CHAPTER 4

145 13 97
                                    

"Happy birthday!" ulit ni Agosto. Ngayon, nakangiti na.

Naglakad siya papasok, pero hanggang doon lang sa may gilid ng gate. Nakaitim siyang hoodie na jacket. Tapos pinaresan niya iyon ng simpleng panlakad na shorts. Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Ano pang ginagawa mo r'yan? Pasok na."

Napamaang ako. "Imbitado ka ba?"

Humawak siya sa dibdib niya at umastang parang nasaktan. Matiim ko siyang tinitigan.

Sa lahat ng taong nakilala ko, siya na siguro ang pinakamahirap basahin. Malalim, may pagkatahimik, may pagkausisero, at may panahong ganito.

Today, he's completely out of his character. Gayunpaman, maikling panahon ko pa lang naman siya nakakasalamuha. Hindi ko pa siya lubos na kilala. Maybe it is true that first impressions really do last.

Noong unang beses kaming nagkita, daig niya pa ang bato sa sobrang tahimik. Noong sumunod, hindi naman siya ganito kaingay. Maigi na rin dahil sa tuwing bumubukas ang bibig niya, ako lang ang naiinsulto.

"Imbitado ako ni Tita. Pwede na ba 'yon?"

"Bakit kapag pinaalis ba kita, aalis ka?"

"Hindi," he responded and chuckled. "Sayang ang pamasahe."

Pumasok ako sa gate, sumunod siya. Bukas ang tindahan pero walang tao sa mismong loob. Dahil nandito si Agosto, sigurado akong nandito rin sina Tita. Naroon siguro sila sa loob ng bahay kasama si Mama.

Walang nabanggit si Mama tungkol sa pag-iimbita niya. Ngunit ito ang unang beses na nag-aya siya para sa kaarawan ko.

"Bakit? Kasalanan ko ba na--"

Naputol ang sinasabi ko nang may tumunog. Nilingon ko si Agosto. Kinuha niya sa bulsa ang keypad niyang cellphone.

Hindi ko nakita ang pangalan ng tumatawag. Wala rin naman akong balak na alamin.

"Akin na. Ako na magpapasok," presinta ko na nakapagpabalik ng tingin niya sa akin.

"Ng alin?"

Tinuro ko ang kahon. "Hindi ba't para sa akin yan?"

Ngumisi siya. "Hindi."

Napalunok ako. So I jumped to a wrong conclusion again?

"Edi hindi--"

"Hindi ka nagkakamali," saad niya at muling ngumisi. Iniabot niya sa akin ang cake.

He's not really afraid to throw a joke, huh? Literal na 'feeling close'.

Kung hindi lang ring nang ring ang cellphone niya ay baka hindi ko rin iyon tinanggap. Pagkakuha ko ng kahon ay agad na siyang naglakad papalayo. Napakahalaga siguro ng tawag.

"Hello," narinig kong sagot niya bago ako tuluyang nakapasok sa bahay.

Bukas ang telebisyon sa sala pagkapasok ko. Naroon sa sofa ang isang pamilyar na batang babae. Ilang saglit na nanatili ang tingin niya sa akin, pero bumalik rin iyon sa pinapanood niyang cartoons.

Si Aya. Bunsong anak ni Tita Mauria. Gaya nina Tita Mauria at Maui, ito ang unang beses na nakita ko siya nang personal.

Narinig ko ang mga boses nina Mama at Tita sa kusina kaya roon ako tumungo. Agad silang lumapit nang makita ako. Pinatong ko ang cake sa lamesa.

"Happy birthday, Castle!" nakangiting bungad ni Tita Mauria.

"Salamat po..."

Lumipat ang tingin niya sa kahon. "Saan galing?"

Beyond Lies (Villa Aurin Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon