Chapter 11

5.6K 184 4
                                    

"Baby, okay lang ba sayo na ipakilala kita sa mga pinsan ko?" Basag ko sa katahimikang namamayani sa amin ni Krystal dito sa loob nang kotse ko.

Nagbabyahe na kami pauwi nung tumawag si Kim at sinabing imbitahan ko daw si Krystal na sumama samin para daw mameet na nila officially. Alam na kasi nila na nagpaalam na ako kay Krystal na liligawan ko sya. At syempre pa mas naexcite pa yung dalawa kesa sakin kasi daw for the first time manliligaw ako. I know right! That is so out of my league.

Nung una ayaw pang pumayag ni Krystal nung magpaalam ako sa kanya kasi baka naman daw naguguluhan lang ako at paniguradong makakalimutan ko din daw sya kapag natapos na ang bakasyon ko dito. Pero syempre alam naman nyang kahit hindi sya pumayag, susuyuin at susuyuin ko pa din naman sya hanggang sa mahalin din nya ako.

And how can I forget her? Not a chance. Naging napakamemorable nitong bakasyon ko nang dahil sa kanya kaya never ko syang makakalimutan.

After nung surprised birthday nya para sakin, we opted to stay there and watch the sunrise together. And how amazing is that? Experiencing sunrise in Boracay is memorable and one of a kind but having that experience with the person who's the only reason for you to wake up every morning was somehow, something that is magical. Something that can never be taken away from you.

Pagbalik namin sa cottage naligo lang kami at nagprepare papuntang West Cove as what I have planned. Sobrang ganda dun at sobrang romantic. Dun ko na din sa kanya sinabi na gusto ko sya at liligawan ko sya. We spend the whole day there making memories out of it.

At syempre pa hindi nawala yung pictorial namin. Para saan pa at may dala-dala syang dslr. Pero hindi ako pumayag na ako lang palagi ang subject nya. Syempre panaka-naka ay inaagaw ko sa kanya yung camera nya at kinukuhanan kaming dalawa. Sobrang nagenjoy talaga ako sa trip naming ito. And imagine napanindigan ko yung 'wholesome trip' naming ito. Something that I can be proud of.

I look at her in the rearview mirror and saw her weary eyes. Teka...may problema ba sya? Kanina pa sya gloomy at tahimik.

"Krystal?" Pukaw ko sa pananahimik nya. Pero parang wala lang syang narinig.

Tumingin lang sya sa labas nang bintana at tila may malalim na iniisip. Maya't-maya din ang check nya sa phone nya.

Napansin ko kanina pa sya wala sa mood simula nung magcheck out kami. Masaya pa naman kami kanina paggising namin. Pero nung pabalik na ako sa pwesto nya after kung bayaran yung bill namin eh nagbago na yung mood nya.

Malakas ang kutob ko na dahil 'to dun sa kung sinomang kausap nya sa phone nya. Pagkababa nya kasi sa phone nya, parang naging uneasy. Napabuntong-hininga pa sya nang malalim at tila may malalim na iniisip. At heto nga, tulala na dito sa loob ng kotse.

"Krys..." Pukaw ko uli sa kanya.

Agad naman syang napalingon sa akin nung hawakan ko ang kamay nya. There's something in her eyes na hindi ko mawari.

"Ahh sorry, Dani ha. Ano nga uli yun?" Nahihiyang tanong nya sakin.

Napabuntong-hininga ako.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik."

Tumango lang sya saka umiwas nang tingin sakin nung magsalubong ang mga mata namin sa rearview mirror.

"Okay. As I was saying, lalabas kami nila Kim at Jam mamaya to celebrate my birthday. You wanna come? Para naman makilala ka na nila." Aya ko sa kanya.

Agad naman syang napabaling sakin. I not sure, maybe it was just me pero ramdam ko yung tensyong nararamdaman nya. I don't know where did it came from but she seems uncomfortable this time.

My Life Saver ; My Home (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon