Eto nat bumalik ang sigla at kasabikan sa mukha ni Narding sapagkat ngayong
buwang ito ang kanyang kaarawan. Sabik na sabik si Narding. Nangako siya sa kanyang sarili na
hindi niya paiiralin ang negatibong pag-iisip. Ang pamilya niya naman ay nag planong
sorpresahin siya upang kahit papaanoy sumaya naman siya at maiparamdam naman nila na
ano mang pagsubok sa buhay ang kanilang haharapin ay nandiyan sila at nagdadamayan.
Ngayong buwan na din sana ang opisyal na pagbubukas at pagsisimula ng kanilang pag-aaral.
Sabik na sabik si Narding na umabot sa puntong bumili na siya ng pagka rami raming school
supplies. Ngunit dahil sa sitwasyong kinakaharap nila ngayon ay hindi iyon natuloy at nalipat sa
buwan ng Oktubre. Hindi man iyon natuloy ay hindi yon naging hadlang upang mapawi ang
sigla na kanyang tinataglay at hindi siya nagpadala sa negatibong awra. Heto na at araw na ng
kanyang kaarawan, Augosto 24, 2020 paggising ni Narding ay agad siyang nag alay ng taimtim
na panalangin sa may kapal at nagpasalamat sa panibagong taon ng kanyang buhay. Sa araw
na iyon ay pinuno nila ng sigla at saya. Hindi nila hinayaan na dumapo ng negatibong
pakiramdam. Sa buwang itoy isa sa pinaka masaya at di malilimutang buwan ng 2020 para kay
Narding.
BINABASA MO ANG
Ang Labingdalawang Buwan ng 2020 sa Buhay ni Narding
Short Story2020. Marahil karamihan sa atin ay sinusumpa ang taong ito. Samu't saring pangyayari ang di inaasahan na mangyayari na hindi natin gugustuhing mangyayari. Si Narding ay isang masayahin, mabait, at mapagmahal na anak, kapatid, kaklase at kaibigan...