"Foji! Mahal, namiss kita!" Mahinang sigaw ni Aris habang yakap-yakap ang nobyong galing lang sa ibang bansa. Nakangiting tinanggap ng nobyo niyang si Foji ang yakap ng babae at hinalikan pa nito sa sintido."I missed you too, my Aris."
"Ano? Saan tayo ngayon?" Hinawakan ni Aris ang kamay nito habang malaki ang ngiti at inaantay ang sagot nito. Plano kasi niya na sulitin ang araw ng paguwi ni Foji.
"Sorry, love. I can't go with you today. Kailangan kasi ako sa bahay ni Mommy." Agad na nawala ang ngiti sa labi ni Aris at mahinang binitawan ang kamay ng nobyo. She nodded as she form a little smile on her face. "Sorry talaga, Aris..Babawi naman ako sayo, maybe next day or week. Depende kung kailan ako free."
"It's okay. Mas kailangan ka ng Mom mo. 'Tsaka I'm always willing to wait for you, I know you know that right, Foji?" Tumango ito. "I love you, una ka na. Pupuntahan ko pa si Mommy lola."
Foji hold her face and plant a kiss on her forehead. "Remember my promise 15 years ago, love? You don't have to worry about our relationship. I'll not make anything to hurt you. Got it?" Aris smiled.
"I know. I love you."
"I love you too, so much." Foji bid a goodbye to her girlfriend. Sumakay ito agad sa van na sundo niya. Naiwan naman si Aris sa harap ng airport at kahit papaano ay nabawasan rin ang agam-agam sa kalooban niya.
15 years ago.
"Foji, naimagine mo ba in the future na lolokohin mo ako?" Aris asked. Nasa library sila dahil vacant time at katatapos lang din nilang mag lunch. Hindi mahilig magbasa ng libro si Aris habang ang boyfriend niyang si Foji ay halos araw at gabi ay nagbabasa.
Nagtataka siyang nilingon nito bago sinarado ang librong binabasa. "Why are you talking like that? Mukha ba akong magloloko sa'yo?"
"Duh! Uso kasi ngayon mga gano'ng scenario, Mahal. Eh, syempre napapaisip ako kung paano isang araw hindi mo na ako mahal tapos mag cheat ka sakin, diba?"
"I would rather tell you na ganon ang nararamdaman ko kaysa magloko. At saka, Aris Gyn Herani, para sa ikatatahimik ng mataba mong isipan hindi ko naiimagine na lolokohin kita bukas, sa susunod na buwan, sa susunod na taon o kahit kailan. No, I will never do that to you. Mahal kaya kita."
Ngumuso naman si Aris bago mahinang hinampas ang lalaki.
"Nakakainis, ang taas taas ng green flag na nakatayo." Tumawa ito kaya nahawa na rin si Foji. "Promise 'yan ha! Hindi mo ako lolokohin, Foji Ander Alba. Itatanim ko sa kaloob-looban ko 'yan."
"Opo, madam. Makakaasa ka sa gwapo kong 'to magloloko pa ba ako sa pinakamagandang babaeng nakilala ko. Aba'y, kahit mamatay ka hindi ko gagawin 'yon-aray naman!"
"Idadamay mo pa ako sa sumpa. Pag nagloko ka tapos namatay talaga ako dadalawin kita."
Tumawa ang lalaki bago nilapitan si Aris at niyakap. Bata pa sila, 4th year high school pa nga lang sila ngayon, eh. Pero alam na nila sa sarili nilang sila na ang dalawa para sa isa't isa.
That's how fate making us a fool.
Only you know the truth when you open your own eyes and find your own peace inside of the black universe.
Aris thought all too well.
Aris thoughts only of it.
______________________
Short story. This only contains 8 chapter but still I hope you enjoy this. :))
YOU ARE READING
Beautiful Goodbye| COMPLETED
Любовные романыShort novel. Aris Gyn Herani x Foji Ander Alba