Chap.XIII
Kite's POV
Maaga akong nakarating dito sa office ko dahil Maaga rin naman akong nagising kanina eh.
"Sir Kite, may meeting po kayo mamayang 1PM." tumango lang naman ako sa sekretarya ko. Kakatapos lang kasi ng una kong meeting eh.
*krinnggg*
Sinagot ko naman yung telepono.
[Sir, may babae po dito sa labas ng office niyo. Victoria Alonzo daw po. Wala po siyang appointment sa inyo eh. Should I let her in?"] sabi ng secretary ko. Ohh. Si Victoria.
"Let her in." sabi ko. At ayan na nga bumukas na yung office ko at may pumasok na babae. Si Victoria. Nakasuot siya ng black mini skirt at red tube at heels na red. Lalo siyang sumexy. Halatang galing Paris talaga. Model nga pala siya at kababata ko rin. We're bestfriends with benefits before and I think until now.
"Hey. Long time no see... huh?" inalis niya yung shades niya at ngumiti sa akin. Ngumiti naman ako pabalik.
"Oh. Kailan ka pa bumalik? Di ka nagpasabi edi sana ako na sumundo sayo." Sabi ko.
"Whoa. Ang sweet mo naman Kite. Ahmm, kahapon pa. Diko sinabi...coz' I want to surprise you." kumindat pa siya. Ang ganda niya talaga at ang sexy pa. Haha! Ngumiti lang ako ulit sa kanya.
"Dinner? Later? Ngayon lang naman ulit tayo nagkita eh. Namiss talaga kita Kite." lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi. At ano bang magagawa ko? Siyempre tumugon ako.
"Sure." sabi ko.
--
NATALIE'S POV
Galing ako sa boutique ko. At 3 days nalang tapos na ang construction. Back to work after 3 days. ^_^
Matawagan nga si Athena. Nakakainip naman kung babalik ako kaagad sa unit ni Kite.
Nagriring naman yung phone niya. Tsk! Ayaw niya sumagot. Dinial ko siya ulit, wala pa rin. Ilang beses kong dinial ang number niya. Wala. Hindi niya sinasagot. Anong oras na ba?
Alas diyes na ah. Tulog pa rin? Dahil hindi naman siya sumasagot sa tawag ko, nagtext nalang ako sa kanya. Atleast, alam niya kung bakit ako tumatawag.
To: AthenaBestfriend
Good morning!
Best. Ba't di mo sinasagot? Aayain sana kita sa mall eh. Once you've read this, call me or just text me huh? Okay. Bye! :)
Sent.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko. Magshashopping ako. Habang nasa biyahe ako papuntang mall biglang nag ring ang phone ko dinukot ko naman to sa pouch bag ko. Pagtingin ko si Kite yung natawag.
Calling... Kite...
Hindi ko.masagot. Nagdadrive ako eh. Baka maaksidente ako. Nakakadistruct kaya yung may hawak kang phone habang nagdadrive.
Pero dahil nakakarindi yung pagring ng phone ko wala na akong choice kung hindi ang sagutin ang tawag niya. Sinwipe ko yung phone ko at ayon.
[Hello.] mukhang irita na siya. Ang tagal ko kasing di nasagot eh.
"Hello. Bakit?" mahinahon kong sabi.
[Where are you, Margie?"]
"P-papunta akong mal— Ayyy!"
*screeeeeeccchhhh!*
--
Athena' POV
Nagising ako at awwww! F*ck! Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari? Iniikot ko ang mata ko, wala ako sa unit ko. Pagtingin ko sa kaliwa ko, si Zoren.
Ah! Oo nga pala, nag-inuman kami kagabi sa LMN Trix para magcelebrate dahil sinagot ko na siya. Yeah. Kami na.
At hindi naman ako nagulat na naked ako ngayon. Yeah. Nag ano kami.. you know? Haha. Di ko naman limot, dahil alam ko yung nangyari kagabi. And I've enjoyed it. Ma-ABS eh. Hahaha! Yeah ABS.
Kinuha ko yung phone ko. Oh my!
20 miscalls from Nat-nat.
1 message from Nat-nat.
From: Nat-nat
Good morning!
Best. Ba't di mo sinasagot? Aayain sana kita sa mall eh. Once you've read this, call me or just text me huh? Okay. Bye! :)
Hala.. Nat, not now. Busy ako. Oo! Busy ako sa lalaking katabi ko. Ewan ko ba pero tinamaan ata ako kay Zoren eh. I just want myself to be near beside him.
Nagreply naman ako kay Natalie.
To: Nat-nat
Best. Di ako pwede ngayon eh. I'm busy. Maybe next time? Hehe. Take care! :)
Sent.
--
KITE'S POV
Umalis na si Victoria at magkikita nga kami mamaya. Yeah. Until now ganon pa rin. Hahaha! It's going to be fun.
Yeah. Nasabi ko na bang may pagkababaero ako? Well, pili lang naman ang mga pinapatulan ko. Nasabi ko na rin bang gwapo ako? Hahaha! Kung hindi pa. Ayan, nasabi ko na. Hindi ko naman hahayaang masira ang kaligayahan ko ng dahil lang sa biglaang arranged marriage at engagement na yan.
At si Margie? Like what I've said. It's just for our business at ganon din sa part niya. We don't like this set up, right? And I think, there's nothing wrong of getting along with other girls. Besides, wala namang masasaktan.
Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Margie. Sasabihin kong gagabihin ako mamaya. At pass muna ako sa curfew ko ng 12 PM. Hahaha!
Nagriring naman yung phone niya. Hindi niya sinagot. Dinial ko ulit. Ayaw talaga. Busy ba to? O tulog pa?
Nakailang dial ako sa kanya at thank God! Sinagot na niya. Medyo naiinis na rin ako eh.
[Hello.] I said with an irritated tone. Ang tagal niya kasing sagutin eh. Ayoko pa naman ng pinaghihintay ako.
"Hello. Bakit?" sabi niya sa kabilang linya.
[Where are you, Margie?"]
"P-papunta akong mal— Ayyy!"
*screeeeeeccchhhh!*
F*ck! What's that? Nagmamaneho ba siya? Nabangga ba siya?
"Hey! Margie! What happened?! sigaw ko. Pero wala di na siya sumagot, hindi pa naman naka end call pero may naririnig akong umiiyak. Anong nangyari!? F*ck!
--
A/N: HAHAHA. Tuwing sunday ako maga-update ha? Next week na ulit ako maga-update nito. Sunday. Hehehe^_^ Sana nagustuham nio. Sensya na. :))
BINABASA MO ANG
My Strict Fiance
RomancePaano kapag bigla ka nalang nasangkot sa isang biglaang arrange marriage?