Happy-Never-After"Hello Cassia. Please check our patient from room 20. Her name is.." Tumigil ito at binabaan ang clipboard ng tingin. She gazed at me after. "Caira. Caira Silva. Can you please take over na? Tapos narin naman na ang shift ko." ani Maia, isa sa mga katrabaho ko.
Her shift ended five minutes ago, kaya naman sinunod ko nalang ang utos nito. She's one of my seniors here in CNH, a hospital I'm working in. It's my 6th Anniversary working here, at anim na taon narin ang nakalipas nang lumipad ako paalis ng Pinas.
I already graduated college, a year before I decided to fly out. Tapos narin naman ang pag-aaral ko, at gusto ko naring magtrabaho, kaya bakit hindi ko pa kunin ang oportunidad? I love feeling free, but I can't stay jobless for the rest of my life.
I also said yes to Royce already. After three years of courting me, agad ko na 'tong sinagot nang sabay kaming lumabas sa paaralan noon makatapos. Today marks our 7th year Anniversary, at hindi ako makapaniwalang ganito na kalayo ang narating namin. I'm beyond amazed. Love and effort has took me places. Mula sa mga gusto kong puntahan, at sa mga hindi ko inaasahan.
"Hello Caira, how are you today?"
Nilingon ako ng babae. I noticed how her skin got paler, and her body got thinner. Kinabahan agad ako. Hindi muna ito umimik sa'kin nang tumigil ako sa dulo ng kaniyang kama. She just gave me a sweet smile, before deciding to finally answer. "I know I look different, Cass. No need to give me the look! And besides, umiba man ang itsura ko ay mas umayos naman ang lagay ko. I felt better after taking the tests yesterday."
Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa pagbibilin at pagtanong sakanya bago ako lumabas sa kwarto. She's been very cheerful these days, even though her silent battles are showing evidently in her own skin. Nababasag ang puso ko sa ideyang iyon. Isa siya sa mga kalapit kong pasyente, kaya ganon na lamang ako ka-apektado sa lagay nya. Her presence is like comfort, I can't afford to see her go someday.
Umupo na ako sa kanina kong kinauupuan. I glaced at my wristwatch to see if my shift has already started. May sampung minuto pa pala ako. I hurried to pull my phone out of my bag, to type a message for Royce. Naka alis narin siguro iyon para sa trabaho.
My message wasn't that long. Kinamusta ko lamang ito, at nag bilin na palaging mag-iingat which he quickly responded to with, "Sure thing. I'll see you later, mi. I love you." Kumalam ang tiyan ko sa sinabi niya. Sa tala ng halos pitong taon na kasama ko siya ay hindi ako kailanman nagsawa. Makita ko lang siya na lumapit sa'kin ay parang bumabalik ako sa unang pagkakataon na kinausap niya ako, kinikilig parin ako.
I can say that I said yes to the right man. Even though I was doubting everything at first, he assured me that there's nothing to worry about. Nandoon siya para sabihing hindi dapat ako matakot. Now it's been almost 7 years, and he's still loving me with all his heart. That pushed me to always do the same.
"Hello? Yes this is CNH," Sagot ng katrabaho ko sa telepono. Napalingon ako sakaniya dahil sa tunog palang ng boses nito ay parang emergency call ang kaniyang nasagot. Nagtaka naman agad ako nang bigla siyang ngumiti, "Yes sir Cael, what's your full name po?"
"Okay sir. Unfortunately, we can't leak medical records, but yes, I can confirm that Caira Silva is a patient here." Si Caira? Sino naman ang tumatawag? Ang alam ko ay mag-isa lang siyang naninirahan dito, at magisa nalang rin siyang natira sa kanilang pamilya. Sino kaya ang naghahanap sakaniya?
"Okay sir. Thank you, have a safe day." si Maia. Ibinaba niya ang telepono at agad na inayos ang mga papeles na kaninang nakakalat para makumpirma na nandito nga si Caira. Nilapitan ko siya. "Mai, sino 'yong naghahanap?"
Hinawakan niya ng bahagya ang dibdib sa gulat sa paglapit ko. Gusto kong siyang ngitian pero pinang uunahan na talaga ako ng kuryosidad ko. Para akong bata na nag-aantay sakaniyang sagot. "Cael Silva! Normal bang kiligin? Kaboses niya kasi si Cael Ross!" Hinampas niya ako sa braso.
"Haven't your shift started, Miss Vergara? Why are you still here with Miss Cruz?" Nagulat ako sa nagsalita sa gilid ko. It was a Senior Doctor. Inayos ko agad ang suot ko at tumango bago tumakbo palayo. Umalis na ako ng mabilisan, dahil mahirap na mapagalitan uli.
Hindi ko na uli nilingon ang pinanggalingan at sinimulan na ang trabaho. My shift's 20 hours per day, and it's exhausting. At.. first. I got used to it after spending almost two months here, at dahil narin sa malasakit ni Royce saamin ay hindi na ako nadadagdagan pa ng problema.
Like any other couples, we don't always get along. Pero hindi rin namin binibitawan ang isa't isa. I can't. I don't want to. Mahirap, ngunit kinakaya. Sapat na ang pagmamahal na meron ako sakaniya para manatili ako. He's my home. My rest. My everything. I don't want to lose him.
I've always had this big hole in my heart. I felt empty. Dry. Scared. Para akong tanga na takot magmahal at mamaalam. I don't really know what caused this, or why it even started but I can't seem to feel it anymore after I gave my yes to Royce, six years ago. Coincidence? I think not.
"Girl, where exactly are you?"
Inilayo ko ang telepono sa tenga nang nakarinig ako ng malakas na sigaw galing kay Ria. Kanina pa niya ako kinukulit at minamadaling sagutin ang telepono sa pagtawag ng paulit-ulit. I frustratedly picked the phone up again and placed it near my ear.
"Romero, My shift just ended. Why are you screaming at me?" Inikot ko ang mata ko. I only heard a small sigh from her. "Why do you seem fine?"
Tumigil siya. "Hindi mo pa alam?" My heart started beating faster. Ano ang hindi ko alam? "Stop joking around, Ria! What's happening?" I growled at her while looking for my car keys.
Para akong pinatay sa'king narinig kasunod. I.. have no idea. Is this a fucking love story with a happy-never-after ending? Why can't we be peaceful for once?
"It's about Royce, Cassia. He got into an accident."
BINABASA MO ANG
Parade Of The Past
RomanceSHORT NOVEL | Cassia Vergara continues to live her mundane, tedious life, unaware that in the midst of it all, she will experience agony, anguish, and delight after meeting Cain, the man who introduced himself as her son. S: 07/13/22 E: 10/13/22