Buwan ng pormal na pagtatapos ni Narding sa ika sampung baitang. Gaganapin ang
kanilang pagtatapos sa pamamagitan ng media presentation. Saya na may halong lungkot ang
nadarama ni Narding. Saya sapagkat sa wakas ay magtatapos na siya. Hindi man gaganapin ang
kanilang pagtatapos gaya ng normal sa na tradisyon ng pagtatapos ay masaya na siya dahil
tatawagin na ang kanyang pangalan dahil sa magtatapos na siya at hindi dahil sa ma ga
guidance na naman siya. Lungkot dahil magtatapos na siya. Mag se-senior high na siya. Parang
kailan lang noong junior high na siya ngayon ay mag se senior high na. Isa pa sa ikanakalungkot
niya ay lilipat na siya ng paaralan. Ma mi miss niya ang bawat gusali at parte ng kanilang
paaralan na naging parte ng kaniyang buhay mag-aaral sa apat na taon. Ma mi miss niya din
ang kanyang mga ka klase at mga mahal na guro.
BINABASA MO ANG
Ang Labingdalawang Buwan ng 2020 sa Buhay ni Narding
Short Story2020. Marahil karamihan sa atin ay sinusumpa ang taong ito. Samu't saring pangyayari ang di inaasahan na mangyayari na hindi natin gugustuhing mangyayari. Si Narding ay isang masayahin, mabait, at mapagmahal na anak, kapatid, kaklase at kaibigan...