Mistulang tumigil ang mundo. Biglang naulit ang mga pasakit na naranasan ni Narding
noong Enero. Nangyari ang kinakatakutan ni Narding. Nag deklara ang pangulo ng Community
Quarantine na kung saan nagkaroon ng Lock Down o pag bawal sa pag labas-labas ng bahay sa
buong Pilipinas dahil nakarating na sa bansa ang nakaka hawa at nakaka matay na sakit na
tinawag nilang Covid-19. Na kansela ang mga klase at lahat ng events kasama na doon ang
kanilang pagtatapos. Hindi na din matutuloy ang kanilang pictorial para sana sa kanilang
moving up. Labis ang pagka dismaya at kalungkutan ni Narding dahil pangarap niya ito. Excited
na excited siya na mag moving up dahil pangarap niyang makapag martsa at maka akyat sa
entablado kasama ang kanyang magulang. Makikita mo ang kalungkutan sa kanyang mukha at
kilos dahil nag kulong pa siya sa kanyang silid. Nagagalit siya sa kung sino-sino minsan ay
naninisi pa siya. Eh sino ba naman kasi ang hindi madidismaya at malulungkot kung abot
kamay na yong pangarap mo tapos biglang mauudlot? Ngunit pilit niyang inintindi ang
kalagayan nila ngayon, na nangyari lamang ito upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan
at maka iwas sila sa pagkaka hawa ng naturang sakit.
BINABASA MO ANG
Ang Labingdalawang Buwan ng 2020 sa Buhay ni Narding
Short Story2020. Marahil karamihan sa atin ay sinusumpa ang taong ito. Samu't saring pangyayari ang di inaasahan na mangyayari na hindi natin gugustuhing mangyayari. Si Narding ay isang masayahin, mabait, at mapagmahal na anak, kapatid, kaklase at kaibigan...