Sabik na sabik na gumising si Narding sa unang lunes ng buwan ng oktubre. Sa
wakas! Hindi na siya mababagot sa bahay! Magiging busy na siya at mawawalan na siya ng
oras na mag isip ng kung ano-ano. Araw ng lunes, alas siyete ng umaga ay gumising si Narding
at sinalubong ang maulang panahon. Dali dali siyang bumangon, inayos ang kanyang higahan
at pagkatapos nitoy dire diretso siyang pumunta sa kusina upang kumain ng agahan. Excited
na excited si Narding dahil ito na ang opisyal na pagbubukas ng kanilang pag-aaral. Hindi man
ito ang normal na klase ng kanilang pag-aaral tulad ng nakasanayan ng karamihan ay pilit
niyang sasanayin ang kanyang sarili sa bagong learning method na ito. Pagkatapos mag agahan
ni Narding ay dali dali siyang pumunta sa banyo upang magsepilyo at maligo. Natataranta ito
dahil mag aalas otso na ngunit hindi pa siya nakakapag handa ma le late na siya sa first period
nila! .... Masaya na s stress si Narding sa araw na iyon dahil sa hirap ng kanilang mga aralin.
Naninibago pa rin si Narding sa learning modality nila. Parang kailan lang noong sa paaralan pa
sila nag-aaral pa sila sa totoong paaralan nguit ngayon ay sa bahay na sila nag-aaral. Haaaay
buhay sana matapos na ang pandemyang ito.
BINABASA MO ANG
Ang Labingdalawang Buwan ng 2020 sa Buhay ni Narding
Short Story2020. Marahil karamihan sa atin ay sinusumpa ang taong ito. Samu't saring pangyayari ang di inaasahan na mangyayari na hindi natin gugustuhing mangyayari. Si Narding ay isang masayahin, mabait, at mapagmahal na anak, kapatid, kaklase at kaibigan...