Chapter 14

833 24 1
                                    

Lisa's POV

"What do you want?"

Tanong ko pa sa mga kumuha sa akin dito at tiningnan sila nang masama"Nasaan si Jennie? Saan n'yo dinala si Jennie?"

"Sa tingin mo ba ay makikita mo pa s'ya?"Tanong naman nung isang swat dito"We heard that your Jennie will going to leave here tomorrow morning with Chief Kim's son"

I gritted my teeth and tried to untie this handcuffs. Fuck! Hindi nila pwedeng ilayo si Jennie sa akin.

Nandito ako sa isang room na sobrang liwanag. I don't know but it looks like a laboratory. Hindi ko maintindihan kung bakit nila ako dinala dito at kinulong.

Nag aalala din ako sa mga kasamahan ko na naiwan doon sa selda. Fuck! Wala talaga akong tiwala sa mga swat.

Hindi ko alam kung nasaan si Jennie ngayon pero sana ay okay lang s'ya.

Ilang oras akong nanatili dito sa loob habang nakatali parin. Doon ako napatingin nang may mga pumasok na naka P.P.E na may mga hawak na parang mga gamit, at sinundan Ito ng mga swat.

What the hell is happening?

"Anong gagawin n'yo?"Tanong ko pa sa kanila pero hindi nila ako pinansin. May lumapit sa aking isang doctor at may hawak na syringes.

"Anong gagawin n'yo?"Tanong ko pa pero hinawakan lang ako ng swat upang hindi makagalaw. Pero hindi pa naman nagagawa ng doktor ang kuha sa akin ng dugo ay bumukas ulit ang pinto at may pumasok na swat habang hawak-hawak si... Mr. Yang?

Napatingin si Mr. Yang sa akin at ganun nalang din ang gulat n'ya nang makita ako.

"Mamaya na daw kunahan ng dugo Ito"Sambit pa nung isang swat sa doktor.

"I see"Sagot nung doktor at tinanguhan ang ibang kasama n'ya dito. Binitawan na din ako nung swat na may hawak sa akin pero nanatili parin akong naka posas dito.

"Mr. Yang"Sambit ko pa nang makaalis na ang mga tao dito"Anong ginagawa n'yo dito?"

"Lisa"Napatingin Ito sa akin, parang kinakabahan"Alam na nila"Sambit n'ya pa, hindi ko s'ya maintindihan.

"Alam ang alin, Mr Yang?"

"Dugo mo ang kailangan upang mawala ang kumakalat na viruses sa katawan ng mga naging infected"Doon ako napatitig sa kanya.

Parang hindi mag sink in sa utak ko ang kanyang sinabi. Anong ako? Paanong ako?

"Hindi ko..."Napatigil ako at napatingin nalang sa kanya"Hindi ko kayo maintindihan, Mr. Yang. Paanong naging ako?"Nanginginig na ang aking boses. Tiningnan naman ni Mr. Yang ang pinto dito bago lumapit sa akin.

"Sa akin nag simula ang lahat ng ito, Lisa"Sagot n'ya pa. Parang lahat naman ng galit ko ay ngayon ko na ulit naramdaman.

"Wala kang awa!!"Sigaw ko sa kanya"Hindi mo naisip ang mga students na naging infected na ngayon dahil sa katangahan na ginawa mo!! Anong klase kang tao?!! Now, halos lahat ng students ng YG ay napahamak ng dahil sa'yo. Kahit ang iba ay nadamay na!! Anong klase kang tao?!!"Hindi ko na mapigilan ang galit ko sa kanya. Isipin ang mga nangyari sa aming lahat ay gusto ko nang umiyak.

"Hindi ko gusto iyon, Lisa. Maniwala ka!! Ginawa ko lang iyon upang mabuhay muli ang aking anak!!"Ganun nalang ang pag tigil ko nang marinig ang kanyang sinabi.

"Anong sabi mo..?"Tanong ko pa sa kanya.

Napatingin naman s'ya sa akin"Lisa, bilang ama, gagawin ko ang lahat bumalik lang ang aking anak. Pero nagkamali ako ng nagawa. Sa halip na mabuhay s'ya na parang normal na tao ulit ay naging iba s'ya. Hindi ko sinasadya na magiging ganun ang kinalabasan. Naging Agrisibo at nakakatakot s'ya"

The CureWhere stories live. Discover now