Sinalubong ang pamilya ni Narding ang ikalawang buwan ng 2020 nang masaya at
walang bahid ng kalungkutan sa nakaraan. Abalang-abala si Narding sa paggawa ng kaniyang
mga requirements at mga lessons na kaniyang I re review dahil malapit na ang huli nilang
pasusulit bagaman ang kaniyang kapatid na sa ika siyam na baitang pa lamang ay pa relaks
relaks muna dahil mauuna sila Narding na kumuha ng huling pagsusulit sa huling markahan
dahil maghahanda na sila para sa kanilang moving up. Halos isang buwan na lang at
magtatapos na si Narding sa junior high school. Makikita mo sa mukha ni Narding ang
kasiyahan na may halong kasabikan dahil sa wakas mag se senior high na siya at malapit nang
magbunga ang kaniyang paghihirap at sakiripisyo na kaniyang iginugol sa apat na taon niya sa
junior high school. Ngunit nahaluhan ang kanyang kasiyahan at pananabik ng takot, lungkot at
pangamba sapagkat pumutok ang isang balita ukol sa pag laganap ng malubha at nakaka
hawang sakit. Ayon pa sa mga taga pamahala ng kanilang paaralan ay maaaring maudlot ang
darating nilang pagtatapos dahil sa pag laganap ng nakakahawang sakit na ito.
Ilang araw na lang mag mo moving up na kami! Magpapa gupit na ako, bibili din ako
ng bagong uniporme! Excited na ako!
Ngunit....
BINABASA MO ANG
Ang Labingdalawang Buwan ng 2020 sa Buhay ni Narding
Short Story2020. Marahil karamihan sa atin ay sinusumpa ang taong ito. Samu't saring pangyayari ang di inaasahan na mangyayari na hindi natin gugustuhing mangyayari. Si Narding ay isang masayahin, mabait, at mapagmahal na anak, kapatid, kaklase at kaibigan...