Lisa's POV
"Lisa, wake up..."
Naalimpungatan naman ako nang may maramdaman akong tumatapik sa aking pisngi.
"Lisa, wake up, we need to be ready!"
Napatingin naman ako kay Noze na ngayon ay nasa aking harapan na. Napatingin din ako kina Jackson at Tzuyu na ngayon ay mga naghahanda na.
Tumango naman ako sa kanya at tiningnan ang paligid. Maliwanag na kaya pang tatlong araw na namin dito.
"Here, marunong ka bang gumamit nito?"Tanong sa akin ni Jackson at Inabot ang isang espada ng fencing.
Tumango naman ako at kinuha Iyon. Inabot din ako sa akin ni Tzuyu ang Isa sa mga uniform nila dahil medyo makapal daw iyon.
"Look, once may sumugod na zombies, sa leeg n'yo agad tamaan, okay?"
"Why?"Tanong ko pa at inayos ang uniform ng archery. Meron din akong arrow sa likod at bow na hawak. Ang espada naman ay nasa tagiliran. Dala ko din ang aking backpack na dala.
"Iyon kase ang napansin ko sa mga zombies na nakalaban namin"Sambit pa ni Noze at pinuno ng arrow ang lalagyan n'ya"Sa tuwing pinapatamaan ko sila sa leeg, hindi na sila nakakabangon pa"
Tumango-tango naman ako at tiningnan ang nasa labas namin.
"Wala bang secret way dito?"Tanong pa ni Tzuyu dito sa amin.
"I don't know, bago lang ako dito"Sagot ko sa kanya bago tumingin kay Jackson"What about you, Jackson, may alam ka?"
Tumingin naman s'ya sa amin bago ngumisi"Meron"Doon ako nagulat sa kanyang sinabi"Doon kami dumadaan ng mga kaibigan ko pag nag cucutting kami, e."Tawa n'ya pa habang ako naman ay napailing nalang.
"So, saan iyong secret way na iyon?"Tanong pa ni Noze sa kanya.
"Sa may likod ng tennis court"Sagot n'ya pa"Medyo malayo iyo pero once na nakalampas tayo sa tennis court, madadaanan nating iyong tinatayong bagong building. After that, may lawa na, tatawirin lang nating iyong lawa, may gubat tayong madadaan at ang tapos no'on ay kabahayan na"
"Ang layo naman..."Napailing naman si Tzuyu.
"Pero at least, may alam na tayong daan para masave ang buhay natin right?"
"Jackson's right"Tumango ako"Okay na iyon kaysa ma-stuck tayo dito"
"So, ano? Pupuntahan na natin ang mga kasamahan mo?"Tanong naman sa akin ni Noze.
Tiningnan ko naman silang tatlo na ngayon ay handa na.
Tumango ako sa kanya"Yeah.. Iligtas nating sila"
"Mauna kayo, icocover ko kayo"Tumango kami Noze habang nandito na kami sa pinto.
Binuksan ni Jackson ang pinto at lumabas na kami. Luckily, walang masyadong zombies dito. Hawak ko ang aking bow at tumingin sa paligid.
"Tara na"Sambit naman ni Tzuyu at lumakad na kami.
"Nandyan na sila!!"Sambit pa ni Jackson at tiningnan ang unahan namin. Si Noze ang unang pumana habang ako ay tumingin sa aming likod dahil alam kong may zombies din doon. I'm not pro at archery but may alam naman ako kung paano gamitin Ito.
Tulad nang sinabi ni Noze, sa leeg ko pinataaman ang zombie kaya agad s'yang natumba.
"Tara, tara, bilis!!"Sambit pa ni Jackson kaya tumakbo na kaming apat. Sa bawat na napupuntahan namin, may zombies kaming nakikita.
Nang makapunta kami sa hallway ng first floor nung building kung nasaan sina Jennie ay madami ang zombies kaya agad kaming nakapaglaban.
"Lisa, yuko!"Agad akong yumuko habang si Noze ay may pinana sa aking likuran.
YOU ARE READING
The Cure
Mystery / ThrillerDifferent Students. Different Feelings. Diffident Stories. Should they trust each other or left each other behind just to be save until the end? Can you save others or just yourself? Will you sacrifice others to live or will you sacrifice yourself f...