Chapter 5

7.1K 178 0
                                    

"Sis....oh may lakad ka?" Bungad ni Kuya Felix pagkapasok na pagkapasok nya sa kwarto ko. Hindi na ako nagabalang magangat ng tingin at inayos ko na lang ang pagkakasintas ng sneakers ko.

Nagmamadali na ako kasi baka naman mapagod na sa paghihintay ang date ko. 'Well, date talaga?' hahaha. Natawa na lang ako ng palihim sa naisip ko. Ewan ko ba pero sa sobrang excitement ko sa lakad namin ngayon ni Krystal, madaling araw na tuloy ako nakatulog sa kakaisip sa kulay tinunaw na tsokolate nyang mga mata.

I raised my gaze to Kuya Felix who were just standing right in front of me waiting for answers.

"I'm going out. I'm not gonna spend another meal with Leon again. Sorry Kuya, I just can't stand him." Tumayo na ako and grabbed my jacket on the couch.

Akmang lalabas na ako ng kwarto when he grabbed my wrist. 

"Sis, it's sunday."

"I know." I just snapped.

 "And where do you think you're going?" Nakataas ang kaliwang kilay na tanong nya sakin na hindi binibitawan ang kamay ko.

"Out. Mag-eenjoy!" Nakangisi kong sagot sa kanya saka dahan - dahang inalis ang kamay nya sa mahigpit na pagkakahawak sakin.

Pero bago pa man ako tuluyang makalabas, kusa akong napahinto sa huling sinabi nya.

"I can't just let you go sis. Siguradong hahanapin ka nila sa party mamaya. Hahanapin ka nila Kim." Malumanay na paalala ni Kuya Felix.

Shit. Oo nga pala. Ngayon nga pala yung welcome party ni Leon sa mga apo nya na sa malayong lugar nagaaral at nagtatrabaho, which at first I thought was their renewal of vows. Napatanga na lang ako sa may pintuan nang dumaan sa harap ko si Kuya.

"Kuya---".

"No, Dani. Skipping meals with the oldies were not okay with me but I can manage tolerating it. Pero ang piliing gumala kesa sa umattend ng party mamaya, it's a NO." He said with conviction, cutting me off as if I have really no choice at all.

"But Kuya kasi..."

"Sis, wag ngayon okay? Palitan mo yang damit mo ng medyo maayos ayos naman. Be ready in an hour. I'll wait for you downstairs, okay?" Paalam na nya sabay tapik sa kaliwang balikat ko.

"But Kuya I can see nothing wrong with my clothes."

"Okay then! Whatever comforts you. But at least padaanan mo naman ng suklay yang buhok mo. I'll wait for you downstairs."

Wala na akong nagawa nung tuluyan ng bumaba si Kuya. I know I can't mess up with him right now. Pero kung sasama ako sa kanya sa party, paano na si Krystal? Baka magalit yun kung di ako makarating.

Shit! Naman oh! Bakit di ko man lang kinuha yung number ni Krystal kahapon para at least man lang makapagabiso akong hindi makakarating sa usapan namin. Ang tanga ko talaga kahit kelan. Hindi naman pwedeng hindi ako sasama kasi sigurado magagalit sakin si Kuya pag sinuway ko sya.

Bahala na. Makikiusap na lang ako kay Kuya na dun padaanin yung sasakyan sa may gate ng Univ. Bakasakaling andun pa si Krystal. Nagmental note na lang ako na sa susunod naming pagkikita, hihingin ko na talaga yung number nya.

Pero pagdaan namin sa may gate eh wala na sya. Walang Krystal na naghihintay. Napagod na siguro at umuwi na. Isa pa yun eh. Ni hindi ko man lang alam kung saan sya umuuwi. Nakakainis talaga. Bad trip. Napabuntong hininga na lang ako sa backseat ng Montero ni Mommy. Bukas ko na lang sya kikitain.

"Sige na Kuya. Deretso na lang. Wala naman na sya." Malungkot kong turan.

"Sino ba kasi sana yang kikitain mo?" Nagkasalubong ang mga mata namin ni Kuya sa rearview mirror pero mas pinili ko na lang na wag ng sabihin sa kanya ang tungkol kay Krystal. Wag muna ngayon kasi nababadtrip pa din ako eh.

My Life Saver ; My Home (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon