CHAPTER 36

71 4 4
                                    

Masakit makita ang pagtalikod niya sa akin. Parang gusto ko na lang bawiin ang lahat ng sinabi at maghabol sa kaniya. Hindi ko man alam kung ano ang totoo sa hindi, gusto ko na lang kalimutan ang lahat at yakapin siya para bumalik. I wanted to say sorry, but I found myself being frozen in my position, unable to do anything as I watched Agosto leave the place. Tila pasan ng puso ko ang mundo–-mabigat at nakapanghihina.

Naalala ko kung papaano ko siya iniwan dati. Kung papaano siya naestatwa sa kinatatayuan niya dahil sa mga sinabi ko. Kung papaano ko siyang tinalikuran at hindi binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.

Ngayon, siya naman ang tumalikod sa akin. Ngunit, hindi dahil gusto na akong layuan at kalimutan. He left me, so he could come back stronger, ready to chase after me, and ready to beg for my forgiveness. Hindi galit. Hindi namimilit. Hindi naninisi. I cried more, realizing that he was always gentle when it's me.

I clearly remember the emotions in his eyes earlier when he looked into mine. They say eyes do not lie. They are the windows to the soul.

Unlike before that his eyes were unreadable, I saw earlier how they glistened with tears because of pain, regret, and longing. Tumatak sa isip ko kung gaano iyon kalungkot tiningnan.

Marahil noon, sa sobrang bigla ko, hindi ko man lang iyon napagtuunan ng pansin masyado o totoo nga na sarado ang isip ko sa paliwanag. But tonight, I wasn't surprised enough that I read them. Hindi na niya kailangang sabihin dahil kitang-kita naman sa mga mata niya kung papaano ko siya nasaktan ng mga salita ko.

Nasaktan ako pero hindi ko naisip kung nakasakit ba ako pabalik. How could I do that to someone who always treated me with warmth? How could I not choose my words? How could I say that he was like a trash and I was disgusted of him?

Wala naman siyang ibang pinakita sa akin noon kundi kabutihan at pagmamahal. Pero bakit hindi ko man lang siya hinayaang magpaliwanag?

At ngayon, may sapat siyang rason para kamuhian ako dahil ganoon na lamang ang panghuhusga ko nang hindi man lang ako nag-alinlangan, pero hindi niya ginawa. Instead of hating me, he just confessed––na totoo ang pagmamahal niya noon at hanggang ngayon, hindi nagbago. I threw hate and judgment but I received love in return.

Pagkauwi ko sa condo ni Erisa, sinabi ko na sa kaniya lahat. Tungkol kay Agosto at maging sa ama ko. She wasn't mad at all for telling her too late. She just listened and comforted me without judging anyone.

Umiyak lang ako sa mga sumunod na araw. Ngayon lang hinayaang lumabas ang pangungulila ko para kay Agosto. Pagod na akong magpanggap sa sarili ko na hindi ko na siya mahal. Na wala na siyang epekto sa akin. Dahil mawawala na siya ulit, hindi pa ako magpapakatotoo.

Agosto:

Pwede kang hindi na pumasok ng trabaho. I can talk to Kyzon about it. Thank you for your service, Castle.

Napapanguso na napapaiyak ako sa simpleng mensahe niya na iyon. I suddenly felt that he was letting me go with just a text, even though he clearly told me that he would come back to chase after me.

Hindi ko siya kailangang maghabol. Kaya naman pagkarating ng araw ng trabaho, pumasok ako. Hindi siya mukhang nagulat at hindi naman niya ako tinaboy palayo. Pero hindi na niya binanggit pa ang nangyari.

"Your breakfast," I said, showing him the pasta I made myself.

"Thanks," he replied and smiled. Not too wide. Not too sweet. Not forced. Just a casual smile.

May pumiga sa puso ko. The gentleness in the way he treats me didn't disappear but his eyes were now showing obvious restraint and control. Alam kong hindi siya galit at wala rin akong narinig sa kaniya na masakit na salita, pero parang may harang sa pagitan namin.

Beyond Lies (Villa Aurin Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon