Chapter 16

15 2 27
                                    



Trigger Warning : This chapter addresses sensitive themes including murder and obssession. Please do not proceed if you do feel uneasy with these topics. I warned you.

Beer, and A Little Bit Of Running Away

"What do you think you're doing?"

"Easton! Ano ba, maririnig tayo." I eyed him at bigla siyang tumawa. I was looking at this girl in the library, the same girl who confessed to me last last year. Funny how the tables have turned, parang nakaraan lang ay siya ang sumusunod sa'kin.

"Cael!" Royce shouted my name to catch everybody's attention, including Cassia's. Napapikit ako sa inis kaya kinurot siya sa binti. I hid as fast as I could, even before she turned her head around. "Gago ka talaga, pare!" Galit na buntong ko sa kasama.

He wheezed. Parang tanga. "Crush mo 'yon?"

"Sinasabi mo diyan?" Inikot ko ang mga mata nang sinimulan nyang ngumiti ng masama sa'kin. Hindi ba siya nangingilabot sa itsura nya?

"Patago-tago ka pa sa likod ng shelf, kita ka naman. Admit it, you like that girl."

I licked my lips before answering, "Uh.." god, how am I supposed to tell him? "Well.. kind of. But shut up about it, hindi ko hilig pagusapan ang mga ganito."

He got what he wanted to hear, and right at that moment, he immediately grabbed my arm and pulled me out of the shelf. Nagsalubong ang dalawang kilay ko habang ang mga paa ay sumunod lang sa patuloy na hila nya.

"Cassia, this guy likes you!" he shouted. I looked at him, shocked, and cussed. "Kid, why?!" Ako naman ang humawak sa braso nya ngayon at piniga ito nang matigil siya.

I saw how Cassia's friends were teasing her about it, and I.. Goodness, the librarian's chasing us! "Get back here! Detention!" For a split second, nakalimutan ko ang kalokohang napasukan ko at nagsimulang gumalaw kasabay ng hangin. Tumakbo na ako.

"I hate you but thank you!" I told Royce while we're running away. Patigil-tigil pa akong nagsalita dahil maraming nasa labas ng library kaya nasa daan ang atensyon ko, at sa pag-iwas na makabangga. Dismissal na ata ng mga 2nd year. "No problem, Kuya! Just make sure Tito finally talks to my dad! Pagod na ako sa away pamilyang 'to, it's meaningless!"

I laughed whilst catching my breath. I guess we have the best cousin to cousin friendship in the clan. Though both of our families had conflict from the past incident, it was never hard for us to communicate.

We just need some beer, and a little bit of running away, escaping from everything.

"Cael Ross-Vicente, tumatakbo ka na ba niyan? Ang bagal mo!"

Tumawa ako magisa habang kaharap ang pugon na nasa kwarto ko. Ginalaw ko ang baso na hawak at pinanood kung paano sumayaw ang beer na nasa loob nito, I froze. Naalala ko nanaman ang mga araw na kasama ko si Royce, at hindi ko namamalayan na napapatawa na uli ako nito.

Mainit sa posisyon ko ngayon, pero hindi ko mapigilang maramdaman ang lamig ng hangin sa likod ko. Sunod sunod ang mga alaalang bumabalik sa'kin, kasama na ang mga alaalang kasama ko si Cassia. They were beautiful, but cruel at the same time. Kung pwede ay kaginhawaan lang ang maramdaman nya ay matagal ko nang hiniling na iyon nalang.

But life is not that fair, at iyon ang masakit na katotohanan.

"Dearest! Hawakan mo ako, baka mapatianod ako. Saan mo ba kasi ako dadalhin?"

Parade Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon