CHAPTER 37

76 4 5
                                    

Mabilis na naireport ang nangyari sa apartment ko. At ganoon din kabilis nagkaroon ng imbestigasyon. Kaliwa't kanan ang tinatawagan ni Agosto na hindi ko na malaman kung sinu-sino. I just heard him giving orders. And before I knew, we were already followed by a bunch of body guards riding in two SUVs.

"Hindi ka ba talaga nasaktan?"

"Nawawala ang laptop ko at relo," sagot ko imbes na sagutin ang tanong niya.

"The investigation is on going. You'll stay with me for the meantime," ani ni Agosto habang nagmamaneho. "Answer me. Are you really okay?"

I sighed heavily. Hindi ko na mabilang kung ikailang tanong niya na 'to. "Ayos lang ako."

Kalmado na ako at naproseso na ang nangyari. Napasok ang apartment at nanakawan ako. Ngunit hindi ko pa siya makumbinsi na pagnanakaw lang talaga ang motibo ng pumasok. Ayaw niyang ipagsawalang-bahala ang posibilidad na pwedeng mas malalim pa roon.

Nasa ibang lugar si Erisa at wala ngayon sa kaniyang condo. Pwede naman ako kina Thea at Sammy muna pero hindi pumapayag si Agosto na wala akong bantay. Now, we're heading to the company building where I could be comfortable.

"I don't think syndicates are still after me."

Nakita ko ang paghigpit ng kapit niya sa manibela. Hindi niya alam na alam ko ang bagay na iyon kaya batid ko ang pagkagulat niya.

"It's harmless to make sure," he said with determination.

Hindi siya ganoon kadaling baliin lalo na't pag-aalala ang nangingibabaw sa kaniya. Nang dumating kami sa kompanya, naiwan ang body guards sa baba. Samantalang kami naman ay dumiretso sa top floor. Hindi ko inaasahang makakabalik agad ako rito at lalong hindi sa ganitong dahilan.

We entered his office. My lips parted when he opened his secret room and asked me to come in. Pumasok ako at nilibot ang tingin sa kwarto. There was a king size bed, a side table, a huge cabinet, and a sofa on the side. I could only see white, black, gray, and wood.

"Don't worry. Dito ka at sa sofa sa labas ako matutulog."

"Hindi ka uuwi sa condo mo?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Sasama ka ba sa akin pauwi?"

Napalunok ako at mabilis na umiling. Kung nandoon ako, mukhang hindi siya papasok sa trabaho para magbantay. Maigi na rito.

"Ako na lang doon sa sofa sa labas. Dito ka na," presinta ko.

He just shook his head and proceeded to answering his phone. Lumabas muli siya ng opisina kaya naiwan akong mag-isa sa loob. Umupo ako sa malambot niyang kama at hindi maiwasang maisip ang nangyari.

Totoong natakot ako kanina ngunit nang sandali ko siyang makita sa labas ng apartment, unti-unting napawi iyon. Wala ni katiting na pagdududa kung bakit naroon siya. He was smiling earlier. He came back! He came back to me!

Uminit ang pisngi ko nang maalalang tinakbo ko ang distansya namin para yumakap sa kaniya. Ngayong iniisip ko iyon, hindi ko malaman kung ginawa ko ba iyon dahil takot ako o dahil ngayon ko na lang ulit siya nakita.

"Nanakawan ka na, nakangiti ka pa."

Autimatikong napawi ang ngiti ko at napahawak sa dibdib dahil sa gulat. Naroon na si Agosto sa pinto, nakahalukipkip at bahagyang nakasandal ang ulo sa hamba ng pintuan.

"H-Hindi ka man lang kumatok!"

Tinaasan niya ako ng kilay kaya natanto ko kung gaano kawalang kwenta ng reklamo ko. This is his room after all. At saka, saan siya kakatok? Sa pader ng opisina niya?

Beyond Lies (Villa Aurin Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon