A too much love can fool a person.
"Tangina naman, Aris! Ito ka na naman. Ilang beses ko ng sinabi 'wag mo ng isiksik sa isip ko 'yang mga pagooverthink mo! Nakakasawa marinig ang paulit-ulit na what if's mo." Halos umalingaw-ngaw ang sigaw ni Foji sa loob ng opisina nito. Dumalaw kasi ang girlfriend niyang si Aris. Dalawang linggo pagkatapos nilang hindi magsama.
Halos mag-init ang paligid ng bilog na mata ng babae at pigil ang paglandas nito. Gusto niyang ipakitang ayos lang siya. Oo nga naman, pagod na panigurado si Foji tapos inaaway pa nito dahil sa mga pagooverthink niya. Pero kahit sino naman, hindi iyon maiiwasan.
"G-Gusto ko lang naman malaman mo na nagiisip ako ng mga gano'ng bagay, M-Mahal..."
Bumuga ng malakas na paghinga ang lalaki. "Tangina! Wala akong pakealam sa naiisip mo ngayon, Aris. Hindi mo ba nakikita ang dami kong ginagawa. Akala ko pa naman ay kapag nakita kita magiging magaan ang trabaho ko. Akala ko lang pala, mas pinapabigat mo lang lalo!"
"S-Sorry..."
"Umalis ka na, Aris. 'Wag ka munang magpakita."
Naiiyak na tumango at kinuha ni Aris ang bag at yumukod. "Sorry...Magpahinga ka, F-Foji, ha? 'W-Wag kang magpapagod." Iniisip nitong pipigilan pa siya ng nobyo pero hindi iyon nangyari.
Nang makalabas si Aris ay pabagsak na umupo si Foji. Nakapikit at hinihilot ang sintido niya.
"Tangina, matagal na akong pagod."
15 years ago.
"Naghiwalay na sina Aster at Gio." Nakalumbabang bungad ni Aris sa boyfriend niyang si Foji. Galing ito sa library at dumiretsyo sa canteen para mag lunch. "Grabe, sayang 'yung 1 year nila."
"Bakit daw? Halos perfect na sila, ha?" Si Foji, ngumunguya ng pagkain. Inirapan siya ng babae at pinagkrus ang kamay sa dibdib. "Taray, nagtatanong eh."
"Akala nating lahat perfect ang relationship nila. 'Yun naman pala, niloloko na ni Gio si Aster. Ang kapal ng mukha."
"Oh, eh, bakit parang mas galit ka pa?" Foji.
Binato nito ng isang tissue ang babae na nagpairap sa bilugan niyang mata.
"Pa'no ba naman, nasalo lahat ni Aster ang katangahan. Nakikita na niya hindi pa siya naniniwala. Noong sinabi pa ni Gio sakaniya nagmakaawa pa. Dapat hindi niya hinahabol 'yun, eh."
Sumubo ng isang spag si Aris bago hinablot ang iniinom na tea juice ni Foji.
"Ay tangina, nangunguha ng hindi sakaniya." Pabagsak na nilapag ni Aris ang juice sa harap ng lalaki. Nakangiti namang tinignan ni Foji ang juice niyang kalahati na lang. "Pero ayos din, this is indirect kiss. Oh, God. Kinikiliti ng mga paru-paro ang puso ko."
Aris lips formed a smile. "Baliw ka. Tigilan mo nga 'yan siraulo." Umiling si Foji sakaniya at ininom ang juice niya. "Oo nga pala, may tanong ako."
"Hmm? Ano 'yon?"
"Madalas kong nakikita nagaaway sina Aster at Gio. Tapos sinisigawan nila ang isa't-isa, minumura pa. Gagawin mo ba sakin 'yun kung sakaling maubos pasensya mo sakin?"
"Hindi, ah! Tinuro sakin ng Mommy lola mo na kapag mahal mo kahit magaway kayo hindi mo siya sisigawan, mumurahin at pagsasalitaan ng masama." Sumandal ito. "'Tsaka iba naman tayo sakanila Gio. Sa umpisa tayo nagaway tapos sa huli tayo nagmahalan. Oh, panis ka Aris!" Tumawa pa ito.
"Noong nagpaulan ng kakornihan sa mundo kausap mo siguro 'yung nagdodonate. Friends kayo 'no?"
"Ha? Baliw, kumain ka na lang diyan." Ani Foji at sinubuan pa niya si Aris ng spaghetti. Binigay na rin niya ang juice na iniinom niya.
They both tell the world, "gagawin namin ang pangako namin." Halos isigaw sa buong mundo.
Pero kahit pala gawin mo ang lahat may magbabago at magbabago pagdating ng mahabang panahon.
Ang pangakong pinanghahawakan ni Aris galing kay Foji ay hindi niya binibitawan.
Naghihintay sa dulo ng pagtupad.
___________________
:)