Jennie's POV
"Dito ba talaga ang venue?"
Tanong ko pa kay Irene dahim ngayon ang school fair namin. Dito kami sa may seaside sa moa kaya naman maganda nga dito.
"Oo nga"Sambit pa ni Irene sa akin. Si Rosé naman ay hindi namin kasama dahil kasama na n'ya ang kanyang ka-bondmate.
Ang dami ko pang nakikita na mga nakasama ko sa aking panaginip.
"Oh, tropang englisherist"Sambit ni Bambam sa akin.
"Hey"Bati ko pa sa kanya. Nag fist bump naman kami kaya ganun nalang ang pag tataka ni Irene.
"Kilala mo?"Tanong n'ya pa at tinuro si Bambam na ngayon ay nag uuli na dito.
"Oo"Tumango ako"Tropa"Sagot ko naman sa kanya at tumingin sa paligid. Puro taga YG ang nandito at halatang masayang-masaya na. Napatingin naman ako sa mga couples dito na sweet sa isa't-isa. Bago pa ako may maisip na naman ay umiling na ako.
Pumunta naman kami sa mga food stalls dito dahil medyo nagugutom na kami. Hapon na din kase at mamaya ay kakanta na sina Rosé.
"Ma'am, bili na po kayo ng chicken wings dito sa amin"Ganun nalang ang pag lingon ko sa isang stall nang may marinig na pamilyar na boses na iyon.
"Jen, saan ka?"Tanong pa sa akin ni Irene habang nakain ng corndog.
"May titingnan lang"Sambit ko pa sa kanya"I'll be quick"
"Okay"Sagot n'ya at kumain na ulit. Ako naman ay lumapit sa isang stall dito.
"Ma'am, chicken wings, you want?"At ganun nalang ang pag awang ng labi ko nang makita si Jisoo dito na ngayon ay nakangiti habang nag aalok ng paninda n'yang chicken wings.
Jisoo....
Parang hindi ako makapaniwala na nakikita ko s'ya dito. Gusto ko s'yang yakapin dahil hindi ko inaasahan na makikita ko s'yang muli.
"Miss ganda, bili na po kayo"Ganun nalang ang pag tingin ko sa kanya dahil sa akin s'ya nakatingin.
"Jisoo..."Naiiyak ko pang sambit sa kanya.
"Kilala n'yo po ako, miss?"Tanong n'ya pa sa akin"Hala! Famous pala ako dito, e"Sambit n'ya pa at tuwang-tuwang. Gosh! I missed him.
Pero hindi ko pwedeng sabihin na kilala ko s'ya dahil sa aking panaginip kaya naman nginitian ko nalang s'ya.
"Your nametag"Sagot ko at tinuro ang nametag n'ya. Napaawang naman ang labi n'ya bago dahan-dahan na nag baba sa kanyang nametag.
"Ah, hahahah!"Tawa n'ya pa"Oo nga pala. Hehehe! Kala ko naman, famous na ako"Tawa n'ya pa"Bili na po kayo, miss ganda. Masarap po ang paninda namin, madami pang flavors"Ngiti n'ya sa akin.
"May I see the menu?"
"Yes, boss"Ngiti n'ya pa at kinuha ang menu at Inabot sa akin. Tiningnan ko naman iyon"Sa YG kayo napasok?"Tanong n'ya pa sa akin.
"Ah, yeah"Ngiti ko sa kanya.
"Gusto ko din doon, e"Sambit n'ya pa"Pero di ko afford ang tuition. My goodness, so mahal"Tawa n'ya pa kaya napatingin ako sa kanya. Ibang-ibang Jisoo ang nasa panaginip ko at ngayon na kaharap ko.
Napabungtong hininga nalang ako bago tumingin sa menu dito"Uhm, Jisoo"
"Yes, miss?"
"Okay lang ba na ipag reserve mo ako ng lahat ng flavors nito?"Sambit ko pa sa kanya kaya ganun nalang ang pag laki ng kanyang mata.
"Ta.. talaga po?"Gulat na gulat n'ya pang sambit sa akin.
Nginitian ko naman s'ya"Yes, hindi ko pa kase makakain iyan dahil kakanta pa kaibigan ko mamaya. Okay lang ba na mamaya nalang?"
YOU ARE READING
The Cure
Mystery / ThrillerDifferent Students. Different Feelings. Diffident Stories. Should they trust each other or left each other behind just to be save until the end? Can you save others or just yourself? Will you sacrifice others to live or will you sacrifice yourself f...