Saichi's point of view♪
"Saichi woii! Gising na malelate na tayo!" Hiyaw ni Hiro habang niyuyogyog ako.
"Hmmm... ano ba! Inaantok pa yung tao!" Reklamo ko sabay talukbong ng kumot ko. Kay aga aga nambubulabog ng tulog eh!!
"Ano!? Bumangon kana nga diyan! Malelate na tayo! At hoy babae! Ipapaalala ko lang sayong first day of school mo rin to!" Sigaw niya pa pero di ko siya pinansin.
"Ayaw mong bumangon ha!? Saichi Aves!?" Galit na may himig ng pagkairita niyang sabi kaya umiling iling lang ako sakanya bilang tugon sabay yakap ng unan ko. "Bakit pakiramdam ko parang naging instant tatay agad ako?" Rinig kong sabi niya sakaniyang sarili. I just ignored him. Bahala siya diyan.
"Ah talaga lang ha! Humanda ka sakin ngayon!" Bulyaw niya ulit hanggang sa namalayan ko nalang na parang may humihila sa paa ko at nakaramdam nako ng lamig ng tiles.
"Ito na! Ito na! Babangon na! Bitawan muna ko!" Sigaw ko at minulat ko na yung mga mata ko at aba! Walangya kaya pala malamig eh hinila ako ng ulupong nato sa banyo ng kwarto niya! Arghh!
"Sa wakas at bumangon kana rin. Maligo kana." Saad niya kasabay ng pagbitaw ng paa ko at direderetsong lumabas ng banyo kaya inirapan ko nalang niya. Makalakad parang walang ginawang katarantaduhan ah.
Wala talaga yung modo! Natutulog ang tao hinihila niya dito sa banyo! Aish kainis! Makaligo na nga lang. Ginawa ko na nga ang retwal ko kung pano ko kukulamin si Hiro echoss. Ito na nga naligo na nga ako at pagkatapos non nagbihis na din ng damit. Suot ko ngayon ay maong na strip jeans at oversized T-shirt na plain na kulay itim tapos yung buhok ko naman ay hinayaan ko lang nakalugay at lumabas na din ng kwarto habang nakasukbit sa balikat ko yung bag ko.
"Ang bagal mo naman. Kaunting oras nalang malelate na tayo!" Reklamo niya sakin.
"Edi tara na!" Sagot ko ng matapos kong suotin yung sapatos ko at umuna ng lumabas ng bahay patungo sa kotse niya.
"Teka nga! Hindi ka pa nga kumakain!" Sabi niya sakin. I sighed.
"It's okay, let's just go can we?" Walang gana kong sabi sakanya at pumasok na ng kotse.
Pumasok na din naman si Hiro sa kotse at pinaandar na niya ito kaya tumingin nalang ako sa labas ng bentana. Ilang araw na din pala simula nong gumising ako at napadpad nako sa bahay ni Hiro. Ilang araw ko na ding tinatanong kung sino ba talaga ako at pinipilit yung mga alaala kong bumalik pero para bang may mahika akong nararamdamang pumipigil na makaalala ako. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o kung totoo ba tong nararamdaman ko pero yun nga ang nararamdaman ko pero isa lang ang gusto kong puntahan.
Yung ilog..
Pakiramdam ko may koneksyon yung ilog na yun sakin. Haays. Nakakapagod din palang paulit ulit tinatanong ang sarili mo kung sino ka ba talaga.
"Saichi ayos ka lang ba?" Napabalik ako sa sarili ko ng namalayan kong nakahinto na pala yung sasakyan.
"H-huh? Ah oo." Sagot ko sakanya.
"Nandito na tayo." Sabi pa niya kaya tumango nalang ako at isinukbit ko na yung bag ko saking balikat at lumabas na ng kotse.
Nagsimula na din kami ni Hiro maglakad pero kasabay naman non yung parang mga bubuyog kung magbulungan yung mga studyanteng nagkalat sa campus.
BINABASA MO ANG
Assassin Princess - Season #1
FantasyVinxe Finley Ellison, She's an assassin princess but what if one day she got into a fight and get assassinated and one day she wake up that doesn't remember her past? What will happen to her? Will her memory come back? And if it does what will she d...