The love who's willing to fight and wait for the right time.
A years passed. Mas naging mabuti na ulit sa isa't isa sina Aris at Foji. Sa lumipas na dalawang taon ay naging matatag sila.
"Love, nandito si Mommy." Bulong ni Foji kay Aris. Nasa bahay siya nito, inimbitahan kasi siya ng nobyo na sumama sa dinner nila.
"F-Foji, alam mo naman na hindi ako gusto ng Mommy mo 'diba?" Nagaalangang naglakad si Aris kasama si Foji. Aminado ito na kahit legal sila at matagal na silang magkarelasyon ay hinding-hindi siya magugustuhan ng Mommy ni Foji.
"No, It's okay. She will like you, I promise you." Ngumiti ito sakaniya at tumango. Kahit na dinadaga ang dibdib niya ay sumunod pa rin siya kay Foji.
Nang marating nila ang hapag ay agad na bumalatay ang galit sa mukha ng Ina nito. Ang pagkadi-gusto nito sa babae ay lumalabas.
"Mom-"
"Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito?" Galit at madiin iyong sinigaw ng Ina ni Foji. Humigpit ang hawak nila sa isa't-isa, si Aris na nakayuko at si Foji na nakatingin ng diretsyo sa Ina. "Hindi ba't sinabi ko ng hindi dapat umapak ang maruming babae na 'yan dito sa pamamahay ko, Ander?"
"Ma, can you stop your mouth? Dinala ko dito ang girlfriend ko para ipakilala ulit sainyo. She's still my girl, why don't respect her?"
"What? So are you telling me to respect that girl!? Hibang ka ba, Ander-"
"Hon.." Foji's Dad. "Stop it. Masama sa dibdib mo 'yan. Calm down."
"No...How can I calm? Nagdala ulit ng maruming babae itong anak mo at ang malala pa rito hindi niya alam na nandito ang mapapangasawa niya-"
"Mommy!"
"Honey!"
Halos mabuwal sa kinatatayuan si Aris. Sabay na sumigaw ang mag-ama, pinipigilan ang nais iparating ng Asawa at Ina nila. Nagtatakang tinapunan ng tingin ni Aris si Foji na naguumigting ang panga habang nakatingin sa Ina.
Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya. Mahigpit at madikit iyon sa bawat isa. Hindi niya alam sino at ano ang paniniwalaan. Ang Ina ba nito na galit sakanya o ang lalaking mahal na mahal niya at pinaglalaban siya.
Bago pa man siya makapagsalita ay hinila na siya ng lalaki at nagpaandar pauwi sa condo nito. Hindi sila kumikibo, hindi rin siya umiiyak. Halos paliparin ni Foji ang sasakyan para lang makarating sa condo nito.
"Foji.."
"I'm sorry, love...I'm so sorry.." Niyakap siya nito at hinalikan sa sintido. Nakaupo sila sa sofa sa salas ng condo niya. Madilim at walang ilaw, hindi na kasi ito nagabala na buksan at agad na siyang hinila para mayakap. "Aris.."
"Ayos lang, Foji. Alam ko naman na ayaw ng Mom mo sakin. I already told you that but you still insist."
"I thought..." Bumitaw ito ng yakap at pinagkatitigan ang mukha ni Aris. "Can I kiss you?"
"Ha?" Magsasalita pa sana ito nang sakupin na ni Foji ang pangibabang labi niya. Hindi siya gumanti, hindi nga niya alam kung paano humalik. Nang gumalaw ang labi ni Foji ay halos maglambot ang tuhod niya. "Hmm.."
"Love, gumanti ka." Ani Foji nang saglit maghiwalay ang labi nila. Hindi pa man siya nakakadilat ay naramdaman na naman niya ang labi nito sakanya. Banayad at magaan ang galaw, tinatansya ang hugis ng labi ni Aris.
Aris thought that Foji is for only a kiss. But that night, they went louder and wilder. Didn't think twice for a consequences.
15 years ago.
"Foji ano ba 'yan! Kadiri naman 'yang pinapanood mo naghahalikan!" Ani Aris habang ningunguya ang crakcers sa bibig habang nakapikit.
"Hala siya, ang ganda kaya. Gusto mo try natin?" Si foji na ininguso pa ang labi sa harap ni Aris.
"Kadiri, isusumbong kita kay Mommy lola!"
"Ikaw naman di mabiro. Joke lang, eh. Di pa kita pwede halikan kasi 16 ka pa lang. T'saka na siguro 'no? Kapag matanda na tayo."
"Ay lakas mo naman. Feel mo ba tayo pa rin kahit pumuti 'yang buhok mo?"
"Hoy! Aba naman, syempre. Bakit hindi mo ba naiimagine 'yon? Ikaw yung hihintayin ko sa altar tapos ikaw yung maghihintay sakin galing ng trabaho at ikaw din ang magiging mama ng mga baby natin."
"Angas mo naman." Inirapan niya ito at ngumuya pa ng kinakain. Naramdaman niyang hinawakan ni Foji ang pisngi niya kaya nabitawan niya ang pagkain. "Hoy! Anong ginagawa mo."
"Wala lang, tinitignan ko lang ang labi mo. Ang ganda kasi, 'wag mong ipapahalik sa iba 'yan ha! Minus ka sa heaven."
"Siraulo, layuan mo nga ako sisipain ko 'yang itlog mo!" Tumatawa namang lumayo si Foji at inilipat sa cocomelon ang palabas. Hinila niya si Aris na nagmulat ng mata at pinanood ng palabas sa screen.
Naghahampasan at nagaasaran lang sila dahil masyadong pambata ang napiling simulan ni Foji sa screen.
Kahit na nalilibang sila at lumipas ang taon hindi nakalimutan ni Aris ang mga sinabi ni Foji nang araw na 'yon.
Ang halik at unang gabi nila na hindi niya inaasahan.
Ang pangakong paghihintay sa mahabang panahon.
_________________
Can't write r-18 here haha bawas muna tayo ng kasalanan.:))