Nauubusan na talaga ako nang pasensya dito sa reception. Kanina pa ako pabalik-balik sa may entrance. Halos nalibot ko na nga ang buong function hall nang Montemayor Global pero hindi ko pa rin mahanap sina Kim at Jam.
Pagkatapos kasi nang mass sa maliit na chapel nang Montemayor Medical Center, sinundan agad yun nang blessing saka cutting of ribbon. After naman nang ribbon cutting deretso na kami dito sa function hall ng Montemayor Global para sa reception.
At kanina pa ako naririndi dito sa mga kasama ko sa table kasi wala silang ibang alam na topic kundi yung mga usual na chismis sa mga artista, bagong trending na mga dress, yung tungkol sa pagalis nang isang myembro sa 1D at kung anu-ano pang walang kakwenta-kwentang mga bagay. Haaayy what should I expect dito sa mga pinsan ko? Eh wala namang alam gawin ang mga 'to kundi abangan ang buhay nang mga paborito nilang artista.
'Asan na ba kasi sina Kim?' Naiinis kong tanong sa sarili ko. Sa lahat nang mga pinsan ko silang dalawa lang yung nakakausap ko nang matino at mas intelectual, lalong lalo na si Kim. Matalino din kasi yun eh. Si Jam naman, maraming alam yun sa buhay kaya naman mas gusto ko silang kasama simula pa man noong mga bata pa kami.
"Ate Dani, di po ba sa UP kayo naggraduate?" Tanong ni Thea, panganay na anak ni Tito Marcus. The sweetest among my cousins.
She always love to cuddle with me everytime na nasa mansyon ako at wala din syang lakad. Namana nya yung pagiging sweet and caring nang Dad nya. Close din kami ni Tito Marcus dati eh. Actually sa kanya lng ako close sa lahat nang mga kapatid ni Mommy. Mabait kasi sya at cool lang. Yung tipong mahaba ang pasensya at hindi madaling maginit ang ulo, isa sa mga normal na katangian nang isang Montemayor.
"Yup." Maikling sagot ko.
"Eh di po na-meet mo na personal si Bersola? Si Tiamzon?" Kinikilig na tanong nito. Perks of being teenager.
"Yeah."
"Oh my gosh! So how was it being with them?" Isa pa 'tong si Chloe eh. Sarap pag untugin nitong dalawang 'to.
Si Chloe naman yung pangatlong anak at bunso sa babae ni Tito Lean. Matanda lang ako sa kanya nang isang taon pero as far as I can remember, never kami naging close dati kasi masyadong maarte eh. Nakakainis lang minsan.
"Nope. Nakakasalubong ko lang sila minsan sa campus but I don't really know them at all. We're not friends. So I don't know." Walang gana kong sagot sa kanila.
"Ganun? Eh halos lahat kaya gusto silang maging friends? Di ba varsity sila sa school nyo?" Kulit pa ni Thea.
"Well, sweetie, I'm not that average girls who swoon for those bunch of varsity stars."
Magtatanong pa sana sila nang biglang may mahagip yung mga mata ko na nagpainit nang ulo ko. Tama ba 'tong nakikita ko? Shit lang! Ang dali naman nyang maka-move on ha. Parang kanina lang sa seawall sinabi nyang mahal nya ako tapos ngayon makikita ko na may kalandian syang iba? WTF!
Marahas akong tumayo sa kinauupuan ko na ikinagulat naman nang mga kasama ko.
"O Ate Dani, saan ka pupunta?" Maang na tanong naman ni Paolo. Bunsong anak naman ni Tito Robert.
"Somewhere..."
Naglakad na ako papunta sa direksyon ni Tala at nang lalaking kalandian nya. Makikita talaga nang babaeng ito sakin ang hinahanap nya. Aba at may pahampas-hampas pa sa balikat 'tong gagang 'to ah. Nananadya ba sya?
Akmang aakbayan na sana sya nung lalaki nung maagapan ko ang kamay nung walang hiyang lalaki. Kunot-nuo naman nitong tiningnan ang kamay ko na nakahawak sa braso nya.
"Don't you ever put your filthy hands on Krystal's shoulder." Nanggigigil kong babala dun sa lalaki.
"What? Who are you? Her girlfriend? Hahaha." Sarkastikong tawa nito. Aba at hinahamon siguro ako nang kulugong ito ah. Hindi ba nya ako kilala?
BINABASA MO ANG
My Life Saver ; My Home (girlXgirl)
ChickLitSa mabilis na pagusad ng panahon, how would a self-centered, stubborn, reckless, hard headed Danielle Montemayor-Fuentes cope up to the only thing that is constant in this world...change? How long does it takes for her to realize that she's not livi...