Cael Ross"Hello, ladies. Anong club ang sasalihan ninyo?" Nilingon ko ang lalaki sa likod ko, na nakatuwad pa na nakakapit sa upuan ko. It was Hugo Valentin, one of my high school friends. I was able to reconnect with him at college, nang makita siyang nakapila sa department namin. His jaw protruded when he looked at my seatmate, Roxy. "Don't ask me, Hugo. I'm not interested in talking to you."
Kumunot ang noo ng binata, at nasabayan ko ito ng tawa. Pumalatak lang ito bago siya tumingin uli sa'kin at nagtanong. "Ikaw, Cass? How about you?" He gave me a wide gummy smile. "Thee OG!" I answered and he reached for my hand to give me a fistbump. "Rox, ikaw? Kung ayaw mong sagutin ka ni Hugs, ako nalang."
Her lipgloss reflected the sunlight outside our tent. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "The usual. Which means, I'll be seeing a lot of him... too." Nag taas-baba siya ng tingin kay Hugo. He replied a scoff. "I didn't do anything wrong, Rox! Come on, why are you mad!" Parang bata na nagtampo si Hugo. He surely reminds me of my cousin, ganitong-ganito din! Hindi ko alam kung nang-iinis ba, o nalulungkot talaga.
"Ria, ikaw? Badminton?" Pag putol ko sa pagbabangayan nila. Baka hindi na kami matapos dito kapag nagaway lang ang dalawa. I turned to Ria who's sitting behind me, chilling. Imbis na nandoon siya sa kanila, ay sumama nalang dito. Her grades are going to neglect!
"Yes way." She pouted. "Wow, sporty ang ate mo." Ako. I was casually laughing when I had a flashback in a split moment. I remembered Cain, napatahimik ako bigla. Ilang linggo ko na pinag-iisipan ang sinabi niya, at ilang linggo narin na hindi ito nagpapakita. I felt guilty more than ever, hindi ko rin alam kung bakit. I sighed to let my thoughts go and gazed at Hugo to distract myself.
"Ikaw ba Hugs, saan ka napadpad?"
"Dance Club, I'll be seeing a lot of you, Cassia." Tumawa siya. "Natanong ko lang kayo kasi sigurado akong Dance Club ang bagsak ni Cass. Nakapag register na ka ba?" Tanong niya muli sa'kin.
"Yes naman!" Nauwi lang kami sa tawanan at nagpatuloy sa pagkain nung umalis narin si Hugo. He asked to leave early, dahil kailangan daw siya ng kaklase. We waved at him good bye.
Nakaraan pa ng ilang oras at nakatapos na ako ng dalawang subject. Nagulat ako nung biglang may nagtipa saakin ng mensahe. Papunta na sana ako sa AVR, at hindi naman namalayan na kanina pang may tumatawag. It was.. Kathalina?
"Hello?"
[Hi, Cassia! I was wondering, if you're still up for the dinner I proposed to you and Ria? Mamaya nalang sana kung oo.]
"Oh, uh.." Hindi ko alam kung paano sumagot. The idea Cain painted in my mind is bugging me! "Lets see, hindi ko rin kasi alam kung walang gagawin si Ria mamaya."
[Sure. Good Day!]
Binaba niya agad ang telepono. Now I'm torn between Royce and Kathalina. Royce asked me out last week, at hindi rin naman ako makatanggi. Hindi ko na alam kung sino ang sasamahan ko.
"Ano yan?" I almost jumped when someone talked. It was Roxy! It seems like she followed me up in here, hindi ba naman kasi nagsasabi! Parang nalaglag ang puso ko nang magsalita siya sa gitna ng katahimikan sa bathroom. Is she trying to scare me or..?
"..Assignment?" Nakatulala kong sagot sa kaibigam ko. "Dude, ito!" Turo niya sa cellphone ko. "Ah.." Napatigil ako nang ituro niya ang mensahe ni Royce sa'kin na kadarating lang ngayon. I tried lying about it, "Galing lang sa admin. Yung para sa festival next week, diba?" Para siyang natanga at lumingon ng agresibo sakin. "Why?"
"Goodness, hindi pa ako nakapag-register!" Dali dali itong tumakbo palayo sa'kin. I remained stunned for a few minutes, but was able to catch up after. Napangiti ako nang maalala ang gulat na mukha ni Roxy, it was adorable.
Limang oras nalang rin kasi ang natitira para sa mga hindi pa nakakapag-palita sa kani-kanilang sasamahang org. Alas dos magsasarado ang mga ito.
Nilingon ko lang ang sarili sa malinis na salamin at nag-iwan ng ngiti bago lumabas. I'm two minutes late, but I couldn't care less. Nagustuhan ko ang pansamantalang tahimik na hallway, at ang lamig ng hangin kahit na nakatirik na ang araw.
Lumipas ang ilan pang mga oras at nakatapos akong pumasok sa dalawa pang subject, bago nag prepare ng tent at mga iba pang gagamitin sa susunod na mga araw. I got busy for the whole day, at hindi ko namalayang hindi ko na naiisip ang hindi namin pagkaka-intindihan. Siguro ay maayos na ito, nang hindi bumigat ang pakiramdam ko kapag naaalala ko lang. It'll only hinder me from finishing my tasks, hindi ko gugustuhin iyon.
I went to the bathroom to change my t-shirt. Hindi kami naka-uniporme ngayon dahil onti lang din ang mga klase, lahat ay abala sa pagtatayo ng tent ng kaniya-kaniyang org, kasya sa pagpasok sa iilang mga meetings. After I got dressed ay saktong nakasalubong ko si Kathalina sa loob din ng banyo. She's wearing a different top now, nagpalit narin siguro ito. "Hi Cass!"
"Are you heading to the gym? Sabay na tayo. Dance club ka rin, 'di ba?" I knew that she was, dahil nakita ko ang listahan ng mga nag-audition sa taong ito. I never knew she liked dancing? Nagulat ako nang hilahin niya ng marahas ang kamay ko, at ipinulupot ang sariling braso dito. "Let's go?"
Nang makarating kami ay madami dami narin ang nandoon. Agad akong nagulat ng makita na nandoon ang Kieran, kaya napabaling ako sa kaibigan. He's a great dancer, matagal nang kinaiinisan ng kabilang campus. Hindi ko alam na lumipat na pala siya dito! "Kieran Maraigan? Totoo?!"
"I know right?"
Pagkasabi palang ni Kathalina no'n ay nagsimula na. Nagsimulang pumalakpak ang isang prof at tinawag ang atensyon ng lahat. It lessened the excited chats of our newcomers. In my case, I was far having fun. Halos lahat ng mga nandito, mapa-senior, o dayo ay puro magagaling. Dancers are called stage monsters for a reason.
Natapos ang araw ko na pagod na pagod ako. After fetching some materials for our tent, nag-decorate rin ako, at sumayaw pa bago umuwi. My schedule was packed! Nilingon ko si Kath na tumabi sa'kin bigla at binigyan ako ng ngiti bago kumaway paalis. I smiled & waved back bago kami nagtuloy ni Ria sa daan. She went to me earlier, at nag-antay pa na matapos kami para hindi ito mag-isa umuwi. I liked the thought of Ria waiting for me, ang cute!
We fetched a grab taxi to go home. It's already 7:30 pm, at hindi narin siguro maganda na mag jeep pa. This was our safest option for now. Dinalaw ako ng antok at naalimpungatan rin agad nang kalabitin ako ni Lei. "Andito na ba tayo?" tanong ko agad.
She didn't answer, but instead, she showed me her phone screen. "Artists on hiatus, or missing?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Why is she asking me about celebrities at this hour? "Oh, ano naman meron diyan?" I rubbed my eyes in confusion.
"Cassia? What the actual fuck, you know what, I'll ask you straight to the point. Isn't that Cain? Yung nasa picture?" Hinarap niya ang telepono niya sa'kin. Her brightness welcomed me, kaya napapikit pa ako nung una bago dumilat muli para tumigil. Cain again. Naalala ko nanaman siya.
Natahimik lang ako saglit at tinitigan ang litrato. Siya nga ba 'to? That's not possible. I stared at Ria, who's just as stunned as me. "Baka kamukha lang, tignan mo yung link, ano bang pangalan nung lalaki?"
"Cael Ross."
"See? Hindi siya yan." How can I be so sure that that's not him? Paano kung siya nga iyon? "Matutulog ako, gisingin mo nalang ako pagdating natin."
And that was my final blow. Right at that moment, my heavy eyes dropped again, as I drifted to dreamland, while trying to fight my unanswered thoughts.
BINABASA MO ANG
Parade Of The Past
RomanceSHORT NOVEL | Cassia Vergara continues to live her mundane, tedious life, unaware that in the midst of it all, she will experience agony, anguish, and delight after meeting Cain, the man who introduced himself as her son. S: 07/13/22 E: 10/13/22