Seis

293 4 1
                                    

Girlfriend




Ilang na Ilang ako dahil hawak ni Xysto ng mahigpit ang aking kamay. Pilit kong hinihila pabalik ang aking kamay mula sa kanya pero mas hinihigpitan niya ito.

Napanguso na lang ako.

Nakakainis talaga! Kinuha niya ang first kiss ko na dapat ang sa future husband ko! Grabe pala siya humalik, madiin.

Nang makarating kami sa farm ay tumambad sa amin ang mga kalalakihan na namamahinga sa kubo at nagkukwentuhan. Agad silang napatigil Nang makita kami.

"Magandang umaga, Boss!" Bati ng lalaking pawis na pawis. "Hi, Miss. Boss, ipakilala mo naman ang magandang binibini sa tabi mo." Dagdag nito.

Naglingunan pa ang iba sa kanila at pinagmasdan ako na kinailang ko.

Hiyang-hiya naman akong nagtago sa likod ni Xysto habang magkahawak pa din ang kamay namin.

"Girlfriend mo ba, Boss? Ang ganda ah!" Pahayag ng lalaking sa tingin ko ay nasa kuwarenta na ang edad.

Namula ako sa hiya at lalong napatago sa likod nito. Hinawakan naman niya ako at nilingon na parang sinasabing huwag aking matakot.

Napanguso ako.

Hindi niya ako Girlfriend noh! Ang bata-bata ko pa para sa mga ganyang bagay at parang Kuya ko na si Xysto.

Kahit hinalikan niya ako. Nakakainis talaga!

Pero aaminin ko, ang lambot ng mga labi niya at...at masarap.

Agad akong napailing Nang mapagtantong ang halay na ng aking iniisip.

Ngumisi si Xysto. "Syempre naman, Pipili ba ako ng pangit?" Umupo ito sa upuan na kahoy at pahaba.

Hahawakan ako nito sa aking bewang kaya umiwas ako kaagad. Bakit ba ang touchy niya?

Naiirita ko itong tinignan ngunit nakangisi lang ito sa akin na kinainis ko lalo.

Binubwiset niya ba talaga ako? Naiinis na ako ha!

Narinig ko ang tawa nila. "Tinakot mo lang 'ata, Ijo. Umiiwas sa'yo oh," Naiiling ang matanda. "Basta talaga Morozova, mapilit."

"Hindi ho, Tatang. Nagtatampo lang 'yan, 'di ba babe?" Agad naman akong naasar sa sinabi nito.

Gusto kong Ismiran ito sa sinabi nito ngunit inirapan ko na lang ito.

"T-tumigil ka, Xysto." I paused.

Hinawakan niya ako sa aking bewang at paupuin sa tabi niya. Naiinis ako sa ginagawa niya na pagpilit sa akin at sa pang-aasar niyang ginagawa.

Naramdaman ko ang pagdiin ng hawak nito at paglapit sa akin. Inis akong napahinga at pilit na pumipiglas.

"Kuya Xysto!" Mariin kong pigil. Inalis ko ang kamay niya sa bewang ko.

Doon ito napatigil.

Tumitig ito ng seryoso sa akin. May galit sa mukha nito at nagliliyab ang mga Mata. Hindi ko naman Alam ang aking ire-react at nag-iwas na lang ng mata.

"A-ah, Tara na kayo, Samuel. Madami pang mga gawain."

Rinig kong aya ng tinawag nitong Tatang. Alam kong nakahalata na sila sa nangyayari sa pagitan namin.

Gusto ko sanang sabihing huwag silang umalis dahil baka kung ano ang gawin ni Xysto sa akin dahil galit ito at natatakot na ako sa kanya.

Tahimik nilang nilisan ang kubo kaya kami na lang ang natira dito ni Xysto. Nang lingunin ko ito ay wala pa ring emosyon ang mukha nito.

Obsession Series#3 His Innocent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon