Setyembre 2020

0 0 0
                                    

Setyembre na ngunit bakit tila hindi parin tayo nakakawala sa kalbaryong ating

kinakaharap?. Bagot na bagot na si Narding. Na mi miss na niyang lumabas. Na mi miss na

niyang gumala at iba pang dati niyang ginagawa noong normal pa ang sitwasyon. Naloloka na

siya. Itanggi man niya ngunit unti unti na siyang nilalamon ng kanyang mga naiisip. Nag o over

think na siya dahil marahil sa pandemyang ito. Kaawa awang Narding. Sa buwan ito nagsimula

na namang maging malungkutin si Narding. Hindi niya ito ipina pahalata sa kahit sinong nakaka

sama o nakaka salamuha niya araw-araw. Pilit niyang itinatago ang sobrang kalungkutan ay tila

hindi siya nag tatagumpay. Sa buwang ito nagsisimula na siyang mawalan ng pag-asa. Ngunit

kahit papaano ay nakaka takas din naman siya sa mga kalungkutang ito; salamat sa kanyang

mga kaibigan. Dahil sa mas pinaluwag na polisiya patungkol sa pag labas labas ay nagkaroon na

ng tsansa sila Narding at kanyang mga kaibigan na makapaglakwatsa sa kanilang lugar.

Nagpupunta sila sa ilog, kumakain ng kung ano-ano at marami pang iba. Kahit papaanoy

natatakasan niya ang kalungkutan na pumipilit sa kanya na matali sa mapait na kadiliman ng

buhay. Naway sa susunod na buwan ay may liwanag na paparating. Ngayon ay lilisanin na

ni Narding ang buwang nagparamdam sa kanya ang paulit-ulit na saksak ng kalungkutan.

Ang Labingdalawang Buwan ng 2020 sa Buhay ni NardingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon