Ang mga pangakong nabitawan sa gitna ng pagmamahalan.
13 years ago.
"Umayos nga kayong dalawa dyan! Kayo na next dito!" Sigaw ng president ng Class-A STEM. Pictorial ng graduation nina Aris at Foji at pinilit nila ang president na magkaroon ng group or duo pictorial. "Oh, Aris Gyn Herani and Foji Ander Alba pasok na."
"Tara na." Hinawakan ni Foji ang kamay ng babae at hinila ito papunta sa gitna. Tinignan pa nito si Aris na nangangatog na dahil pakiramdam niya ay mukha siyang tanga sa make-up na ginawa ni Aster sakaniya.
"I'll count for 3 seconds then smile kayo, ha? Nandyan na din yung board kung gusto niyo magsulat."
"Love.." Iniharap niya sakaniya ang babae at ningitian. "You're pretty, so so much. Kaya smile ka na, okay?" Tumango ang babae at ngumiti.
"Tangina naglalandian pa!" Sigaw ng President nila kaya nagtawanan ang mga kaklase nila. "Shuta hindi na kayo mapaghiwalay, mag kamukha na kayo! Sabaok!"
"Okay, ready two lover birds..." Ani photographer. Magkahawak ang kamay ng dalawa habang nakangiti sa harap ng camera. Pagkatapos ng dalawang kuha ay nagsulat sila sa board na nasa gilid.
"Anong isusulat natin?" Aris asked while holding the board and the chalk. Hindi siya pinansin ni Foji kaya kinalabit niya ito. "Mahal?"
"Write everything you want for the future, love. And ofcourse 'yung sana mo about sa relationship natin. Bago 'yon!"
"Mga sana ko sa relationship natin?"
"Yeah, like sana magtagal tayo gano'n."
"Ang korni naman!"
"Tsk, dali na. Isa or dalawa lang, love. Look, nagsulat na ako." Ipinakita ni Foji ang board sa kasintahan.
Alba, Foji Ander M. 18, soon to be Engineer and Aris's husband. Sana walang katapusan kahit sa pagdating ng dulo.
"Angas talaga, husband ko. Makapal ka na niyan?" Natatawa ani Aris. Ningusuan lang siya ng lalaki na kinahalakhak niya. "Sa pagtanda natin, saka ko na sasabihin ang sana ko. Promise 'yan!"
Herani, Aris Gyn. 17, soon to be Engineer and Foji's Wife.
Ngumiti ang lalaki at hinalikan ito sa pisngi bago sila bumalik sa room. Ilang saglit pa ay kinuhanan na sila ng litrato. Sa gilid niyon ay nakanood ang mga kaklase nila, kinikilig kasama si Aster na kaibigan ni Aris.
Ang mga araw na magkasama sila at sa bawat pangako nilang dalawa ay mahalaga para kay Aris.
Ang pagtitiwalang ibinigay ni Aris sa kaibigan niya at pagmamahal kay Foji ay hindi matutumbasan ng kahit anong yaman.
Dahil ang tiwala at pagmamahal na binuo niya para sa iba ay kalahati ng pagkatao niya.
"Mahal kita, Foji..."
"Mahal din kita, Aris.."
"Aster! Congrats, tapos ka na magaral! I'm so proud of you."
"Thankyou, Aris! Mahal kita!"
"Mahal din kita, omg teka nga nakakaiyak naman 'to. Tayo pa rin magkasama hanggang sa nakatapos tayo, proud ako sa nga nilagpasan mo!"
"Ako pa ba? Lakas ko eh!"
Ang bawat tao may piling pinagkakatiwalaan at minamahal. At isa si Aris sa mga taong pinili ang taong binigyan niya ng tiwala at pagmamahal.
Pero hindi niya alam na ang kapalit ng lahat ay ang sakit na nararamdaman niya.
Ang kapalit ng binigay niya ay pagtataksil.
Si Aris na walang ibang hiniling kundi maramdaman din ang mga ipinaparamdam niya sa iba.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana.
Nasa pagitan pa lang ng istorya ay nawala na pala siya.
Sa istoryang siya dapat ang bida ay naging takip palit na lang.
__________________
:))