CHAPTER 27

80 2 24
                                    

I could feel my racing heart as nervousness consumed me. After all the things that happened yesterday, I still found myself being here today... on his floor.

Sinadya kong mas agahan ang pagpasok para mauna sa kaniya. Maaga siyang pumasok kahapon kaya ngayon, alas sais pa lang ay nasa trabaho na ako para makasiguro na ako mauuna sa opisina. Matagumpay ko naman nagawa iyon.

I checked his office. Tiningnan ko kung may dapat ba ako linisin. Kung may nakakalat na mga papel o may masasalat ba akong alikabok, pero wala. He's really neat and organized when it comes to his things.

Nagwalis lang ako sa opisina niya tapos lumabas na rin para maging pamilyar sa ibang parte ng palapag. His office was really spacious. Mas malaki pa sa pinagsamang kusina at living room ni Erisa sa condo niya.

There was a small meeting room across his office. He has his own gym. And a pantry, too, just beside his office. At kasalukuyan akong nasa pantry para magtimpla ng kape. Tatlumpung minuto na ang nakalipas simula nang dumating ako rito. Kaya alam kong hindi magtatagal, susulpot na siya.

Habang naghihintay, bumabalik sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Erisa kagabi. Wala rin talaga siya ideya na nandoon si Agosto. Ni hindi niya alam kung ano nangyari sa amin sa nakaraan kaya hindi niya inakalang CEO pala siya ng kompanya.

"Mas lalong gumwapo?"

"Mas lalong gumaspang ang ugali," pagtatama ko.

"Pero hindi tinangging mas gumwapo nga," aniya at humagikhik.

Umirap ako. "Attitude over face, don't you think?"

"Wow. Coming from someone who's so kind," she said with sarcasm.

"Sabi mo masama ang ugali sa empleyado?" bulong ko.

"Huh?"

"W-Wala."

"Seriously, Castle. Paano kung mali pala talaga panghuhusga mo? Hindi ko alam kung ano nangyari sa inyo dalawa sa past, but maybe it is too heavy that you find it easy to put all the blame on him."

Mabilis akong bumalik sa realidad nang makitang dumating na si Agosto. Our eyes met but it didn't last. Iniwas niya agad sa akin ang tingin at nagdire-diretso na papasok sa opisina niya. I took a deep breathe before tailing him.

Bubuksan ko pa lang pinto ng opisina niya, namilog ang mata ko nang lumabas na siya agad. He was wearing gray hoodie, sweatpants, and running shoes. I instantly knew where he was going. Oh, that's why he was always early.

Tinaasan niya ako ng kilay nang humarang ako sa daan. Napaatras ako at gumilid. Nilampasan niya ako at dumiretso sa gym.

Napailing na lang ako at sumunod. Galit panigurado. Palagi naman niya natitiis ang mga salita ko, kahapon lang 'yong hindi. He even walked out.

Agosto was warming up when I entered the gym. Nakatalikod siya sa akin pero alam kong dama niya presenya ko kaya naman pumunta na siya sa treadmill.

"Good morning," I greeted. Narinig niya pero hindi siya sumagot. Not that I expected him to greet me back. "Uh... I would like to know your expectations, your likes, dislikes... so I can do my job properly."

Still no response.

"Unang beses kong magkakatrabaho ng ganito..." bulong ko, kausap ang sarili. I bit my lowerlip. Tinitigan ko siya. "I'd appreciate it if you could at least be kind enough to respond."

"I'd appreciate it, too, if you could at least wait and let me have my morning routine first," suplado niyang sagot habang hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin.

Beyond Lies (Villa Aurin Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon