Chapter 23

4.9K 145 7
                                    

Current time...Montemayor Manor

Pangalawang araw ko na 'to dito sa mansyon simula nung dumating ako mula sa California. Pangalawang araw ko na ding tinititigan yung mga papeles na binigay sa akin ni Migs nung welcome party. At hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Kung dapat ko ba itong ikatuwa o dapat ko na lang ba 'tong kalimutan.

Hanggang ngayon rin kasi wala pa akong pinagsasabihang iba. Wala pang may ibang nakakaalam maliban kay Migs at Nika. Kahit kay Jam at Kim hindi ko magawang sabihin. Natatakot kasi ako sa maaring mangyari.

Pero meron din namang part nang systema ko na natutuwa dahil sa nalaman ko pero hindi ko magawang lubusang matuwa dahil kung i-eentertain ko yung idea na 'to, malaki ang posibilidad na mawawala sa akin ang kung anumang kapayapaan meron ako ngayun.

Masyadong malaki kasi yung impact sa lahat at di ko alam kung kakayanin ko yung maaaring mangyari kapag malaman nang lahat yung nilalaman nang mga papeles na 'to.

"Dani, anong plano mo dyan?" Pukaw sakin ni Migs sa pagkakatulala ko sa hawak-hawak kong mga papel.

"Hindi ko alam."

"Wala ka bang planong kumprontahin ang Mommy mo?"

"Hindi ko alam, Migs."

"Papanong hindi mo alam? Buhay mo 'to, Danielle. Nakasalalay dito ang kaligayahan mo. Ang future mo. You should do something about it."

"Papaano? Ano, sisirain ko na naman ang buhay na meron ako ngayon para lang sa pansarili kong kaligayahan? Migs, ni hindi ko alam kung pagkatapos kong ikumpronta si Mommy, hindi ko alam kung makukuha ko nga ang kaligayahang inaasam ko. Iba na ang sitwason ngayon,Migs."

"So ano? Hahayaan mo na lang na lokohin ka nila habang buhay? Hahayaan mo na lang na ganito ka?" Giit pa rin ni Migs.

"Eh ano ba ang dapat? Sasabihin ko? Tapos ano? Magbabago na naman ang lahat."

Kung magbago man ang lahat, Danielle at least magbabago 'to para sa katotohanan."

"Katotohanan nga ba? Paano kung meron pa akong hindi nalalaman? Migs, natatakot na ako para sa sarili ko. All my life I didn't know I was living in a lie. Alam mo ba kung gaano kasakit yun Migs? Sobrang sakit nun para sakin."

"Kaya nga. Don't you think you deserve to know everything? Dani, hindi ka na bata na pwede nilang paikutin. You should stand up for your life."

"Pero ayoko na uling makaramdam nang galit, Migs. Ayoko na uling pagdaan yung nangyari dati." Malungkot kong turan sa kanya.

Sa totoo lang yun yung kagabi ko pa pinagiisipan. Kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman sa nalaman ko. But nevertheless, I still feel empty.

"Pero Dani, this is what completes you as a person. Kaya mo bang habang buhay na magpretend that you know nothing? Ano ba ang mas ikinatatakot mo? Yung katotohanang you have one last shot sa unrequitted love mo o ang katotohanang hindi ka isang Fuentes?" Malakas na pagkakasabi ni Migs.

Pinanlakihan ko nga nang mata. Baka kasi may makarinig na iba. Hindi ko pa kayang harapin ang maaring mangyari kapag nagkabukingan na.

"Bibig mo, Miguel. Baka may makarinig pa sayo." Saway ko sa kanya sabay irap.

"Okay. Okay. Okay. Calm down. Naaawa lang ako sayo kasi you deserve more than this. You deserve to be happy."

"I am happy, Migs. Okay? Masaya naman ako sa kung ano meron ako ngayon." Bawi ko naman agad sa kanya.

"I know. But we both know that you could be more happier with her." Pilit pa rin nya sa idea nya.

"Maybe. Pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon, Migs. I'm so over this situation." Sabi ko sa kanya tapos nahiga na ulit sa kama ko.

My Life Saver ; My Home (girlXgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon