Chapter 5

27 5 4
                                    


I Saw Stars

Nang nakatulog na ang kapatid ni Zara ay lumabas na ako ng kwarto. Wala na pala si Tita at inasikaso ang anak. She went to do an autopsy test with her sister, hindi rin ata sila kumbinsado sa pagkamatay ng kaibigan ko. Everything was.. confusing for her.

"Royce," umupo ako sa tabi niya sa sala. He smiled sadly. He didn't respond but he made sure that he seemed interested. Sinundan ko na ang sinabi ko, "You should go home, kami na rito."

Noong una ay ayaw pa niyang bumigay. Tumagal kami sa paguusap dahil kailangan ko siyang paniguraduhan na maayos lang kaming dalawa ni Ria rito. Kalaunan ay bumigay narin siya at nagbilin na mag-iingat daw kami. Tinanguan ko lang siya, bago niya ako suklian ng yakap. "Take care."

I also said sorry for what happened earlier at ayos lang daw iyon. Sinabi niya na lalabas nalang kami sa susunod na maayos na ang lagay ko. My heart was grateful of him being this understanding. It made me like him more. Nang marinig kong umalis na ang kaniyang sasakyan ay bahagya akong huminga ako ng malalim. Hating-gabi na pala nang lingunin ko ang orasan.

"Astrid, may band-aid ka ba diyan? May sugat na pala ang paa ko." bulong ni Ria. She removed her chunky heels to reveal her bloody ankle. Ikinagulat ko ito dahil hindi ko naman alam kung saan siya nagpunta kanina bago dito, o anong ginawa niya. Mukha narin siyang pagod na pagod. "Wash your feet first, lalabas ako para bilhan kita. Dadaan nalang ako sa drugstore malapit dito. Kaya mo na ba si Yuma?"

"Oo, I often see how Zahara keeps her brother asleep before, ako na ang bahala."

Sinuot ko na uli ang sandalyas ko at tumayo na. She also requested for coffee, para daw gising lang kami. It's already 2 AM in the morning. Kahit ako ay dinadalaw narin ng antok, pero hindi kami pwedenh magsi-tulog ngayon. Not now.

Nang makarating ako sa drugstore ay nakakita ako ng mag-isang lalaki na nakatulala. Noong nakita ko kung sino ay muntik akong humagalpak sa tawa, para siyang ligaw na bata. "Cain?"

Pasubo na sana siya sa kinakain kaso tinawag ko bigla. He looked offended and disappointed! "No, go ahead kumain ka muna, I was just surprised to see you here." Habol ko lang at nagpipigil ng ngiti dahil sa nakita. What is he doing here at this hour?

Nang nakakain na siya ng ilang subo ay sumagot siya, "Anong ginagawa mo dito? Alas dos na ah, iniwan ka ng boyfriend mo?" Tanong niya. Bumagsak agad ang ekspresyon sa mukha ko. "Boyfriend ka diyan? Puyat lang yan! Tsaka, ako dapat ang nagtatanong kung bakit ka nandito.."

Wala akong nagawa kundi ma-stuck sa kwentuhan naming dalawa. Hindi rin nagtagal ay naikwento ko narin ang nangyari kanina. Cain seemed like the type of guy that never snitches, so I felt like it was okay to tell him everything.

"My condolences." I smiled sadly at him. Nagkwentuhan lang kami ng ilan pang sandali pagkatapos ko bumili ng mga kailangan namin ni Azaria at Yuma, saka namin napagdesisyunang umuwi. He was done eating by then, so he insisted to accompany me back to the house.

"How about you and Royce? Anong nangyari?" Mas lalong kumabog ang puso ko sa tinanong niya. Naalala ko agad yung nangyari kanina, I can't help but feel bad for Royce too. "Nothing. Kumakain kami nung tumawag si Ria. After that, I wasn't able to process anything. Nag-blur na ang lahat." He sighed. "I bet it's hard, I'm sorry Cass."

I nodded and smiled. Well, it already happened. Wala naman akong magagawa. "Oo. At mas lalo lang rin akong nasaktan nung naalala ko yung mga araw na nangako akong dadamayan ko siya. Seems like I wasn't able to fulfill my promise." Bumigat nanaman ang pakiramdam ko kaya napatigil akong maglakad. Nakaramdam naman ako ng akbay sa balikat ko at tinignan siya.

"It's not like you don't want to fulfill your promise. Ayaw lang talaga ng mundo na magawa mo yung kailangan mong gawin," Tinignan niya ako at ngumiti. Tumingala ako para makita ng buo ang kaniyang mukha, "So don't be harsh on yourself, Cass. You don't deserve the hatred you're putting on yourself, at mas lalong ayaw ni Zara na sinisisi mo ang sarili mo."

"You know what Cain? That made me feel a little bit better. Thank you." Nagtaas ako ng kamay at binigyan siya ng thumbs up. Tumawa lang ito sa'kin, "No need to thank me. Hangga't kailangan mo ako, mananatili ako."

Napangiti ako, and he smiled back. I was mesmerized by how beautiful his eyes were. I saw stars. It was magnificent.

"We're here." Nagulat ako sa sinabi niya kaya nagpaalam na ako. Ayoko ring makita niya na napatagal ang pagtitig ko sakaniya. Baka iba ang isipin niya. Nang makapasok ako sa bahay ay nasimulan kong naramdaman ang pagod, bumigat agad ang binti ko at wala na akong ibang gusto kundi humiga.

I cursed inside my head before giving the band-aids to Ria na kanina pa pala naiinis. "Akala ko hindi ka na babalik! Anyway, magpahinga ka muna, wag mo alalahanin yung bata." Hinaplos niya ang kamay ko at niyakap ako. "Deal with everything tomorrow, mamahinga ka muna."

Tumango ako at umakyat na sa second floor. Madalas kaming mag sleepover noon rito kaya alam kong dalawa lang ang kwarto nila. I'm having war flashbacks while walking through the aisle, parang nakikita ko ang mga batang Zara, Ria, At Cassia. My memories felt like daggers, but they were beautiful.

I entered Zara's room because it was the only bedroom left that was empty. I opened her lamp at nagliwanag ang buong kwarto. Laughter, desperate cries, and pain filled this room. Lahat ata rito sa pagkakaibigan namin dito nangyari.

I was on the verge of crying when a phone vibrated. Sunod sunod ito at parang naipon ng matagal na panahon. I went ahead and checked it. The notifications were full of old messages na noong Lunes pa naitipa, but one text caught my attention. It was from an unknown number at agad na inakyat ako ng kaba nang mabasa ito.

"Papatayin ko ang mga anak mo, Rayla. Antayin mo lang."

Parade Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon