Baby
"Kuya!" Tawag ko.
Hingal na hingal ako nang makarating ako sa kwarto ni kuya Xysto. Agad kong tinungo ang bathroom kung saan nagmumula ang iyak ng pusa.
"Kuya!" Sigaw ko at nilapitan sila.
Nilulunod ni kuya Xysto ang kuting sa bathtub. Umiiyak kong hiwakan ang kamay nito na gigil na gigil sa munting pusa.
"Tama na, 'wag mo saktan kuya..." Umiiyak kong pigil sa kanya.
Nakuha ko naman ang pusa mula sa kamay niya nang bitawan niya ito. Iyak nang iyak ang kawawang kuting na nasa bisig ko.
"It attacks you!"
Umiling ako.
"Kahit na, kuya. N-nature nila iyon, hindi mo dapat sinaktan yung pusa." Humihikbi kong paliwanag.
Umigting ang panga niya habang nakatingin sa akin at sa pusa.
"He deserves it."
Inis na inis ko naman siyang sinampal. "Ang sama-sama mo!" Sigaw ko sa kanya.
Nang hindi ko na siya kayang tapunan nang tingin ay nagpasya na akong iwan siya.
Nang makalabas ako sa kwarto niya ay umiiyak akong nagtungo sa kwarto na tinutuluyan ko.
Nilapag ko ang pusa sa kama nang may mapansin na itim na kahon. May green iyon na ribbon at letter.
My dearest, Xenia,
I know you will love this little, he is three weeks old and a Persian cat. Please take care of our little baby, give him a name.
Love,
Duke XystoMas lalo akong napaluha nang mapagtanto ang nangyari. Bigay pala ni kuya Xysto sa akin ang pusa.
Hindi ko naman kasi napansin kanina dahil Hindi naman ako bumalik sa garden. At nakalimutan ko nga palang isara ang pinto nang umalis kami ni Azula.
"Gift ka pala ni kuya, hindi ko alam." Pakausap ko sa pusa habang pinupunasan ang balahibo niyang nabasa.
Nang matuyo ito ay nagtungo kami sa labas. Huminga ako nang malalim bago katukin ang pinto ng kwarto ni kuya Xysto.
"Kuya?"
Kumatok ako muli.
"Kuya...pa-open po please..." Tawag kong muli sa kanya.
Nang buksan ni kuya Xysto ang pinto ay nagkatinginan kami. Malamig ang mga mata niya at agad din niya akong tinalikuran.
Napakagat ako sa aking labi at lumapit sa kanya hawak ang pusa na bigay nito.
"Galit ka po ba?" Mahinang tanong ko.
Napanguso ako nang hindi siya kumibo. Malamang ikaw ba naman ang sampalin, Devon, 'di na magagalit?
Binaba ko ang pusa sa kama niya kung saan siya nakaupo. "Leave..." Malamig na wika nito.
Ngumuso ako.
"Sorry na po, hindi ko sinasadya." Paliwanag ko.
Hinawakan ko ang braso niya at tumabi sa kanya. "Kuya Xysto..." Tawag ko.
BINABASA MO ANG
Obsession Series#3 His Innocent Love
RomanceOBSESSION SERIES #3 She is an innocent, Naive, And fragile woman who attracts a Cold, brutal, and Ruthless man named Duke Morozova. One day, She was kicked out of the house by her Auntie who took care of her when her parents died from an accident. S...