Jennie's POV
"We should first list the posible questions..."
Sambit ko pa habang nandito kami sa library for our group report. Mamaya pa naman ang training namin so may time pa ako for this.
Tumango naman sila sa akin at ginawa ang sinabi ko. Even naman na busy ako sa training hindi ko parin pinapabayaan ang aking studies.
"So, here's the posible questions. If ever na may mag tanong sa atin, at least alam na natin ang isasagot"Inabot ko sa kanila ang mga index cards. Hindi naman sila nagsalita, tumango sila at sumang-ayon sa akin.
We spent our remaining minutes talking. Ito na naman ang last subject ko for today so pwede na akong umalis.
After that, umalis na kami sa library. Nagpaalam naman kami sa isa't-isa bago nag hiwa-hiwalay. While walking, someone's grabbed me and pinned me here in the wall.
"What the..."Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang makita kong sinong humila sa akin. It's Kai again!
"Don't try to walk away from me, Jennie"Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot habang nakatingin sa kanya. Ngayon ko lang ulit s'ya nakita after nung nakita ko s'ya sa gymnasium.
"Let go off me!"
"Jennie, stop this shit! I know that you were just lying!"Napatingin ako sa kanya. Ayokong mahalata n'ya ako pero para sa kanya ay alam na alam n'ya ang ginagawa.
"I told you, let go off me! Do you want me to call my boyfriend, ha?"Pananakot ko din pero hindi s'ya natinag, hindi n'ya ako pinakawalan.
"I know na walang namamagitan sa inyo ni Lisa"Sagot n'ya sa akin.
"How sure are you?"Tanong ko pa"Ano ba! I said, let me go!"
"I know na ako parin ang mahal mo"Napatigil naman ako"What's wrong with you, Jennie? Ako ang mahal mo, diba?"Bakas talaga sa kanyang mukha na naguguluhan s'ya.
Sa isip ay sarkastiko akong napatawa. Gusto kong ipamukha sa kanya ang kagaguhang ginawa n'ya kaya ako ganito sa kanya. Kahi mahigit tatlong linggo na ang lumipas nung niloko n'ya ako, nandito parin iyon sakit. Nandito parin at pakiramdam ko ay hindi na mawawala pa.
"Tell me!"Pero hindi ako nagsalita, nag-init na agad ang aking mga mata dahil naalala ko na naman ang panloloko n'ya sa akin.
"I said, let me go!"Nagpupumiglas ako sa kanya. Halatang nagulat pa s'ya sa aking ginawa.
"Jennie,"Sambit n'ya pa"Tell me please, babe?"
"I'm not your babe, ano ba!"Tinulak ko ang dibdib n'ya"Nandidiri ako sa'yo"'Yon ang nasabi ko bago s'ya talikuran. Pero hindi pa man nakakalayo ay narinig ko pang may sinabi s'ya.
"I'm gonna win you back, Jennie. Alam kong ako parin ang mahal mo"
Hindi ko nalang 'yon pinansin pa at mabilis na umalis doon. Hindi ko namamalayan na umiiyak na naman ako. I don't know kung bakit pa ako umiiyak, tapos na naman ako kay Kai. But pag naalala ko ang ginawa n'ya, hindi ko mapigilan ang masaktan.
Pinunasan ko ang aking luha bago pumunta sa training namin.
"Hey, did you cry?"Tanong sa akin ni Ate Sorn when she approach me.
"No, ate...may something lang na pumasok sa eye ko"Palusot ko sa kanya bago ibaba ang aking duffle bag. Nag palit naman muna ako ng black leggings and white shirt. Naka ponytail din ang aking medyo mahaba at straight na buhok.
Habang nasa training ay 'yon lang nasa isip ko, 'yong mga sinabi ni Kai. Tuloy ay medyo namali ako ng steps because of that.
"Jennie, ayusin mo naman!"Coach shouted.
YOU ARE READING
The Cure
Mystery / ThrillerDifferent Students. Different Feelings. Diffident Stories. Should they trust each other or left each other behind just to be save until the end? Can you save others or just yourself? Will you sacrifice others to live or will you sacrifice yourself f...