Sa paggising ni Narding sa unang umaga ng bagong taon ay masiglang masigla niyang
binati ang kanyang pamilya. Masigla si Narding na sinalubong ang unang umaga ng bagong
taon. Hindi mo makikita sa kanyang mukha ang pagiging negatibo kaya naman tuwang tuwa
ang kaniyang pamilya sa kanya. Masayang-masaya si Narding ngunit makikita mo rin sa
kanyang mukha ang bahid ng kalungkutan dahil luluwas na ang kanilang mga kamag-anak
pauwi sa kanilang mga tahanan. Parang kailan lang noong dumating sila at ngayoy uuwi na.
Naging emosyonal ang pagpapa alam nila sa isat isa at diyan na nagtatapos ang kanilang araw.
Kinabukasan, kilabot at kalungkutan ang sumalubong sa umaga ng pamilya ni Narding nang
dumating sa kanila ang isang malagim na balita. Bumagsak ang isang eroplano na kung saan
naka sakay ang kanilang kamag-anak. Sa kasamaang palad, kasama sila sa mga napabalitang
namatay. Labis ang pagdadalamhati nila Narding. Hindi nila inaasahan ang pangyayaring ito
kayat pakiramdam nilay pinag bagsakan sila ng langit at lupa. Ngunit pinilit nilang maging
matatag at bumangon sa mas magandang umaga. Ito ang pangyayari na unang sumubok sa
katatagan ng pamilya ni Narding sa unang buwan ng 2020.
BINABASA MO ANG
Ang Labingdalawang Buwan ng 2020 sa Buhay ni Narding
Short Story2020. Marahil karamihan sa atin ay sinusumpa ang taong ito. Samu't saring pangyayari ang di inaasahan na mangyayari na hindi natin gugustuhing mangyayari. Si Narding ay isang masayahin, mabait, at mapagmahal na anak, kapatid, kaklase at kaibigan...