"Ma'am Dani, good morning po." Bati agad ni Tina pagdilat nang mga mata ko.
"'Morning. Kanina ka pa ba dyan? Anong oras na?" Tanong ko habang nagiinat pa. Tumayo na ako at agad tinungo ang banyo para maghilamos at magmumog.
Pagbalik ko andun pa din si Tina nakatayo sa gilid nang kama ko.
"Ahh hindi naman po Ma'am. Hinatid ko lang yung pagkain nyo po. Saka nagdala na din po ako nang aspirin para po sa hangover nyo." Sagot nito sabay turo sa tray na may lamang pagkain sa side table ko.
"Okay. Leave it there. Ako na magdadala nyan sa kusina."
Umalis na si Tina at lumabas na nang kwarto. Kumain muna ako nang konti saka ininum yung aspirin. Ang sakit talaga nang ulo ko. Naparami kasi yung nainom namin ni Jam at Kim kagabi.
Oo nga pala kailangan kong makausap si Kuya. Marami syang ipapaliwanag sakin. Hinanap ko yung phone ko at pagkakita sa oras agad akong napatayo sa pagkakaupo ko sa kama. Shit! Seryoso? Wala man lang nag dare na gisingin ako? It's freakin' 2:00 pm na!
Agad akong pumasok uli sa banyo at mabilis na naligo. After 15 minutes tapos na akong magayos. Kinuha ko lang yung cellphone ko at agad na kumuha nang jacket sa closet. Paglabas ko nang room, agad kong nakita si Kuya Felix na kadarating lang.
"Ohh sis gising ka na pala. May lakad ka?" Tanong nito nang mapansin sigurong bihis na bihis ako.
"Yup! Pero maguusap tayo mamaya. You got a lot of explaining to do Kuya?"
"Explaining?" Nakataas ang kilay na ulit nito.
"Oo. Alam ko na kung bakit mo ako iniuwi dito." Sabi ko saka tumalikod na.
"Oh really? Then why not we talk now?" Sabi naman ni Kuya at itinuro pa ang bakanteng sofa.
"Not now Kuya. May kikitain pa ako." Tuluyan na akong tumalikod at mabilis na nilakad yung daan papuntang univ. Pagdating sa may gate halos habol-hininga akong tumigil at agad na inilibot ang mga mata ko. Pero hindi ko makia ang hinahanap ko. Naghintay muna ako nang ilang sandali.
Umupo muna ako sa gilid nang sidewalk at naghintay. 'Krystal, nasaan ka na ba?' After an hour na wala pa sya, I got up saka lumapit sa may guard house.
"Ahh Manong, pwede magtanong?" Tanong ko dun sa gwardyang nakaduty.
"Ano yun, iha?"
"May napansin po ba kayong cute na babae na pumasok sa univ? May kaliitan sya, siguro po mga nasa 5ft yung height nya. Medyo may kapayatan, mahaba at medyo wavy yung buhok. At lagi pong may dalang camera."
"Ahh si Krystal ba ang tinutukoy mo?" Tanong nung gwardya.
"Opo. Kilala nyo po sya?"
"Oo naman. Naku lagi yung bumibisita sa groto eh. Andito sya kahapon. Mga ilang oras din syang tumambay dito sa gate eh mukhang may hinihintay. Pumasok sya sa loob pero di nagtagal eh lumabas din. Ginabi na nga nang uwi yung batang yun eh." Sabi pa nito.
"Ahh eh ngayon po? Napansin nyo po ba kung pumasok sya?" Medyo nagalala ako dun sa huling sinabi nya na ginabi na nang uwi si Krystal. Malamang ako yung hinihintay nya. At malamang din baka nung dumaan kami dito kahapon ni Kuya eh nasa loob sya nang univ.
"Ay naku iha, hindi pa eh. Bakit mo nga pala sya hinahanap?" Tanong naman nito sakin.
"Ah wala naman po. May itatanong lang sana ako sa kanya. Sige po Manong antayin ko na lang sya saglit." Tumango naman ito. Bumalik na ako sa pwesto ko saka naupo uli sa may sidewalk. Ilang oras din akong naghintay pero walang Krystal na nagpakita.
BINABASA MO ANG
My Life Saver ; My Home (girlXgirl)
Chick-LitSa mabilis na pagusad ng panahon, how would a self-centered, stubborn, reckless, hard headed Danielle Montemayor-Fuentes cope up to the only thing that is constant in this world...change? How long does it takes for her to realize that she's not livi...