CHAPTER 22

97 5 61
                                    

In my entire, never did I cry for a person.

Mataas at matibay ang pader na binuo ko para protektahan ang sarili. I remained distant, isolated, and anti-social. Wala akong pinapasok na kung sino sa loob ng ilang taon. Hindi ako nagtitiwala kaya wala ni isang nakakita ng kahinaan ko.

That is why it felt strange and scary to witness myself breaking into tears in front of Agosto.

It wasn't just a glimpse of my vulnerable side. It was beyond that. Like he saw even scars and fears I hid all these years.

Nagmukha akong isang nauupos na kandila sa harapan niya, natutunaw at nanlalambot. At ang tanging paraan lang para mapigilan ang patuloy na pagkaupos ay ang patayin ang apoy. Ngunit hindi ko magawa.

Because that flame symbolizes my feelings for him. It grows and grows. And I can't find the way to stop it. Or morelike... I don't even have the interest to save myself. I am just stuck here, allowing myself to be melt by the flame.

"Wala kang dalang motor?"

Nilingon niya ako. "Hindi ako nagmamaneho kapag nakainom."

Tumango ako.

Pauwi na kami sa amin. Nagtawag sila ng dalawang tricycle pauwi. Isa para kina Maui at Kuya Rem. At isa sa amin ni Agosto. Nagpresinta siyang ihatid ako pauwi. Ang mga kaibigan ni Kuya ay iba ang daan kaya napahiwalay na rin sa amin.

Sumulyap ako kay Agosto. Ang mga mata niya ay nakatuon sa labas ngunit tila nasa kawalan at malalim ang iniisip.

May maliit na espasyo pa sa pagitan namin dahil malawak naman ang loob ng tricycle. Ngunit dahil nga pareho kaming matangkad, lalo na siya, hindi maiiwasan na magdikit ang balikat namin sa tuwing dumadaan ang tricycle sa lubak na daan.

I could smell his manly scent from my position. I couldn't help but sniff quietly. Hindi siya amoy alak. Nangingibabaw pa rin ang natural niyang amoy na mabango. I wasn't really sure if it's his shampoo or body wash.

Nang bigla siyang lumingon sa akin, pinilit ko ang sarili na hindi magmukhang nagulat. Nahuli na naman niya akong nakatitig. Ang masaklap, umaamoy pa! Uminit na naman ang pisngi ko.

Mabilis kong ibinaba ang tingin sa aking puting tote bag na dala niya. Katabi iyon ng kaniyang backpack.

"A-Ako na ang magdadala ng tote bag."

I thought he would tease me for shamelessly sniffing but he didn't. Marahan siyang umiling. "Ako na. Okay lang."

Hindi na ako nagpumilit. Ibinaling ko ang atensyon sa daan na tinatahak ng tricycle kahit ang totoo, gaya niya, naglalakbay din ang isip ko. Kahit na nandito na kami at pauwi, paulit-ulit pa ring bumabalik sa akin ang nangyari kanina.

I cleared my throat. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko ito nalilinaw.

"Kung babalik ka sa Villa Aurin dahil naaawa ka sa akin..." namamaos kong sabi bago tumigil.

Pakiramdam ko kapag nagpatuloy ako kaagad, mababasag na naman ang boses ko. Ayokong isipin niya na nagmamakaawa ako. I don't do that. Hinding-hindi ako maghahabol ng tao sa buhay ko.

If they wanna leave, then be it. I will never beg for their time, attention, and presence. I didn't ask them to enter my life in the first place.

Nilingon ko si Agosto na nakatitig na sa akin ngayon. Bahagyang nakaawang ang labi niya at magkasalubong ang kilay na tila prinoproseso pa ang sinasabi ko.

It was so pathetic of me––to cry in front of him when I knew myself that he's leaving. Agosto is too kind and empathetic. Natural lang na makaramdam siya ng awa.

Beyond Lies (Villa Aurin Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon