Trece

134 7 2
                                    

Hell









"Sorry Ms. Villa, may natanggap na po pala ang HR."

Agad bumagsak ang aking balikat sa naging salita ng secretary ng company na in-applyan ko.

Pang-limang bese ko na atang narereject. Paubos na din ang copy ng documents ko na pare-parehong nahahanapan ng butas ng mga company.

Kahit ako ay hindi makapaniwala dahil ayon sa mga poster sa labas ay madami daw vacant posistion pero pag ako na ang isasalang sa interview, biglang nawawalan ng slot.

Apat na araw na din simula nang mangyari ang engkwentro namin ng nakakabwiset na lalaking iyon.

Isinusumpa ko siya! Napakasama ng ugali ng bwiset na iyon! Pag-uwi ko sa bahay ay iyak ako nang iyak dahil pakiramdam ko ay pinahiya niya lang ako at pinaglaruan.

Nang sabihin niyang iyon ay saka niya ako pinaalis ng office niya kaya kaysa gumawa ng eskandalo ay nagkusa na akong umalis kahit gustong-gusto ko siyang sampalin.

Hindi naman siya ganun dati ah!

Napangiti ako nang mapait.

"Sige po, thank you po..." I said and left the building with my aching heart.

Brokenheartedly, naupo ako sa bench sa isang park na nadaanan ko na malapit sa building na pinag-appyan ko.

Akala ko ay magiging ginhana ang buhay ko dito sa Maynila pero hindi pala, akala ko lang pala ang lahat na iyon.

Hanggang ngayon ay hindi ako makatawag sa pamilya ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin na nabudol ako sa akala ko ay magiging daan ng tagumpay ko.

"D-devon? Ikaw ba 'yan?"

Napalingon naman ako sa aking likuran nang may tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Cosima iyon.

"Cosima!" Nagyakap naman kaming dalawa. Tuwang-tuwa kami pareho nang makita ang isa't isa.

"Grabe! Ang tagal na natin 'di nagkita, four years? Grabe, mas gumanda at sumexy ka." Papuri niya.

Nahiya naman ako sa sinabi niya. "Ano ka ba..." Ngumiti ako. "Kumusta ka? Ba't nandito ka na?"

Ngumiti siya. "Ah, sinamahan ko si Boss, may importanteng gagawin daw dito eh. Ikaw ba?"

So, nagtatrabaho pa pala siya sa kumag na iyon. Mabuti ay nagtagal siya kahit na masama ang ugali ng boss niya na iyon.

I smiled, bitterly. "Mag-aapply ako ng trabaho eh." Tumawa ako ng pagak. "Try lang..."

Napatango naman siya. "Ano ba ang naging kurso mo?"

"Business Administration, Cosima."

"Naks! B. A. ka na pala ngayon."

Napangiti lang ako sa kanya.

"Eh, nagtry ka na ba sa company ni Boss?"

Naging alerto ako sa naging tanong niya. "Ah...eh... Hindi pa,"

"Eh, dun ka na lang mag-apply, sigurado tatanggapin ka agad ni Boss." She said.

Umiling ako "Hindi na siguro. Titingin ako sa ibang company, pero uuwi din ako kung wala talaga."

Kumunot ang noo n'ya. "Teka nga..." She paused. "Ano ba ang nangyari sa inyo ni Boss? Bat ka ba nawala Devon?"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Ano..." Napakamot ako sa aking ulo. "Umuwi lang ako sa probinsya mag-aaral kasi ako nung oras na 'yun e."

Napatango naman siya. "Ganun ba? Eh, bakit ang balita ko ay sabay-sabay kayo nila Ma'am Azula na nawala nung—"

Napahinto naman siya sa pagsasalita nang tumunog ang phone niya. Napatitig siya doon. "Saglit, Devon, sagutin ko lang."

Ngumiti ako at agad nang umiling. "Hindi sige na, kita na lang tayo ulit..." Paalam ko sa kanya at agad tumalikod.

Dinig ko pa ang tawag n'ya pero mas binilisan ko na lang ang aking paglalakad at hindi siya pinansin.

Blessing in disguise na lang din siguro ang ma-interupt ang pagtatanong ni Cosima. Mukhang wala siyang alam sa nangyari sa amin noon.

Pero matagal naman na iyon. Dapat na itong kalimutan.











NAGPATULOY ANG buhay ko sa Maynila. Halos isang linggo na ako dito. Araw-araw ay naghahanap ng ma-a-applyan pero bigo pa din dahil ni isa ay walang tumanggap sa akin.

Kesyo puno na daw, may height requirement daw, dapat daw ganto ang weight, may experience daw, twenty five and above daw, at kung ano-ano pa kaya Hindi ko maiwasan na mainis dahil para akong pinaglalaruan ng tanhana.

Hindi ko naman kasalanan na fresh graduate ako na 5'3 ang height at 45kgs lang. Kasalanan ko ba na wala akong job experience eh fresh graduate nga ako?!

"Mabuti naman, tumawag ka na. May signal na dito hihi! Matatawagan ka na namin, anak ko. Kumusta na d'yan?" Si Tita Karla.

Napangiti ako. "Okay naman po 'ta."

Dinig ko ang pag-aagawan nila sa telepono na hiniram sa tindahan. "May trabaho ka na ba d'yan nak? Ano ginagawa mo?" Si Tita Alma iyon.

Ngumiti ako ng mapait. "O-opo, sa office po ako Tita. Taga-encode-encode, check, tsaka print po muna habang wala pang ibang tasks."

Napa 'ahh' naman ito. "Oh sige, mag-iingat ka dyan anak ha. Hwag ka mag-alala sa amin, okay lang kami dito. Kakain ka d'yan palagi ah, galingan mo sa trabaho."

"Opo, Tita. Mag-iingat din po kayo. Miss ko na po kayo nila Aeron."

"Miss na din kita, Tita! Ingat ka!"

"Sige na po, tita. Tinatawag lang po ako ng katrabaho ko. Sige po, byeee." Nang patayin ko ang cellphone na hiniram ko kay Aling Julieta ay doon bumagsak ang aking luha.

Iyak ako nang iyak dahil nanliliit ako sa sarili ko. Lahat ng kasinungalingan ay nasabi ko para lang huwag silang mag-alala sa akin dahil ilang beses na silang humihiling na tawagan ko sila.

Humihikbi ako habang kinakain ang nag-iisa at natitirang tinapay sa laman ng bag ko.

Dahil sa paulit-ulit na pasahe, photocopy ng documents, at ID's ay unti-unting nauubos ang pera ko.

May isang libo na lang ako. It is either uuwi ako nang sawi o itutuloy ko ang kagagahan ko dito sa Maynila.

Naubos nang paganon-ganun lang ang pera na baon-baon ko. Napakabilis nga lang talaga nito ubusin. Kahit pagkain ay mauubusan na ako.

Sa lalong madaling panahon, kailangan ko nang umuwi kung hindi na ako makakapag ganap ng matatrabahuhan.

Bakit ba kasi ang malas-malas ko?

Noong araw na iyon, natulog ako nang masama ang loob at mabigat ang aking dibdib. Nagdasal na sana bukas ay okay na kahit na alam kong imposible, napaka imposible.


Hindi ko man alam kung ano ang bukas, aasa pa din ako

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Obsession Series#3 His Innocent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon