CHAPTER 11

105 8 59
                                    

Natuloy ang jogging namin ng weekend, ngunit ni hindi ko magawang lingunin si Agosto. Kapag nagtatama ang paningin namin, iiwas agad ako. Kahit na wala naman siyang binabanggit tungkol sa nangyari sa tindahan. Hindi naman siya nang-aasar o ano. Mababaw nga siguro ako.

But no one could blame me. I had striven hard to maintain that cold facade and dominating attitude! Just because of a freaking lizard, he saw my weakness! Can't you believe it? Dahil lang sa butiki, halos maglupasay ako sa harapan niya.

Malinaw pa sa alaala ko kung papaano ako tumalon at tumili paakyat sa sofa. Malayong malayo sa tahimik, malamig makitungo, at walang pakialam na ako. I literally showed Agosto a different side of me.

Wala naman akong kinatatakutang iba. Ayoko lang sa palaka, ahas, tsaka sa butiki. Minalas nga lang ako dahil siya mismo ang kasama ko sa tindahan nang mangyari ang kinatatakutan ko.

Sa dami kasi ng babagsakan ng butiki, bakit sa akin pa?

Nagsimula na ang pasukan. At kahit maaga akong nagigising para maghanda sa pagpasok, mga alas singko, hindi ko pa rin naabutan si Agosto. Pagkagising ko, nakaalis na siya sa tindahan. Tapos gaya rin ng dati, gabi na siya umuuwi.

Kapag nag-aaral ako sa kwarto, minsan, naririnig ko pa ang pagbubukas ng gate. Pero hindi na ako sumisilip sa bintana. Bakit ko gagawin iyon? Wala naman akong mahalagang sasabihin sa kaniya.

Dinadaaanan ko rin si Maui sa kanila para sabay kaming pumasok tuwing umaga, pero ni isang beses, hindi ko nakita sa kanila si Agosto. Siguro ay nasa loob siya ng bahay o di kaya ay nasa talyer.

Nagtuloy iyon ng buong isang linggo. Hindi kami nagpapang-abot. Abala siya sa trabaho, samantalang abala naman ako masyado sa mga klase ko. Kaya wala akong panahon para isipin pa iyon.

"Partner na lang tayo?" Renz asked.

Unang linggo pa lang ng klase, nag-anunsyo na agad na magkakaroon ng reporting sa isang minor subject next week.

I sighed and nodded.

Ito ang mahirap sa kolehiyo, dapat marami kang kaibigan para madali makahanap ng kagrupo. And obviously, I wasn't a social butterfly. I was even confused why I took this program. This career path would require me to communicate effectively but I still found myself choosing it.

Dapat pasalamatan ko nga si Renz dahil nag-aalok pa siya maging kagrupo ko kahit halata namang tamad akong makipag-usap.

I was not planning to be a burden, though. 'Di naman ako pabigat sa groupings. Paghahanap lang ng kagrupo ang mahirap. Pero sa mga gawain, nakikihati ako.

Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw dahil sa pagiging abala sa ekswelahan, pagtulong sa tindahan kapag may libreng oras, at pag-aaral sa gabi. Maayos naman ang naging unang linggo ko sa klase. Wala namang naging problema kahit may munti akong kaba para sa ilang subjects ko ngayong taon.

Dumating ang Sabado. Medyo nainis pa ako sa sarili dahil hindi ako nagising sa alarm kaya naman gumising akong maliwanag na. Dapat tumutulong na ako sa tindahan pero anong ginagawa ko? Tirik na tirik na ang araw pero nakahilata pa ako sa kama.

Agad akong bumangon at bumaba ng hagdan para maghilamos at mag-almusal. Napansin ko nga lang na walang tao sa baba. Sigurado akong nasa tindahan na si Mama. I went to the comfort room to start my morning routine.

Nasapo ko nga lang ang noo nang umihi. Hindi ko man lang naalala na kabuwanan ko. Umagang umaga pa lang, 'di na maganda ang araw ko. Dapat ko na nga lang siguro ipagpasalamat na ngayon ako dinalaw at hindi sa mga araw na may pasok.

Agad akong naglinis ng katawan. Hindi ako nakapagdala ng damit sa banyo kaya wala akong choice kundi ang magtapis lang ng tuwalya. Lahat na lang ng kamalasan ay napunta na sa akin!

Beyond Lies (Villa Aurin Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon