A/N: Sana po ipagpatuloy niyo po ang pagbabasa nito. Sinubukan ko gumawa ng story na ito. Bago pa lang ako pero sana maappreciate niyo ang story ko. :)
~~
"About sa merging ng company natin through KAA Car Company... i would like to inform you that there's an arrange marriage involved." seryosong pagsasalita ni Dad. What?! Ano? Ayokoooo!
"What?! Ayoko Dad. " iiling iling ako at gulat na gulat sa sinabi ni Dad sa akin.
"No, anak. Its for the sake of our company and also for you and for your mom. Isang malaking company ang KAA kaya hindi ko hahayaang makuha sila ng ibang kompanya. And the best way is to set an arrange marriage." sabi ni Dad sa akin at kita sa mukha niya na serious talaga siya. Nag iinit ang paligid ng mga mata ko at parang gustong tumulo ng mga luha ko pero pinipigilan ko lang yon.
"Dad, are you serious?" tanong ko kay Dad at pigil ko parin ang pagiyak. "Ipapakasal niyo ko sa taong hindi ko kilala at lalong hindi ko naman mahal? No dad. I can't." sabi ko.
"No!" Nagulat ako dahil mejo malakas na ang boses ni Dad at bigla siyang tumayo at tumalikod sa akin at dahil don di ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. "Just listen to me.! Don't disappoint me, Natalie. Its not just for our company but also for us." dugtong pa niya.
"No Dad! Sa nakikita ko sa ginagawa at sinasabi mo sa akin, its not for my own sake. Its just for our company. Hindi mo ba naisip Dad? Ako? maaatim mong ipakasal sa taong di ko kilala at inuulit ko HINDI. KO. MAHAL. At sigurado ako ganon din ang lalaking gusto niyo ipakas--" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumabat agad si Dad sa akin.
"No. Its final, Nat. Next month na ang engagment." seryoso talaga si Dad sa sinasabi niya. At tuloy pa rin ako sa pag iyak ,ang sama lang ng loob ko.
"Dad, please..." pagsusumamo ko. Pero nanindigan pa rin siya sa sinabi niya kanina.
Agad na rin akong tumayo at lumabas ng office niya. Dare-daretso ako sa elevator at dare daretso din ako sa paglalakad ni hindi ko na nagawang pansinin yung mga employees na bumabati sa akin.
Hanggang makalabas n ako at saka ako pumunta ng kotse ko at nagmaniobra saka ko pinaandar ang kotse ko. Tinatawagan ko si Athena pero hindi siya sumasagot. Siguro busy siya sa date niya.
I decided na bumalik nalang ng boutique ko dun nalang ako magpapalipas ng sama ng loob ko. Tuloy pa rin ako sa pag iyak. Ang sama sama pa rin ng loob ko kay Dad. Ni wala akong alam sa mga plano niya at nagpaplano sila ng hindi ako isinasali sa usapan at ang mas nakakainis pa next month na pala ang engagement ko at hindi man lang nila inalam ang side ko about that f*cking arrange marriage! Ughhh. Ayoko talaga. Its monday at ang panget ng unang araw ng linggo ko at unang araw ng buwan na to. Nakakaewan lang. Gusto kong mag inom ng hard alcohol. Kaso di naman ako umiinom! Ughhh! Kainis!
At nakarating na nga ako ng boutique. Pinark ko ung car ko. At bago ako lumabas ng kotse ko nag ayos muna ako pinunasan ko ang luha ko at naglagay ng face powder saka bumaba ng kotse ko. Nakita kong medyo kaunti na ang customers sa loob. Kita ang loob dahil yari sa salamin ang harapan ng boutique ko. 2:30 PM na. Pagkapasok ko sinalubong ako ni Shinney.
"Ma'am, napadala na po yung in-order ng customer natin saka yung iba pang nagpaservice ng mga in-order nilang dresses." ngiting ngiti siya habang sinasabi yun. At tumango nalang ako.
Pumasok ako sa isang room ng boutique ko sa kanan at yun ang office ko. Yung room naman sa kaliwa yun ang stock room namin. Naupo ako sa swivel chair ko at nagrelax. Maya maya tumunog ang phone ko. At tinignan ko kung sinong natawag.
**Incoming call... ... Athena,**
Agad ko naman yong sinagot. "Hello" matamlay kong sagot sa kanya. At alam kong nahalata niya yon.
BINABASA MO ANG
My Strict Fiance
RomancePaano kapag bigla ka nalang nasangkot sa isang biglaang arrange marriage?