Chapter 7

977 33 0
                                    

Lisa's POV

Napatingin ako kay Jisoo habang nandito parin kami sa fifth floor. Lahat ay nakababa na at kami nalang ang natira.

"Sigeh na, bumaba ka na"Sambit ko pa sa kanya at tinulak ang mga upuan dito upang hindi makapasok ang mga infected.

"I can handle myself, Jisoo. Now, go"I looked at him.

Tumingin naman s'ya sa akin"Papatayin kita pag hindi ka sumunod"Napatawa naman ako bahagya sa kanyang sinabi.

"Just go and pumunta mo na si Rosé"Napatingin naman s'ya sa akin, ngumisi ako.

"Susunod ka!"Banta n'ya pa sa akin, tumango ako"Papatayin talaga kita pag hindi ka sumunod"

"Sigeh na"Sambit ko pa at tinulak ulit ang mga upuan. Binitawan na n'ya ang upuan dito at mabilis na pumunta sa bintana. Dahil ako nalang mag Isa ay mas malakas na ang mga nasa labas.

"Sigeh na"Sambit ko pa kay Jisoo dahil nakikita ko parin s'ya dito. Wala naman s'yang magawa kundi ang bumaba na habang ako ay patuloy sa pag tulak dito. Nang makakuha ako ng tyempo ay bumitaw na din ako at mabilis na pumunta sa bintana pero hindi pa ako bumababa.

Tiningnan ko pa ang pinto na ngayon ay naalis na ang mga hinarang naming upuan at lamesa. Napalunok ako nang makita ang mga infected. Hinawakan ko ang hose nang makita ako ng mga infected.

Mabilis silang tumakbo at astang susugudin ako nang mabilis akong tumalon habang hawak-hawak ang hose. Dahil sinubukan nila akong abutin ay nahulog sila habang ako ay nakakalapit parin sa hose.

Pero ganun nalang ang pag tingin ko sa baba nang may nakahawak sa aking paa na Isa sa mga infected.

Shit! Mura ko pa sa aking sarili at pilit na sinisipa s'ya pero nakakapit s'ya sa aking paa at pilit akong kinakagat.

"Sipain mo ng malakas!!"Napaangat naman ang tingin ko nang may marinig akong boses sa taas. May isang lalaki na nakasandal dito sa wall. May konting space naman kase kaya hindi s'ya nahuhulog.

"Get off!!"Sipa ko pa sa nakakapit sa aking paa pero hindi ko s'ya maalis.

"Aiiiisshh!! I'll go down"Sambit nung lalaki sa akin habang nakasandal sa wall para hindi mahulog.

"No, mapuputol ang hose pag pumunta ka dito"Umiling ako sa kanya at sinipa ulit ang nakakapit sa akin.

"Ano..."Hindi n'ya natapos ang sasabihin dahil napatingin ako sa kanyang taas.

"Watch out!!"I said and tumingin s'ya sa kanyang taas. Merong infected na aabutin s'ya.

"Ahhhh!!"Sigaw n'ya pa, at bago ko pa s'ya mapigilan ay walang ano-ano na tumalon s'ya papunta dito sa akin.

Napapikit naman ako dahil ang katawan n'ya ay nasa akin na din. Nakayakap s'ya sa akin habang ako ay nakahawak parin sa hose

"Yahh!! Yahh!! Get lost, mother fucker!!"Sinipa n'ya iyong nakakapit sa akin habang ako naman ay tinutulungan na din s'ya. At ganun nalang ang pag hinga ko nang malalim dahil nahulog na iyong nakakapit sa akin.

"Bakit hindi mo naman agad sinipa, Pare?"Tanong n'ya pa habang nakayakap parin sa akin. Hindi ako nagsalita, nakatingin ako sa kanya. Nang bigla ay ngumisi s'ya"You really like my hugs, ha?"

"Shut up. I have girlfriend"Sambit ko sa kanya habang s'ya ay nakayakap parin sa akin habang natatawa"Bumaba ka na sa Third floor, may tao doon"

"Alright, pare..."Ngisi n'ya pa sa akin habang ako ay tiningnan s'ya nang masama"Gwapo mo naman, pare"Sambit n'ya pa.

"Tss!! Get lost"Tumawa pa s'ya at dahan-dahan na bumaba dito. Pinanuod ko naman s'yang bumaba at ganun din ako.

At nang makarating ako sa third floor ay ay agad akong tinulungan nila Moonbyul.

The CureWhere stories live. Discover now