CHAPTER 20

90 6 48
                                    

Binuksan ko ang baon ko ngayong araw. Nakalagay sa isang section ng lunch box ang kanin. Sa kabila naman ang ulam. Nagtagal ang tingin ko sa chicken curry na gawa ni Mama. Napaismid ako nang may maalala.

I set aside all my thoughts. Kung maiisip ko lang na naman siya, buong araw na naman akong lutang.

Nasa likod ako ng main building ng department namin kung saan may mga bench. Pinili ko yung bench na malayo sa karamihan.

Madalas naman ay sa cafeteria ako kumakain. Pero ngayong nalalapit na ang term exams, mas minabuti ko kumain sa mga tahimik na lugar kung saan ako makapagre-review pagkatapos kumain. This is the third time that I brought my own lunch.

Nagsimula akong kumain, iniignora ang ilang mga lalaking nakaupo sa ibang bench at tingin nang tingin sa akin. Wala akong panahon sa kanila. Bukas naman ay sa ibang lugar na siguro ako kakain kung may mauuna na rito sa pwestong ito. Ganoon din naman noong mga nakaraang araw, palipat lipat din ako. As long as the place allows me to eat peacefully.

Tinusok ko ng tinidor ang isang piraso ng manok. Nagtagal pa nga ang titig ko roon bago ko kainin. This isn't helping. Siguro dapat kong sabihin kay Mama na ayos na ako sa kahit anong ulam, 'wag lang chicken curry.

"May masama bang ginawang sa'yo 'yong manok?" 

Ngumuya ako nang marahan at tiningnan ang lalaking umupo sa tapat ko.

"Renz."

"Bakit parang ang sama ng mood mo?"

Tumaas ang kilay ko. "Anong ginagawa mo rito?"

Gaya ng dati, nakuha na naman niya ang atensyon ng mga babae na malapit sa amin. Lumalambot ekspresyon nila sa tuwing tumititig kay Renz tapos 'pag lumipat sa akin ang tingin, tila nagtataka at halos mandiri.

Hindi man lang ako nakaramdam ng iritasyon dahil sa inaasta nila. Wala akong balak magpaliwanag ng kahit ano. I don't like explaining myself to others. If they don't understand me, so be it. Hindi ko naman ikamamatay kung mali ang tingin nila.

"I'm sorry about the girls," ani Renz.

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Popular siya sa eskwelahan at marami ang humahangang babae, pero dumidistansya siya. May sapat naman sigurong rason.

"Kain," aya ko.

Ayaw ko naman maging bastos. Hindi naman ako pinalaking ganoon ng Mama ko.

"Thank you. Kumain na ako," nakangiting aniya bago nagmukhang seryoso. Pinatong niya ang dalawang siko sa bench. "Would you mind if I talk while you're eating?"

Umiling ako. Palagi naman niya akong kinakausap. Sawa na akong magtaboy.

"Thanks."

Umayos siya ng pwesto. Pero hindi siya nagsimulang magsalita. Mukhang nahihirapan siyang sabihin kung ano dapat niyang sabihin.

"Say it."

"It's about the favor I am about to ask you," he trailed off and looked away. "Nakakahiya."

Umiling ako at pinag-aralan ang ekspresyon niya. Mukha siyang problemado. "It's a deal, Renz. I owe you one."

May utang na loob pa ako sa kaniya dahil sa pagpayag niya sa date nila ni Eryn. Kaya matagal ko na hinihintay ang paghingi niya ng pabor. Ilang linggo na ang nakalipas, ngayon lang niya binuksan ang bagay na iyon.

"Pero sinabi ko sa'yong kahit walang kapalit."

"Just say it, Renz."

Napabuntong hininga siya.

Beyond Lies (Villa Aurin Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon