga skycrapers dito.
"This way na lang po ma'am, then kaliwa po, that is the CEO's office po. Good luck po, ma'am." Wika ng babaeng nag-aassist sa aming mga nag-aapply.
Pang thirteen ako na nag-apply sa hapon na ito, kanina kasi ay nagcut-off na daw sila nang maka isang daan na. May mga nakuha naman daw sa ilang bakanteng posisyon.
"G-Good morning po..."
Kinakabahang bati ko nang makapasok ako ng office ng CEO. Tumambad agad ang nakakaginaw na lamig ng aircon.
Nakatalikod ito na nakatanaw sa malawak babasaging salamin kung saan makikita ang kalawakan ng syudad.
"It's Good afternoon."
Diyos ko
Nanghina ang tuhod ko nang humarap ito. Halos hindi ko masuportahan ang sariling bigat dahil sa panghihina.
"Sorry po..." Napapahiyang wika ko. "Good a-afteenoon po pala."
He smirked. "Welcome back..." He said, sarcastically. "Have a seat, Ms.?"
Napalunok ako.
Alanganin naman akong umupo sa itim na upuan sa harap ng table niya. Para akong nanliit sa sarili ko nang lumapit siya at umupo din sa upuan.
Mas lumaki siya kumapara noon. Bakat pa din ang katawan nito sa suot niyang longsleeves.
Clean cut ang gupit n'ya kaya maaliwalas na makikita ang mukha niya. Wala namang nagbago sa kanya.
"Villa po. Devon X-Xenia Villa.." Pakilala ko.
Tinignan niya ako. Sa paraan ng pagtingin niya ay pakiramdam ko ay matutunaw ako. Hindi ko siya makitaan ng kahit na anong reaksyon o kahit katiting na emosyon.
"E-eto po..."
Inabot ko sa kanya ang folder. Tinignan muna niya iyon bago niya iyon tignan. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya at yumuko na lang.
Napakutkot ako sa aking kuko para pakalmahin ang aking sarili. Pakiramdam ko ay nakakita ako ng multo nang makita ko siya.
Ang panghihinang nararamdaman ko ay kagaya nang bumaba ako sa bus at nang kapain ko ang phone ay hindi ko makapa. Halos mahimatay ako kanina ngunit napailalim lang pala.
Diyos ko po....
"So, tell me about yourself Ms. Villa"
Napatigil ako sa pagmomoment nang magsalita siya. "Uhm..."
Napalunok ako. "Uh I'm Devon Xenia Villa, t-twenty one. I graduate in San Leonardo State University, I g-graduate as Summa Cum Laude. Uhm, for my OJT, I am assigned in one of your b-branch, sa DXM San Leonardo po..."
Halos sampalin ko ang sarili ko nang mautal-utal ako kahit na ilang beses ko na itong pinractice.
Hindi ko naman kasi expected na siya pala ang CEO ng company na 'to. Pero ang tanga ko dahil hindi ko natunugan kahit na initials niya ang name ng company.
Tumango naman ito, with unsatisfaction look on his face. "What are your weaknesses?"
C'mon, Devon kayang-kaya mo 'yan! You know the right answer to this one. Just be honest and be confident. Siya lang naman 'yan, yeah, sya lang 'yan.
"E-nvironment pressure and Time Management po."
"Akala ko Kisses..." Bumulong ito. Napakunot ako nang hindi ko ito madinig. "How about your expected salary?"
"Uhm, actually I don't have expected salary po but I think, I deserve a s-salary based on my performance, sir."
Ngumisi siya. "Magaling ka ba?"
Napakurap ako. "P-po?"
Mas lalong lumaki ang ngisi niya na tila nangbubwiset. "Galingan mo ang performance mo so you can earn more." He said, grinning.
"You're hired." Ngumiti ito.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito. Agad akong nagreact at nabuhayan ng dugo. "T-talaga po?"
Ngumisi siya. "Of course not, you fvckin' break my heart..."
BINABASA MO ANG
Obsession Series#3 His Innocent Love
RomansaOBSESSION SERIES #3 She is an innocent, Naive, And fragile woman who attracts a Cold, brutal, and Ruthless man named Duke Morozova. One day, She was kicked out of the house by her Auntie who took care of her when her parents died from an accident. S...