New life
"Kumusta ba ang buhay sa syudad?" Nagniningning ang mga mata ni Tita Alma.
"Okay naman po. Masaya po siguro kung mayaman dahil sila ang madadali ang buhay. Malalaki po ang mga building, madaming mall, restaurant, tsaka makakakita po kayo ng artista na nagt'taping sa labas."
Hindi edukado ang mga tao dito, gaya ko. Kakaunti lang ang nakababasa at nakasusulat. At kung meron naman silang kaya, iyon lang ay sumulat at basahin ang pangalan nila.
Sabik din sila sa mga pagkain na pinagpapasalamat ko na nakain ko nang nasa poder ako ni Xysto.
"Pasensya ka na ha, hindi na namin mapag-aaral dito Devon. Kahit gustuhin man namin, pero gagawa ako ng paraan." Si Tita Karla.
Napangiti ako ng mapait. "Hindi naman po kailangan Tita, salamat po."
Ni isa ay walang nakatuntong sa kolehiyo ni high school sa pamilya namin. Mga mangmang nga daw kami, bobo at ignorante.
Pagtatanim at pangingisda ang pangunahing trabaho dito. Kaya halos lahat dito, kulay lupa ang kulay ng balat. Araw-araw ay babad sa araw.
Sila ay tunay na mulat sa reyalidad.
Isang linggo na ang nakalipas simula nang maramdaman muli ang kalayaan. Nagka-iyakan pa nga kami nila ate Sol at Azula bago kami nagkahiwa-hiwalay.
Tatlong oras ang binaybay ko mula sa Sitio Pag-Ibig sakay ng bangka at kalahating oras mula sa daong.
"Aeron ang basa dito, 'yan ang pangalan mo." Turo ko sa pamangkin kong si Aeron na anak ni tita Karla. Pitong taon na siya pero hindi pa siya nakababasa at nakasusulat.
Dahil nga sa hirap ng buhay, hindi din siya nakapag-aral. Ni birth certificate nga ay wala siya, maging ako ay wala.
Kaya dati ay nagpagawa lang si Tiya ng pekeng birth certificate na iniyakan ko para lang makapag-enroll ako sa elementary, gratefully, nakatuntong ako hanggang senior high school.
College na lang talaga ang pinapangarap ko na matuntong.
"Muli, maraming salamat po! Congratulations, graduates!" Iyak ako ng iyak habang kumakaway sa harap ng podium.
Umalingawngaw ang masigabong palakpakan ng mga tao na may kasama pang tili at hiyawan mula sa aking mga kaibigan.
Pagkababa ko ay binati na agad ako nila Tita Alma. "Diyos ko po, natupad na ang hiling natin sa may kapal."
Niyakap ako ni Tita Karla na umiiyak din. "May B.A na tayo! Congrats, Devon. Deserb mo 'yan, anak."
"Ang galing mo tita! Congrats po!"
Hindi ko akalain na makakapagtapos ako ng kolehiyo. Ni hindi ko nga alam na makakatuntong ako sa kolehiyo. Pero ngayon, sobra-sobra pa ang bigay ng may-kapal.
Ako ang naging summa cum laude ng amin batch. Nag-aral ako sa isang state University dito sa aming maliit na probinsya.
Nagtrabaho ako bilang waitress sa isang maliit na restaurant dito at nagpapart time na tutor ng mga estudyante.
Tila naging isang biyaya ang pag-uwi ko dito sa aming probinsya. Hindi naging madali ang buhay ko ngunit hindi ko ipagpapalit ang karanasan kong hirap sa syudad na nagbigay sa amin ng pasakit.
"Thank you, Tita."
Napangiti ako kay Aeron habang kumakain ng spaghetti. "Welcome, bunso."
Eleven years old na si Aeron. Tumangkad at medyo nagkalaman-laman na din. Natuto na din siyang magbasa at sumulat, magaling na nga.
BINABASA MO ANG
Obsession Series#3 His Innocent Love
DragosteOBSESSION SERIES #3 She is an innocent, Naive, And fragile woman who attracts a Cold, brutal, and Ruthless man named Duke Morozova. One day, She was kicked out of the house by her Auntie who took care of her when her parents died from an accident. S...