Last

17 2 2
                                    

Ang pagibig na hindi sinasadyang mabuo.

Warning; Suicide

Weeks has passed and still Aris is in pain. Napabayaan na niya ang sarili niya. Halos gabi-gabi na siyang hindi nakakatulog sa pag iyak. Hindi na rin siya nagbubukas ng mga social media niya.

At kahit isang beses ay hindi na muling sumilay ang ngiti sa labi niya. At kahit lumabas ang resulta niya ay iniyakan niya.

Nagsisisi siya dahil halos ang tagal na niyang napabayaan ang sarili niya.

"M-Ma...Sorry po, sorry mama. Buntis ako-" hindi na niya natapos ang sasabihin. Lalo na at nakita niya ang pagkadismaya sa mukha ng magulang niya. "M-Ma.."

"Aris, nagpabuntis ka sa ikakasal na? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Hindi ka namin pinalaking disgrasyada!" Galit iyong isinigaw ng Ina ni Aris.

Wala siyang magawa. Hindi niya maipaliwanag ang sarili dahil ang alam ng lahat nagpabuntis siya kay Foji na ikinasal kay Aster last week. At hanggang ngayon para pading sinasaksak ang dibdib niya sa sakit.

"Pinagaral at pinakain ka namin pero ito ang igaganti mo samin!?" Ang ama ni Aris. "Hindi ka pa nga nakakapagipon ng maraming pera nagpabuntis ka pa sa hindi ka mapapanagutan! Ganyan ka ba kalandi at pati magaasawa ay tinatalo mo!?"

"P-Papa... h-hindi po gano'n-"

"Anong hindi!? Pinahiya mo ang pamilya natin. Kalat sa buong social media ang kalandian mo at ayan! Buntis ka! Putangina anong ipapakain mo diyan!?"

Paulit-ulit na sumisigaw ang magulang niya at lahat iyon ay pinakinggan niya lang. Hindi man lang siya binigyan ng mga ito ng oras para ipaliwanag ang sarili.

Wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak sa sariling kwarto. Humihingi ng tawad sa anak niyang nasa loob ng sinapupunan niya. Katulad niya, nagdudusa at nahihirapan na.

"S-Sorry, ha? Ginagawa naman ni M-Mommy ang lahat, eh... l-lumalaban si Mommy, anak..." Humihikbing kinausap ni Aris ang bata sa loob niya. Hinahaplos ito at iniiyakan. Ayaw niyang mawala ang bata pero ayaw niya namang sa pagmulat ng mata ng anak niya ay puro masasakit na salita ang maririnig niya mula sa iba. "L-Lalaban tayo, anak, okay? L-Laban lang..."

Lumipas pa ang ilang buwan ay paunti-unting naging maayos si Aris. Inaalagaan ang sarili niya para sa kapakanan ng bata sa sinapupunan niya. Nang mag 4 months ay lumabas siya para magpacheck-up.

Magaan ang paghinga niya dahil pagkatapos ng ilang buwan ay nawala na ang issue sakaniya. Nang siya na ang ichecheck ng doctor ay pinahiga siya nito sa patient bed.

Malakas ang pagtibok ng puso ng bata at ayon sa doctor ay malusog ito. Niresetahan lang siya ng mga vitamins para mainom at binilinan ang pagiwas sa mga stress dahil mahina ang kapit ng bata.

Ipinagpatuloy ni Aris ang pagpapabuti sa sarili tatlong buwan pa ang lumipas ay ramdam na niya ang bigat ng tiyan niya. Nakalimutan na niya paminsan-minsan si Foji at Aster na ngayon ay masaya na.

Malapit ng lumabas ang anak nina Aster at Foji...

Habang hinahaplos niya ang sariling tiyan ay nakaramdam siya ng pananakit no'n. Halos mahulog ang mga nakalagay sa ibabaw ng coffee table niya.

"A-Ah! Aray!" Naalala niya ang itinuro sakanya ng doctor niya kung sakaling biglang sumakit iyon. Ginawa niya iyon at paglipas ng ilang saglit ay nawala ang sakit. "Oh, God... baby, kapit lang ha? May dalawang buwan pa bago ka lumabas."

Kinuha niya ang binigay ng doctor sakaniya para marinig ang pagtibok ng puso ng anak. Pero habang ginagawa niya iyon ay wala siyang marinig. Iyon na naman ang pandadaga ng dibdib niya.

Sinubukan niya ng paulit-ulit iyon pero walang nagbago kaya bago gumabi ay pumunta na siya sa hospital. Hinanap ang doctor na tumitingin sakaniya. Nang makita siya ng ibang medical staff ay tinulungan siya ng mga ito.

Doon niya lang napansin, dinudugo na siya. Iniisip niyang nasugatan lang siya at ayaw niyang tanggapin sa isip na anak na niya ang sunod na bibitaw sakaniya.

"Ms. Herani! Kumalma ka, I'll check your vital." Ang dami nilang ginawa at ang huli doon na tumatak sa isipin ni Aris ay ang pagkawala ng pulso ng anak niya. "Ms. Herani, I'm sorry. Your baby didn't make it. Tumigil ang pagpulso niya at mababaw na rin ang kapit niya."

"W-What? H-Hindi, sumipa pa lang siya kahapon, Doc!"

"I'm really sorry for your lost, Ms. Herani. But we need to take out your baby from your womb. Mamamatay ka kapag hindi namin iyon ginawa." Anito. Iniwan siya ng doctor at ipinahanda ang OR. Pero bago pa man nila magawa iyon ay umalis na siya.

Lumabas siya ng hospital na umiiyak. Durog na durog at haplos ang walang buhay niyang anak sa sinapupunan niya. "T-Tangina ang daya-daya ng mundo..." Nang makabalik siya sa condo niya ay lumala ang pananakit ng tiyan niya.

Paulit-ulit na umaagos ang luha niya habang hinahaplos ang tiyan niya.

"B-Bakit naman iniwan ninyo a-ako? B-Bakit h-hindi kayo.... l-lumaban?" Napuno ng paghikbi niya ang buong condo niya.

Habang sumasakit ang tiyan niya ay inayos niya ang sarili. Nagbihis siya at isinuot ang regalong dress ng lalaking mahal niya.

Nang makalabas siya sa salas ng condo niya ay muling tumulo ang luha niya. Naroon ang tali na ikinabit niya at upuan sa baba niyon.

"P-Pasyensya na... pero hindi ko na kaya. H-Hindi ko na kaya." Iniwan niya ang mga sulat sa ibabaw ng lamesa at humakbang sa upuan.

Parang tubig ang agos ng luha niya. Hinaplos muna niya ang tiyan niya bago niya ginawa ang balak. Dahan-dahan, tinulak ni Aris ang upuan at tuluyan na siyang naiwan sa ere.

Sa huling sandali ng buhay niya ang huling luha na lumabas sa mata niya ay para sa kaligayahang minsan niya lang natikman.

Tumagal ang katawan niya doon bago dumating ang mga pulis. Kasabay ng pagdating ni Foji... ang lalaking mahal na mahal ni Aris hanggang dulo.

Ang lalaking pinatawad ni Aris ng paulit-ulit.

"Papasukin niyo ako! Aris! Aris nandito na ako!" Sigaw ni Foji mula sa hallway ng condo unit ni Aris.

"Sir, bawal po kayo pumasok. Maghintay po kayo dito, ilalabas na rin ang katawan niya." Umangaw ang bibig ng lalaki sa sinabi ng pulis kaya umiling ito.

"Anong sinasabi mo!? Buhay siya! Buhay si Aris-" Hindi pa man siya tapos sa sinasabi niya ay nakita na niya ang nilalabas na katawan ni Aris. Mas lalo pang nalaglag ang panga niya ng makita ang malaki nitong tiyan. "A-Aris..."

Nilapitan niya ito, hinawakan ang malamig nitong pisngi. "A-Aris.. b-bakit ka sumuko? B-Bakit?"

"Sir, seven months na po siyang buntis and still she commited suicide. We're sorry for your lost sir."

Ang gabing iyon ang pinakamasakit sa lahat.

Dahil habang itinataboy nila si Aris ay hindi nila alam nagdudusa ito.

Hindi nila naisip na ang bawat salitang lumalabas sa bibig nila ay katumbas ng milyon-milyong karayom na tumutusok sa dibdib ng isang tao.

At kahit anong luha ang ilabas nila hindi niyon matutumbasan ang paghihirap magisa ni Aris.

Herani, Aris Gyn.
199* - 2022
Fly high far, My Aris.

____________________

SERIALTHINKERBELL

Beautiful Goodbye| COMPLETEDWhere stories live. Discover now