Chapter 8

19 5 3
                                    


Blind Like You

"Welcome to Heleina University's 78th Foundation Festival and Club Day!" Nagsimulang mag ingay ang lahat. Ka-onti nalang ay parang mabibingi na ako, kaya ginawa ko nalang ang kayang gawin. "Ang ingay!" Nakisabay ako sa sigaw at nilingon si Ria. Tinakpan niya ang tenga nya at ganon din ako. Sabay rin kaming tumawa sa gitna ng gulo at sigawan.

"Let's welcome our eagles!" Sabay sabay nanamang nagtilian at nasabayan nanaman ng tawa ko ang lakas ng mga boses nila. Ipinakilala na isa isa ang mga level, orgs, at kung ano anong grupo pa na hindi ko kilala. It was wild, the crowd was wild!

Hindi ko naman namalayan na wala na pala si Ria sa gilid ko. Sabagay, sa dami ba naman ng estudyante dito, imposible na madaling maghanap ng kakilala. I started searching for her after being dragged and pulled by random students. Siksikan at maingay, halos atakihin ako sa puso bago pa makalabas. Akala ko ay katapusan ko na!

Tatawagin ko sana ang kaibigan pero dahil hindi pa siya nahahagip ng tingin ko kaya hindi nalang ako nagtuloy. Panay pa ako "Excuse po." sa mga nagkakagulo pero wala talaga silang pake. I forced my way out!

Nang makalabas ako ay nagtipa agad ako ng mensahe sa kay Ria. Ayokong mag-isa, para akong loner. We don't have something called crowd control around these parts, para akong naka concert sa ingay ng mga estudyante. Yumuko ako sa gilid.

Napamura naman ako nang biglang may tumulak saakin at may nakatapon ng slushee sa damit ko. Ugh, really? "Watch were you're going!" Hindi ko napigilan ang sarili na mapasigaw sa galit. Napatingin ang ibang estudyante na malapit sa'min, pero hindi narin sila nakisawsaw. Their attention immediately drifted to the newly welcomed contestant on the stage.

"Hello.."

Inabot ng lalaki na nakatapon sakin yung panyo niya at tumayo lang ng parang estatwa sa tabi ko. I still cannot process everything, parang nagl-loading at nagbabagal ang utak ko. Tinititigan ko lang ang mantsa sa damit, I'm screwed. "Mag-ingat ka. Maraming tao dito at may laman pa yang baso mo, baka matapon nanaman sa iba."

"Ah, yes, I'm sorry."

His hand reached for mine as he introduced himself. "Tyl. Tyl Chua, Media Arts Department." Nagulat ako na nagpakilala pa siya. Hindi ba ito natatakot na baka pasundan ko siya?

Nag-abot pa siya ng card na may number nya. "Please call me if you need help." Tumabi ako sa daan at tinanggap ang piraso ng papel bago umalis. I hope I didn't seem rude, umalis lang talaga ako agad dahil may nakita ako.

"Royce, come on." Sinundan ko ang boses. I tiptoed to make less noise as possible. Nagtago ako sa isang hamba malapit sa mga naguusap. "Really Kath? Here we go again. Hindi ba't napagusapan na natin 'to?"

Kathalina?

"At akala ko bang klaro na sayo na hindi dapat 'to matuloy?"

Royce?

"For fuck's sake, Royce! Hindi mo 'to pwedeng takbuhan!" I shivered from her screams, they were loud and scary. Napapailing ako sa tuwing nilalakasan niya ang boses niya. The fact that I was thinking about how scary Kathalina is, rather than their "takbuhan" topic says a lot about me. It's alarming!

"Kathalina, ayoko. Bakit mo ba ipinipilit?"

"Kasi nahulog ako, and I hate you for making me feel things! Why did I fall for someone who's blind like you? Wala kang ibang nakita sa buong buhay mo kundi si Ida Vergara lang, puro ka Cassia Fraida Vergara!"

What? Ano itong mga nalalaman ko?

"Stay Ida out of this topic, Kathalina!" Napailing ako sa malakas na sigaw ng lalaki.

Nakarinig naman ako ng mabigat na paghinga, at pag-iyak na patuloy na nagpabigat ng damdamin ko. They were both sobbing, probably crying while facing each other. It seems like they owe each other something. I shouldn't have gone here. "Simula palang, Ji. Sinabi ko na sayo."

"Huwag mo akong sisihin, Royce." Kathalina jeered, as I clenched my teeth to stop myself from crying.

"At hindi kasalanan ng iba na nahulog ang loob mo sakin. We already discussed this." Royce's voice rumbled. My heart was in pain, and I feel like I was about to explode. Parang malulunod na ako sa sarili kong mga luha. "No, no, please, Royce. I love you."

"I'd rather marry somebody else than you, Kathalina." Nakarinig ako ng kaluskos sa mga dahon. Sinubukan ko silang silipin at nakitang nakaluhod si Kathalina sa sahig. "Please, please, I'm begging you."

Tumakbo na ako palayo bago pa maka-sagot si Royce. Ang bigat sa dibdib. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang pakinggan. I was so close to weeping before I panted, reaching for the bathroom faucet.

Ito ba ang sinasabi ni Cain na ikakamatay ko si Kathalina? Kasi kung ito nga ay hindi ko ma-proseso. Hindi ko matanggap. Kasal? Tangina.

Tumayo na ako sa kinauupuan kong cubicle nang makatagal doon, at hinayaang maka-hinga pagkatapos kong marinig ang lahat kanina. Para akong sinasakal sa mga naririnig ko, everything was just.. confusing. Mula sa kasal at takbuhan nilang usapan, ay nagtataka ako kung bakit hindi rin tinatanggap ni Royce ang alok ng babae, at bakit alam nila ang pangalawang pangalan ko. Who are they?

Hindi ko maproseso ang lahat sa utak ko. Hindi ko ito maintindihan. Everything I heard makes me both anxious and angry. Paano kung marami palang sikretong nakatago saakin? Paano ko nalang 'yon malalaman? Is life going to keep playing hide and seek with me? I hope not, because I'm tired of it.

I was able to think about things when I walked through the field and onto where Ria and her classmates' tent was stationed.

Papalapit palang ako nang napatingin si Azaria kung nasaan ako. I guess she was able to notice things kaya nabitawan nya ang gamit nya at niyakap ako.

"What happened to you!?"

She ran to hug me and when I hugged back, solemn tears fell down my cheeks again.

Parade Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon