Siete

99 1 0
                                    

Welcome











"Good morning!" Nagulat pa ako nang pagkalabas ko sa cr ay nasa kwarto si kuya Xysto.

"Magandang umaga din." Bati ko. "Nagbreakfast ka na?"

Napakunot pa ako dahil nakasuot siya ng denim pants at puting shirt na bakat na bakat ang matipunong katawan niya.

"Sabay tayo..." Sagot nito.

Napatango lang ako at nagtungo sa vanity. "Sige, mauna ka na, mag-aayos lang ako."

Inalis ko ang towel sa aking ulo at sinampay ito. Kinuha ko ang blower sa gilid at pagkaraan ay sinaksak sa gilid.

Napangiti ako, dati ay never akong nakahawak nito. Sa commercial at brochure ko lang nakikita ang mga pang-ayos na ito.

Nakita ko naman na tumayo si kuya Xysto. Akala ko ay lalabas na ito nang magtungo ito sa aking likuran.

"Let me."

Kahit nahihiya ay hindi na ako nakapagreklamo dahil inagaw niya ang blower sa akin.

Nahihiyang pinagmasdan ko ito sa salamin habang tinutuyo niya ang basa kong buhok.

Hanggang bewang kasi ang jet black kong buhok kaya ako ay nahihirapan sa paggamit ng blower.

Pero si kuya Xysto ay parang wala lang sa kanya ang paggamit nito. Napasandal ako sa upuan.

Magaan kang ang kamay nito at tila ingat na ingat sa paghawak sa buhok ko. Nakakarelax ang paraan ng paghaplos nito sa aking ulo.

Ang swerte ng mapapangasawa ni kuya Xysto...

"Kuya Xysto..." Tawag ko.

He glanced at me. "Yes?"

"May lahi po ba kayo? Kulay green kasi eyes mo e..." Napanguso ako.

Ngumiti ito. "Half German, baby."

Napatango naman ako. "Sila kuya Kylo at Grey din po green eyes diba. " tumango siya.

Tinitigan ko ang sarili namin sa salamin. Halos hindi na kalahati lang ako ni kuya Xysto dahil sa laki at tangkad niya.

"Lahat po kayo laging seryoso, noh? Ang tatahimik n'yo, tsaka nakakatakot kayo." Pag-amin ko.

Ngumisi ito. "Are you scared of me?"

Ngumuso ako. "Nung una, akala ko ay masungit ka pero hindi naman pala. Para kasing kapag nabadtrip ka sa 'kin kaya mo ko patumbahin." Humagikgik ako sa sarili.

Totoo naman kasi. Mukhang kaya niya ako itupi sa walo dahil sa mukhang ang lakas lakas niya.

Dapat ang mapangasawa ni kuya Xysto ay isang babaeng pangmodel ang height dahil alangan ang mga ordinaryong babae na gaya ko.

"Mom messaged me, gusto n'yang sa bahay mag bagong taon." Kwento ni kuya Xysto.

Napatango naman ako. "Okay..." Sagot ko. "Kasama ko naman si Cosima dito, kuya Xysto."

Pinatay n'ya ang blower nang matapos na. "Nope, you're coming with me. Hinahanap ka nila Mom, nandun din ang mga kapatid ko at asawa nila."

Napangiti ako sa sinabi niya. Nais ko ding makilala ang mga asawa ng mga kapatid niya.

Balita ko kasi ay mga kilalang modelo ang isa habang ang isa ay sikat na influencer  sa social media. Sila Maria Isolde at Azula.

HINDI NA KAMI kumain ng breakfast sa bahay dahil agad na akong pinagbihis ni kuya Xysto dahil sa bahay na daw kami nila kakain.

Obsession Series#3 His Innocent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon