Jennie's POV
"Dito na daw muna kayo sabi ni General"
Sambit pa ni Suzy sa amin nang maihatid n'ya kami sa isang campsite na ngayon ay kina General talaga. Hindi katulad ng kina Chief Kim, Ito ay mas maaliwalas at malinis. May mga single bed din dito at maayos na matutuluyan.
Pero kahit ganun, hindi ko parin magawang kumalma. Sipiin na nasa kritikal na si Lisa ay parang hindi ako makapakali. Hindi naman kami pwedeng umalis dito dahil hindi parin naman maayos ang lahat. Sa ibang lugar ay may mga nag kalat paring infected. Hindi namin alam kung may gamot na ba para sa problemang Ito at sana meron na nga.
"Magiging okay din si Lisa"Sambit naman ni Nayeon sa akin at hinagod ang aking likod. Still na mag kahiwalay ang mga lalaki at babae pero hindi ko na pinansin pa iyon.
Napaupo nalang ako dito sa aking kama at tahimik na umiiyak. Gustuhin ko mang puntahan si Lisa ay hindi pwede, hindi ko magawa.
"Ito, kailangan n'yo na ding mag palit"Sambit pa sa amin ni Suzy nang bumalik s'ya dito, dala-dala ang pagkain at pwede naming masuot kasama si Spike.
"Salamat po"Sambit naman ni Irene sa kanila.
"Kumusta po si Lisa?"Napatingin naman s'ya sa akin"Okay na po ba s'ya? Pwede ko na po ba s'yang makita?"
Napabungtong hininga naman s'ya bago sumagot"He's still unconscious, and kailangan n'yang maoperahan. Wag kayong mag alala, magagaling ang doktor ng mga Manoban"
"Pwede po ba namin s'yang makita?"Tanong naman ni Jisoo sa kabilang room.
"Hindi pa muna sa ngayon, pasensya na"Sambit n'ya pa at bumaling ulit sa amin. Nanlumo naman ako"Sa ngayon, kumain na kayo at mag pahinga. Tatawagan na din namin ang mga magulang n'yo upang sabihin na ligtas kayo"
"Salamat po"Sambit naman ni Bambam. Tumango lang sa amin si Suzy at Spike bago umalis na dito.
"Dito ko lang masasabi na ligtas na tayo"Sambit pa sa amin ni Tzuyu.
"Buti nalang at ligtas ang mga magulang natin"Sambit naman ni Karina.
"Tulad ng sinabi ni Lisa, hindi Ito pinaalam sa iba about the infected. And probably, pinasarado na ng mga official and ibang daan dito upang hindi na lumayo ang mapuntahan ng infected"Sagot naman ni Noze sa kanya. Ako naman ay nanatiling tahimik dahil hindi parin nawala sa aking puso ang pangamba para kay Lisa.
Sana maayos lang s'ya....
Kahit wala akong lakas, pinilit ko paring kumain. At nang matapos na kami ay isa-isa kaming nag tungo sa banyo dito upang makaligo ng maayos.
Habang nasa banyo naman ako ay napatingin ako sa flannel ni Lisa. Hindi ko naman mapigilan ang mapaiyak habang inaalala s'ya.
Niyakap ko iyon habang umiiyak"Baby, please be safe"Bulong ko pa na parang si Lisa talaga ang aking kausap"Mahal na mahal kita, Lisa.
Pakiramdam ko ay ang hapdi hapdi na ng aking mata dahil kaiiyak, nangingimay na din ang aking buong mukha.
Lumabas naman ako sa banyo at inayos ang aming mga gamit dito. Hindi ko alam kung anong oras na pero hindi pa rin ako inaantok.
Iyong ibang kasama ko dito, agad nakatulog dahil sa pagod habang ako naman ay napatingin lang sa pader dito.
Hindi ko makakalimutan kung paano bumagsak si Lisa at puro dugo ang likod. Hindi ko alam ang gagawin ko, para akong nanghihina.
Dahil sa kaiiyak ay nakaramdam na ako ng antok. Pumikit lang ako, at nung imulat ko ang aking mga mata ay madilim parin pero alam ko na umaga na.
Napatingin naman ako sa aking mga kaibigan na ngayon ay mahimbing parin na natutulog. Bumangon naman ako upang mag hilamos ng mukha. Saktong pag labas ko ay nakita ko si General na ngayon ay nakatingin sa room nila Jisoo.
YOU ARE READING
The Cure
Mystery / ThrillerDifferent Students. Different Feelings. Diffident Stories. Should they trust each other or left each other behind just to be save until the end? Can you save others or just yourself? Will you sacrifice others to live or will you sacrifice yourself f...