PROLOGUE

325 7 0
                                    

"Kapag sinabi mong mahal mo ako.. may parusa ka." sabi niya sa akin then he smirked. Hayssst!!! Kahit na kailan never kong sasabihing mahal ko siya! Kahit kailan talaga ang kapal ng mukha! Ughhh!

"Never kong sasabihin sayo yon!" sabi ko sa kanya sabay irap ko sa kanya. Feeling talaga tong Kite na to. Maya-maya nagsimula na naman siyang magsalita at nagtanong.

"I have a question and all i want you to do is to answer it. Understand?!" seryoso siya habang sinasabi sa akin habang nakatingin sa akin. Ang hot niya, infairness! Nakasuot kasi siya ng white cotton na long sleeve at nakapants lang siya. Ang gwapo niya sa suot niya. Nakaupo siya ng nakadekwatro sa couch pero ang serious ng mukha niya. Ughhh! Naiinis na naman ako. Ano naman kayang itatanong ng Kite na to.?!!!

"Ano naman yon?" plain kong sagot sa kaniya.

"Anong tagalog ng word na Expensive Profit?" tanong niya habang nakatingin pa rin sakin na walang emosyon.

Ughh! "Anong klaseng tanong yan? Akala ko ba matalino ka.?" asar kong sagot sa kanya.

"Tss. Just answer my question!" inis din niyang sabi sa akin. Ang sungit talaga niya, kazarr! So, sige sasagutin ko na ang nonsense niyang question. Ughh! >

"Mahal na Kita" sagot ko habang nakatingin din sa kanya.

Nagkatitigan lang kami at biglang tumahimik ang paligid. Maya-maya nagulat ako ng maramdaman ko nalang na may dumampi sa mga labi ko. At shet! Nakalapat ang lips niya sa lips ko! Oh my! First kiss ko siya.! Yes! First kiss ko to dahil sa cheeks lang ako hinahalikan ni Gavin noon. Sa tantya ko 5 seconds yon. Nakakaloka lang ang mga pangyayari. Di ko akalaing gagawin niya yon at ako wala na talagang nagawa. Nagulat ako eh! Ughh. At maya-maya ay naramdaman ko nalang na naalis na ang paglalapat ng mga labi namin.

Nakatingin lang siya sa akin. Malapit pa rin siya sa akin. He just smirked.

"Bakit mo ko hinalikan?!" asar kong sabi sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin at nagsalita.

"Sabi ko naman sayo. Once na sinabi mong mahal ako may parusa ka." sabi niya with matching silly smile.

Ha? Ano daw ? Kailan ko namang sinabing mahal ko siya? Aber!? Wala akong matandaan. I'll try to reminisce yung mga nangyari kanina. . Ayun! Una, sinabi niya na kapag sinabi ko na mahal ko siya may punishment ako. Sabi ko never! Then, nagtanong siya ng isang nonsense na question. Ano daw ang letseng tagalog ng word na expensive profit. At sinagot ko siya ng....

"Mahal na Kita." bulong ko. So kailan ko sinabing mahal ko siya? Baliw ata tong saranggola na to. Tss. Nang bigla siyang nagsalita.

"Ang slow mo naman. Mas slow kapa kaysa sa pagong eh!" pang aasar niyang sabi sa akin. "Hindi ako makapaniwalang ikaw ang fiancee ko." dugtong pa niya.

"Anong slow?! Ang kapal ng mukha..." ng biglang nag sink-in sa utak ko na ang slow ko nga! Gosh! Yun pala yon! Nakaisa siya sa akin. Nakakainis siya ha?! Grrr! Puro siya kalokohan. Ang engot ko talaga. Sa dinami rami ba naman ng araw ngayon pa ako dinalaw ng katangahan. Tss. Napailing-ing ako at inirapan ko nalang siya.

"So gets mo na? Sinabi mong mahal mo ako so I just give you the punishment." sabi niya habang natatawa ng nakakaloko.

My Strict FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon