Abril 2020

0 0 0
                                    

Unti unti nang natanggap ni Narding ang lahat. Bumalik ang pagiging masayahin at

dati niyang sigla. Nang dahil sa pinapatupad community quarantine, naging aware na rin siya

sa halaga ng personal hygiene. Kahit papaano ay nakapag adjust na siya at ng kaniyang pamilya

sa malaking pagbabago na dulot ng umiiral na community quarantine. Kung noon ay palagi

silang may salo-salo, ngayon ay iniiwasan na nila yon. Kung noon palagi silang nasa bayan,

ngayon ay tinitiis na lang nila ang pag papasyal sa kanilang maliit na bakuran. Masaya silang

lahat ngunit biglang na namang nabahiran ng kalungkutan at pagdadalamhati ang kanilang

pamilya dahil pumanaw ang pinakamamahal nilang lola. Kailan lang nung magsimulang humina

ang kanilang lola ngayon ay hindi niya na kinaya at sumakabilang buhay na. Ang mahirap pa,

sumabay pa ang pagpanaw niya ngayong hindi maka uwi ang mga kamag-anak nilang nasa

malayo dahil sa sitwasyon na kanilang nararanasan ngayon. Kaya kakaonti silang nag lamay.

Napaka sakit kay Narding ang pagpanaw ng kaniyang lola dahil mahal na mahal niya ang

kaniyang lola na nag alag at nag mahal din sa kaniya simula pagka bata.

Ang Labingdalawang Buwan ng 2020 sa Buhay ni NardingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon