"Good morning, Young Lady. Welcome back to the Philippines." Masayang bati sakin nang mga pinsan ko na sumalubong sakin sa Montemayor Global.
"Goodmorning." Ngiti ko sa kanila.
Inilibot ko muna yung paningin ko sa kabuo-an nang garden kung saan kumpleto halos ang buong pamilya ko na nagabang sa pagbabalik 'Pinas ko. Maraming nakahandang pagkain at inumin. Hindi naman sila masyadong excited sa pagbabalik ko ah. May welcome party pa talaga!
Nagpakawala na lang ako nang isang malalim na hininga out of frustration nung hindi ko makita ang partikular na tao na gustong gusto kong makita pagbalik ko. 'She's not here!' Ano pa ba ang aasahan ko? Like what Jam always say, marami nang nagbago simula nung magdesisyon syang iwan ako at piliin ang mas magandang buhay malayo sa akin.
Anim na taon na simula nung huli kaming magkita at maghiwalay nang landas pero ang sugat na iniwan nya ay sariwa pa rin sa akin hanggang ngayon. And I think I can't do anything about it.
Sobrang tagal na nang huli ko syang makita. Pero hanggang ngayon namimiss ko pa din sya. Hanggang ngayon sya pa rin ang hinahanap-hanap ko sa panaginip ko. Hanggang ngayon, sya at sya pa rin. Wala pa ring nagbago sa nararamdaman ko.
"Looking for someone?" Nagulat naman ako sa nagsalita sa likuran ko.
"Jam! Nakakainis ka. Ginulat mo naman ako."
"Eh paano kasi ang lalim na naman nang iniisip mo. Kanina pa yan sa van ah." Concerned naman na tanong nito.
Ngumiti na lang ako sa kanya para hindi na sya magworry. Jam's been my constant companion eversince I leave Philippines 5 years ago. Kahit na nandito sya sa Pilipinas, parang hindi rin kami nagkahiwalay na magpinasan kasi lagi naman kaming naguusap sa kahit anong klaseng social media. Thanks to the so called 'internet'. It brings people closer. Na kahit ilang milya pa ang layo nang California ay parang di naman ako lumayo sa Pilipinas.
Every birthday ko din at Christmas ay lagi din akong binibisita nina Kuya Felix at Stephen dun. Pero mas madalas bumisita sina Kim at Jam especially on my birthday. Gusto kasi nila lagi kong i-celebrate yung birthdays ko.
"Naisip ko lang, Jam. Sobrang dami na nang nangyari simula nung umalis ako dito at mamuhay sa California. Kahit na napakaraming malulungkot na nangyari sa buhay ko 5 years ago masaya pa rin ako dahil kahit papano na let go ko na yung hatred ko sa lugar na 'to lalong-lalo na kay Lolo." Baling ko sa kanya.
At hindi nakaligtas sa akin yung tila nangaasar nyang ngiti pagkarinig nya sa huling sinabi ko. Kahit ako din minsan hindi pa rin ako sanay na tawagin uling Lolo si Don Leon. Nung una nga eh medyo na-awkwardan pa ako na tawagin sya uling Lolo.
Nung mga panahong sobrang down na down ako, dun ko napatunayan kung gaano ako kaimportante at kung gaano ako kamahal ni Lolo. He literally never leave my side. Hinayaan nya lang akong umiyak nang umiyak hanggang sa nakakatulugan ko na lang ang sobrang pagiyak. Sinasamahan nya din akong magbar at magsunog-baga. Lagi nya din akong sinasamahan nun sa seawall para ilabas yung mga hinanakit ko. He also listens to my never ending sentiments. Halos isang taon din akong ganun bago nagdesisyong ayusin yung buhay ko sa States. I lost control of myself that I almost closed to destroying my own life.
At yung pinaka hindi ko makakalimutan nung mga time na yun, hinayaan nya akong umalis nang Pilipinas. Hinayaan nya akong ayusin ang sarili ko dun. Sabi pa nya sakin nun,
"Go, Danielle if you think you must. I know running away isn't the answet but what's the use of staying here anyway if I'll only see everyday destroying yourself? Ayusin mo ang buhay mo. Hihintayin kita dito kahit gaano pa katagal abutin yang pagaayos mo nang sarili mo."
BINABASA MO ANG
My Life Saver ; My Home (girlXgirl)
ChickLitSa mabilis na pagusad ng panahon, how would a self-centered, stubborn, reckless, hard headed Danielle Montemayor-Fuentes cope up to the only thing that is constant in this world...change? How long does it takes for her to realize that she's not livi...