Tres

288 6 0
                                    

Sa Kanya




Napadilat ako dahil sa lamig na aking nararamdaman. Napatingin ako sa paligid at laking gulat dahil narito ako sa isang silid na kulay itim na may Halong grey at white.

Nanlaki ang aking mata nang mapatingin sa sarili. Nakasuot ako ng Kulay dilaw na dress na abot hanggang tuhod ko at mukhang may naglinis pa ng sugat ko na nakuha mula kayla Tiyo at Tiya.

Naalala ko tuloy ang balak sa akin ni Tiyo, mabuti na lang at nakasigaw pero malas din dahil napalayas pa ako dahil sabi ni Tiya ay nagsisinungaling ako.

Napabuntong hininga ako.

Bakit ba hindi niya ako pinapaniwalaan? At ai Tiyo, Bakit niya ako pagsasamantalahan?

"Oh, You are awake now."

Napatingin ako sa nagsalita.

Matangkad, matikas, at gwapo. Sun kissed skin ngunit napakakinis. Para siyang tao na nakikita ko sa Mga Magazine at billboards.

Depinang-depina ang panga niya, mayroon siyang makapal na kilay. Mahaba at makapal naman ang pilik mata niya tulad ng mga lalaking nakikita ko sa Magazine.

mukhang may lahi siya dahil kulay berde ang mga mata niya. Ano kaya ang lahi niya? Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kagandang mga mata.

Kulay abo ang buhok niya mukhang napakalambot kapag hahawakan. Medyo gulo pa iyon ngunit mas lalong nakadagdag ng appeal niya.

Nakasuot pa ng putting shirt ang estranghero na dahilan upang bumakat ang dibdib niya. Halatang mamasel ang braso nito at maugat.

Nanghihina kong pinilit bumangon pero dahil masakit ang ulo ko ay napahiga muli ako.

Napadaing ako. "Aahh."

"Don't move, Mon amour." Saway niya sa akin at inalalayan pa akong sumandal sa headboard.

Napapikit ako sa Hilo. "Are you okay?" Tanong niya.

Dumilat ako at dahan-dahang tumango. "O-opo, Nabigla l-lang ng bangon, Manong."

Saglit itong napatigil kalaunan ay dahan-dahang napatango.

Mabuti at nakakaitindi siya ng Tagalog, hindi kasi ako magaling sa Ingles e. Hindi kasi ako napakapag-aral kaya minsan ay nahihirapan akong umintindi.

"What's your name, amour?" Tanong niya.

"Devon Xenia De Villa p-po."

Natulala ako nang ngumiti ito, lalo siyang gumwapo dahil kanina ay seryosong-seryoso ang mukha niya. "I'm Duke Xysto Morozova, Just call me Xysto."

Napaisip ako.

Nung pinalayas ako nila Tita ay nagpalaboy-laboy sa lansangan at sumakay ako sa likod ng pick-up truck, sa kanya kaya iyon?

Nakakahiya! Tapos...tapos kumain pa ako ng prutas sa basket!

Napalunok ako at tumango. "Are you hungry? You wanna eat?"

Kumarap ako. "H-ho?"

Napahagod ito sa buhok niya, "Sabi ko, nagugutom ka ba? Tara, nakapagluto na sila ng almusal."

Umaga na pala, kaya pala ang liwanag sa labas ng bintana hindi ko lang ramdam ang init ng araw dahil bukas ang aircon.

"Let's go, Xenia." Hinawakan ako nito sa aking braso at tinulungan akong tumayo.

Lumabas kami ng kwarto at napanganga ako sa ganda ng mahabang hallway. "Bahay n-niyo po ba 'to, Manong?" Naglakas loob akong magtanong.

Tahimik na umiling ito. "It is my parent's house but I used to live here," tumigil ito. "Xysto na lang," mahinang wika nito.

Bumaba kami sa grand staircase at hidni ko mapigilan ang humanga dahil sa mga chandeliers sa kisame.

Hindi na nakapagtataka na malaki ang bahay ng mga magulang niya dahil sa kwarto pa lang niya ay malawak na,

"Oh, son!" Napatingin ako sa babaeng nakasuot ng hapit na dress, blonde ang buhok niya at talagang napakaganda.

Napakurap ako. Nanay ni Xysto ito?! Mukhang kapatid lang niya. Ang ganda niya,

"Mom, this is Devon." Pakilala ni Xysto kaya nahihiyang humarap ako sa Ginang.

"H-hello po, Ang ganda-ganda niyo po." Namumula kong wika.

Ngumiti din ito. "You are beautiful, too. C'mon, let's eat!"

Napatingin ako kay Xysto na humawak sa aking braso at inalalayan ako paupo sa upuan. Kahit ang upuan nila ay halatang Mahal, mayroon pang foam ang sandalan at ang pinaka inuupuan.

"Mom, where's Dad?" Ani Xysto.

Base sa pagkakaintindi ko ay hinahanap niya ang Ama niya, 'Dad' daw eh.

Ngumiti ito. "He is with your Lolo, may business meeting na naman as usual." Banayad at malambing ang pagkakasabi ng Ginang.

Wala sa sarili akong napatingin kay Xysto. Talaga bang nanay niya ng mabait na ginang? Seryosong-seryoso ang mukha nito habang ang Ina nito ay ngiting-ngiti at kita sa mga mata nito ang labis na kasiyahan.

"Oh, kumain na tayo." Aniya ng mabait na Ginang. "Tayo lang tatlo dito dahil may kanya-kanya ng bahay ang mga kapatid ni Duke. Dalawa sila, lahat sila ay lalaki."

Mukhang nabasa nito ang iniisip ko. Nakakapagtaka lang din dahil sobrang dami ng mga pagkaing nakahain sa hapag.

Napa 'ah' na lang ako sa Ginang.

Napalingon ako kay Xysto nang makitang naglalagay na ito ng pagkain sa aking Plato. Agad Nanubig ang aking bibig sa Amoy pa lang ng mga ito.

"Ija, Sa'n ka nga pala nakatira? Ilang taon ka na?" Tanong nito.

Maliit na ngumiti ako. "Seventeen na po ako, dati po ako nakatira sa tiyahin ko p-pero po....ahm..." Napayuko ako nang hindi na madugtungan ang nais sabihin.

"Mom, kumain na tayo." Basag ni Xysto sa katahimikan. Kita ko pa ang pag-uusap ng mag-ina gamit ang kanilang mata.

Tumango ang Ginang at nagsimula na kumain.

"Eat, Xenia." Mahinang Saad ng katabi ko.







NANG MATAPOS KAMI KUMAIN ay agad nang nag paalam ang Ginang dahil mayroon daw siyang pupuntahan.

Narito ako sa sala ng bahay nila. Nanonood ako ng Power puff girls sa malaki nilang TV. Grabe, hindi ako makapaniwalang mayroong gantong kalaking TV.

Napatingin ako kay Xysto na bagong ligo na at bukas pa ang butones ng suot niyang polo.

"A-Aalis ka ba, Xysto?" Nahihiyang tanong ko.

Tinignan niya ako. "Do you have place to stay?"

Napakunot ang aking noo at tinagilid ang aking ulo. "Ang sabi ko, mayroon ka bang lugar na mauuwian? May kamag-anak ka ba rito?"

Napakagat ako sa aking labi at umiling. "Gusto mo bang sa 'kin ka? I mean, doon ka tumira sa bahay ko." May naglalarong emosyon sa berdeng mga mata nito.

Napahawak ako sa laylayan ng aking bistida.

Hindi ko naman siya kilala dahil ngayon ko lang ito nakaharap. Hindi ko pa alam kung ano ang ugaling mayroon siya at kung ano ang kanya niyang gawin.

Kung titira sa bahay niya, Hindi ba ako magiging pahirap? Nahihiya na nga ako sa walang paalam kong pagsampa sa sasakyan niya at pagsama sa kanya rito.

Pinakain pa ako ng pamilya niya, tinrato ng maayos at pinatulog niya pa ako sa malambot niyang kama.

Napahinga ako ng malalim. "K-kung Hindi po ako makaka-abala sa 'yo, Xysto."

Ayoko kasing maging pabigat sa kanya at sa pamilya niya.

Ngumiti ito at umiling. "Hindi, mas gusto ko ngang nasa akin ka." Paos ang boses nito.

Napakurap ako. "H-ha?"

Madiin itong tumingin. "From now on, sa akin ka na, Xenia. I will take care of you, Promise."
























Obsession Series#3 His Innocent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon