CHAPTER 31

82 5 22
                                    

Sinapo ko ang batok habang nakikita ang sunud-sunod na pagpasok ng mensahe sa cellphone ko. Agosto flooded me with messages. May sakit ang isang 'yon pero daig pa niya ang computer sa sobrang bilis niya magtype.

Agosto:

Sorry, late reply. Nakatulog ako.

Agosto:

Are you okay?

Agosto:

Castle. You met Vanessa?

Agosto:

What did she tell you?

Agosto:

Nasa opisina ka ba?

Nagulat pa ako dahil mabilis na nakarating sa kaniya na kinita ko si Vanessa. Sasabihin ko rin naman, pero hindi ko inaasahang pagkabalik na pagkabalik ko rito sa opisina, alam na niya. Nasabi na siguro ni Kyzon.

Noong una, hindi ko rin naman alam ang magiging reaksyon nang malamang may isang Villarivera na bumisita kay Agosto. Ngunit marahil ang kaalamang hindi naman talaga ginusto ng ama ko na iwan ako at lumaking hindi siya kasama, napanatili ko ang kalmado kong ekspresiyon.

Hindi ko rin maitatanggi ang pagtataka kung bakit hindi bumibisita ang ama ko rito gayong nandito naman ako. Dalawang bagay lang naman. Una, baka alam niyang matanda na ako at may sariling desisyon, kaya ayaw na niyang maulit ang ginawa kong pagtataboy sa kaniya noon. Ikalawa, hindi pa nababanggit ni Agosto na nandito ako. At sa reaksyon ni Vanessa kanina, mukhang ang ikalawa ang tunay na dahilan.

She didn't come here to see me. She went her to meet Agosto. Apparently, wala si Agosto rito kaya ako ang naabutan niya. Hindi ko naman na kailangang tanungin kung sino siya. Mula sa pagsasabi ng totoo sa akin ni Mama, nakilala ko pamilya ng ama ko. My father married his bestfriend who was already a month pregnant. Isang buwan na buntis sa iba ang bestfriend niya noong magpakasal silang dalawa. Siya ang tumayong ama sa bata. Si Vanessa ang batang iyon kaya hindi nagkakalayo ang edad namin. And to make it short, kapatid ko siya sa papel.

Bumaba ako sa lobby para makita siya kanina. Sitting on the couch with legs elegantly crossed, anyone could tell how prim and proper she was. Vanessa was indeed pretty. Maputi siya at mahaba ang itim na buhok. Nakadress din kaya kita ang magandang hubog ng katawan.

"Good morning, Ma'am," bati ko na agad nakakuha ng atensyon niya. "I was informed that you are looking for Engr. Salviero."

Umahon siya mula sa pagkakaupo para harapin ako. Wala siyang appointment. Pwede namang hindi ko na siya babain, pero dahil alam kong imposibleng hindi siya kilala ni Agosto at baka mahalaga ang sasabihin niya, humarap ako.

I smiled awkwardly as I noticed how she stared at me. "I am his secretary--"

"C-Castle?" she cut me off.

I was taken aback by that. Hindi ko alam na kilala na niya ako. Hindi lang sa pangalan kundi sa mukha. Para siyang nakakita ng multo habang nakatitig sa akin. Wala akong planong magpakilala sa kaniya sa pangalan. I was just planning to introduce myself as Agosto's secretary and then dismiss her.

"Castle Villarivera, right?" mariing ulit niya.

Ngumiti ulit ako, gustong ibalik ang usapan. "Wala po ngayon rito si Sir August, Ma'am. Pwede po kayong magset ng appointment at bumalik po sa ibang araw. Sasabihin ko na lang po na pumunta kayo rito--"

"Why aren't you answering me?" muling pagpigil niya sa akin. She kept on cutting me off. "Answer me. Your name is Castle Villarivera, right?"

Hindi ako sumagot. Sa paraan ng pagtitig niya, alam na niya rin naman ang sagot. I sighed and politely excused myself but she held my wrist tightly.

Beyond Lies (Villa Aurin Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon